Manhid Ka

653 0 0
                                    

mahal sa tagal na nating magkakilala
na sa tagal na nating magkasama
kahit minsan ba naramdaman mo
naramdaman mo ba ang pagmamahal ko
sa tagal ng pagiging magkaibigan natin
naramdaman mo ba na mahal kita
hindi lang bilang kaibigan
kundi bilang ikaw
mahal kita ng higit pa sa kaibigan

mahal kita dahil mahal kita
at hindi ako magsasawang iparamdam sayo ito
hanggang sa maramdaman mo
ang tunay kong nararamdaman para sayo
hanggang maramdaman mo na mahal kita

hanggang sa mahalin mo rin ako ng higit pa sa pagkakaibigan na nararamdaman mo
mananatili ako sa tabi mo at paulit ulit na ipaparamdam sayo
na kailangan mo rin ako
hindi bilang kaibigan na pagkukwentuhan mo ng mga bagay na nagustuhan mo sa kanya
kundi para sabihan mo rin ng mahal kita

dahil mahal ayaw kong maging kaibigan mo lang
ang gusto ko maging higit pa doon
ayaw kong manatiling kaibigan lang
kaya mahal sana
sana maradaman mo
na nandito lang ako
na hindi kita iiwan
sana maramdaman mo
na mahal kita
mahal na mahal kita
sana maramdaman mo.

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon