Mcdo
isang kainan na makikita mo kahit saan
isang kainan na marami laging tao
isang kainan na para sa mga taong gustong makalimot
isang kainan na theme song ang tuloy pa rin
isang kainan na minsan ko ring pinuntahan para makalimot
isang kainan na kung saan minsan mo ring pinuntahannaalala ko pa noong unang beses kitang makita doon
napakaraming tao ang naroon pero ikaw ang nakakuha ng atensyon ko
naalala kong papasok pa lang ako ikaw agad ang nakita ko
dahil naroon ka sa pwesto na katabi yung glass wall
sa spot na sinasabi nilang para raw sa mga taong gustong mag move on
naalala kong lahat ng upuan ay occupied na
pero sa tapat mo
ng upuang inuupuan mo
may bakante kaya itinanong ko sayo kung pwede bang makiupo at pumayag ka
nung tumingin ka noon sakin nakita ko sa mata mo yung lungkot
kaya naisip ko na siguro tulad ng sinasabi ng iba nandito ka para makalimot
para makapag move onnapaisip tuloy ako "tunay ba yun?"
paano ka makakapagmove on sa isang lugar na napakaraming tao
paano ka makakapagmove on sa lugar na maingay
kapag ba kinain mo yung pagkain sa lugar na to makakapagmove on ka na
anong meron sa lugar na to para puntahan ng mga nagmomove on
pero naisip ko na tunay nga yun
kasi nung pumasok ako sa fastfood chain na yun at nakita kita
parang nakalimutan ko yung nangyari sakin
nakalimutan kong ang dahilan nga pala ng pagpunta ko roon ay para testingin kung totoong makakalimot nga ako doon
tapos naisip ko na totoo nga
dahil nung nakita kitang mag isa at malungkot naiisip ko biglang "kailangan ako nito"pwede mong sabihin na nalove at first sight ako sayo
alam ko korni
alam kong love takes time
pero mas naniniwala akong love makes time
dahil ng oras na yun naramdaman kong gusto kitang alagaan
na gusto kitang mahalin
nakakatawang sa dami ng lugar na pwede kitang makita dito pa sa lugar ng mga nabibitter
dito pa sa mcdo na para sa mga nagmomove on
pero ayos lang
nakilala naman kitakinabukasan nung naisipan kong bumalik doon kasi nagbabakasakali akong makikita ulit kita
pagdating ko nandoon ka nga
at parang masaya ka nung araw na yun
naisip kong lapitan ka ulit at makipagkilala
kaso lang bago pa ko makalapit may nauna na
mayroon na palang nagpapasaya sayo
at siya pala yung dahilan nung lungkot mo nung unang beses tayong nagkita
akala ko pa naman ako na ang magpapasaya sayo
akala ko pwede kitang mahalin
hindi pala
siguro ito yung gustong iparating ng kainan na to
siguro kaya tuloy pa rin yung theme song nito
kasi kailangan kahit na hindi ka na niya mahal kayanin mo
kailangan mong kayanin kahit ikaw na lang
kahit na mag isa ka na lang
kaya pagkatapos ng araw na iyon
naging paborito kong kainan ang lugar na iyon
ang lugar ng mga taong may pagkabitter
ang lugar na mga taong nais makalimot
mga taong kinakayang mag isa
dito sa kainang ito nakayanan kong mapag isa.