Ito na

411 1 0
                                    

Magsisimula ako sa panahong nagsimula na yung tayo
sa panahong nanumpa tayo sa harap ng simbahan
sa panahong ang puso natin ay naging iisa na
sa panahong sabay na tayong natutulog at nagigising sa iisang kama
sa panahong sabay na kumakain ng umagahan tanghalian at hapunan
sa panahong sabay na tinatahak at nililisan natin ang iisang bahay
sa mga panahong pinaparamdam natin sa isat isa ang pag aalaga at pagmamahal
at siyempre hindi naman mawawala yung mga panahong hindi tayo nagkakaunawaan
pero mahal gusto kong malaman mo na
sabay natin itong lalampasan
dahil nandito na tayo at wala ng atrasan

mahal ito na iyon
at hindi ito ang pagtatapos ng ating walang hanggan
dahil ito ay ang simula
dito tayo magsisimulang itatayo ang mga pangarap na sabay nating pinlano
dito natin sabay na gagawin ang mga bagay na matagal nating hinanda para sa pagdating ng araw na ito
ito na yun mahal
at masaya akong natupad natin lahat ng mga pangako natin
masaya akong ikaw ang nakasama ko sa araw na ito
masaya akong ikaw ang kasama kong tumayo sa harap ng diyos
masaya akong ikaw ang kasama ko hanggang sa pagtanda
masaya akong ikaw ang makakasama ko sa panghabambuhay
wala na atang katapusan pa itong sayang nararamdaman ko sapagkat ikaw ang kasama ko
at alam kong masaya ka rin sa tayong sisimulan nating muli

mahal gusto kong sabihin sayo na ito na
ito na yung tayong matagal nating pinangarap
ito na yung tayong hindi na maghihiwalay
ito na yung tayong tayo lang talaga
ito na yung tayong walang hanggan
at sana maging masaya tayo hanggang sa hangganan ng tayong pinili nating buuin at sabay nating pinangako sa harap ng diyos.

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon