Lipunan Ngayon

52 0 0
                                    

Ganda, isang katangiang masasabi kong bumulag sa marami sa atin
sa panahon ngayon marami ng bulag
marami na ang makikitid ang utak
kaya ka nilang patayin gamit ang mga salita
masakit na hinuhusgahan na tayo batay sa ating pisikal na anyo
maganda ka
kahit anong gawin mo tanggap ka ng lipunan
hindi ka gaanong kagandahan
maghanda kang masaktan
dahil nandiyan sila naghihintay na may mahusgahan
naghihintay na akala moy sasabak sa patayan

ah, oo nga pala
patayan pala talaga
kasi mamatay ka sa sakit ng mga salitang binibitawan nila
magpapakamatay ka makatakas lang sa mga panghuhusga nila
wala eh, ito na ang lipunan ngayon
ganito na ang mundong tinatayuan mo
puno na ng taong hindi na nakapag iisip ng tama at totoo
wala na sinira na nila ang mundo
kaya kung isa ka sa mga nahusgahan nila alam ko naiisip mo
maganda pa bang manatili sa ganitong klaseng lipunan? ano sa tingin mo?

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon