Maraming nagkapagsabi sa akin na ang tanga ko
Na ang martyr ko sa pagmamahal
Na paano ko nagagawang patawarin ang taong paulit ulit na sakin ay pumapatay
Ang totoo niyan hindi ako tanga
hindi ako martyr
Nagmamahal ako
Dahil ganoon naman talaga kapag nagmahal tayo
Papatawarin pa rin natin kahit paulit ulit na lang
kahit na lagi nila tayong sinasaktan
kahit na sobra na
Dahil sino ba naman tayo para hindi magpatawad di ba
Para sakin ang ibig sabihin ng pagmamahal ay pagpapatawad
Tulad ng pagmamahal sa atin ng Diyos
Ang Panginoon na nagagawa tayong tanggapin ng ilang beses
nagagawa tayong patawarin sa milyon milyong kasalanang ginawa natin
Hindi tayo perpekto
May mga pagkakataong makakagawa talaga tayo ng kasalanan
ginusto man natin o hindi
Kaya nga nandyan ang pag ibig
Ito ang rason sa lahat
Kung tunay ang pagmamahal natin kakayanin natin lahat ng pagsubok na darating
Dahil ang tunay na pagmamahal hindi kinikilala ang anumang pagkakamali
Dahil kapag tunay tayong nagmahal hindi natin binibilang kung ilang beses na tayong sinaktan ng taong iyon
Mas pinapahalagahan natin yung mga araw na minahal tayoKaya kahit na masaktan man tayo ng ilang beses sa pagmamahal
Tandaan natin na ito at ito pa rin ang buo buo sa atin
Papatayin tayo na pag ibig
Pero sa huli ito pa rin ang bubuhay sa atin
Kaya pipiliin kong masaktan ng paulit ulit
Dahil ibig sabihin lamang nito na pinili ko ring magmahal ng ilang ulit
Ganito naman talaga ang buhay ng tao hindi pwedeng mawala ang pagmamahal
because life without love isn't life at all
because only love can keep us livin'
Kaya walang dahilan para hindi natin piliing magmahal
Sapagkat ang pagmamahal ay nangangahulugan ng buhay.