Paglalakbay sa Kawalan

888 5 0
                                    

Matagal ko ng pangarap ang maglakbay sa ibat ibang parte ng mundo
kasama ang taong mahal ko
At ngayon natupad ko na ito
kasama kita ngayon
pumupunta sa ibat ibang lugar

ngunit tila ba sa bawat paglayo ng napupuntahan natin
ay ang paglayo mo rin sa akin
na tila ba ang lamig ng mga bansa na tinutungo natin
ay ang paglamig rin ng pakikitungo mo sa akin

kaya minsan naiisip kong bumalik na lang
dahil nagbabakasakali ako
nagbabakasakali ako na sa pagbalik natin
ay ang pagbalik mo rin
ang pagbalik rin ng nararamdaman mo

o kaya naman ay tumigil na lang tayo dito
sa kung nasan tayo ngayon
at baka sakaling tumigil ka rin sa paghahanap ng iba
dahil hanggang ngayon nagbabaka sakali parin ako na babalik ka
na babalik tayo sa dati

nakakapagod pa lang maglakbay
nakakapagod maglakbay sa mundong ito
na noon ay napakakulay ngunit ngayon ay tila isang maliit na kahon na lamang
na wala ng patutunguhan

pero heto ako patuloy paring naglalakbay sa kawalan
nauuhaw hinahapo at pagod na
pero hindi ako titigil hanggang sa makita ko ang daan paalis sa kawalang ito.

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon