noong mga bata pa tayo
at sasapit ang pasko
hilig nating humiling ng regalo
isang batang naniniwala pa kay santa claus
isang batang naniniwalang pag nagpakabait ka may matatanggap kang regalo
ito yung isang paniniwalang nadala ko hanggang ngayonmasasabi kong kaya ko natanggap ang regalong ito ay dahil sa nagpakabait ako
dahil sa sinunod ko ang magulang ko
pero may isang bagay na nagbago sa paniniwala ko
hindi na ko naniniwala kay santa claus
dahil isa lang naman ang nagbibigay ng regalo sa atinat mayroon akong natanggap na regalo
isang regalong pinaka paborito ko sa lahat ng binigay niya
at isang taon na ang nagdaan
nang tanggapin ko ang regalong hindi mahihigitan
regalong hindi na kailangan pang balutan
regalong hindi kayang hilingin sa kalangitan
regalong sa akin lang inilaan
regalong hindi mapapalitan ng ano mansa akin ito'y binigay ng makapangyarihan
kanyang hinulma ng may sobrang pag iingat
inukit ang bawat parte ng may pagmamahal
sinaulo ang mga pasikot sikot ng isipan
bago tuluyang pinakawalanhindi ito isang pangkaraniwang regalo
araw ng pagtanggap nito ay hindi ko pinlano
ngunit kasabay ng pagtanggap ay isang pangako
pangako ng dalawang tao
pangakong hindi mapapako
dahil ang pangakong ito'y sa may likha nakapakowag ka ng mag isip pa ng malalim
ang tinutukoy kong regalo
ay regalong hindi para sa paglalaro
regalong hindi kailangang itago
regalong kailangan ng respeto
siguro'y nalilito ka na sa mga sinasabi ko
siguro'y naguguluhan na rin sa tinutukoy kong regalo
kaya ito na sasabihin ko na sayo
ikaw
oo ikaw
ikaw ang pinakamamahal kong regalo.