sabi nila hindi dapat tinatalikuran ang isang taong sobra nating mahal
kahit na yung nag iisang tao na yun tinalikuran na tayo
ganyan daw dapat kapag nagmahal
kailangan ipinaglalaban kahit na yung taong yun sumuko ng lumaban para manatili yung kayo
ipaglalaban mo siya dahil mahalaga siya
dahil mahal mo siya
dahil hindi mo naman sisimulan ang laban kung alam mong hindi siya karapat dapat
kung alam mong sa huli mamamatay ka langpero paano kung yung taong yun
lumalaban nga
pero hindi para manatili kayo
kundi para manatili yung sila
paano kung yung taong ipinaglalaban mo ikaw ang itinuturing na kalaban
kung yung taong yun kakampi ang kalaban mo
magpapatuloy pa ba ko?
ipagpapatuloy ko pa bang lumaban para hindi siya tuluyang mawala
ipagpapatuloy ko pa ba ang laban kung siya na mismo ang nagsasabing sumuko na ko
ipagpapatuloy ko pa ba kung ang natitira na lang ay ang pagmamahal ko sa kanya
magpapatuloy pa ba ako kung ako na lang mag isa?napakadaming tanong ang nasa isip ko ngayon
pero sa puso ko
alam ko isa lang ang sagot
"oo magpapatuloy pa rin ako"
dahil sa bawat araw na lumalaban ako alam ko na unti unti ng nagigiba ang mga pader na itinayo niya
na darating ang araw ang kunot sa kanyang noo ay mawawala
na ang ngiti ay unti unting sisilay sa kaniyang labi
na sa paglipas ng araw na lumalaban ako para sa amin ay bibigyan niya rin ito ng halaga
dahil sa araw araw na paglaban ko unti unti mararamdaman niyang totoo lahat iyon
ang mga galos at sugat na alam kong kanyang gagamutin
ang mga pilat at peklat ang maglalaho kasama ng nakaraang magbigay nito
dahil sa kinabukasang darating alam kong kasama ko na siya sa laban ko.