“Pakisabi naman sa nanay mo magbayad na kayo ng upa dito!Pwede ba mahiya-hiya naman kayo?!Aba! Ilang araw ko na kayo pinagbibigay! Nako, isang lingo! Isang lingo na lang ang ibibigay ko na palugit sa inyo kung hindi, magbalot-balot na kayo!”
Halos mabingi ang tenga ko sa sobrang sermon na naabot ko sa landlady nitong inuupahan naming bahay.
“Asaan ba ang magulang mo ha Julie Anne?!Nang sila man lang sana ang makausap ko”
“Ho? Ah eh andoon po sa school suma-side line na magturo. May sakit kasi yung kaibigan nya na teacher, ayun nagvolunteer muna po na maging substitute”
“Sus!Baka tinatago mo lang sya diyan sa loob!” Umirap pa siya.
“ Ay nako ho,hindi po ako pinalaking nga mga magulang ko na magsinungaling. Huwag po kayong mag-alala. Sasabihin ko po yung mga bilin niyo pagdating nila mama.”
“Dapat lang!Isamg lingo ha.Isang linggo.”
Sinara ko yung pintuaan saktong pag-alis niya. Feeling ko hindi tuloy bakasyon. Magsesecond year college na ako sa pasukan and I doubt kung maipapagpatuloy ko pa nga ngayong ganito naman yung kalagayan namin.
“Ate!Si aleng bangbang nanaman ba ‘yon?”
“Oo Joana”
“Naniningil nanaman ba?”
“Oo”
“Araw-araw na lang naniningil ‘yon ah! Dapat talaga yung palayaw na bangbang. Para talaga syang baril magsalita at maningil!”
“Sshhh” Tinignan ko sya ng masama “Joana,masama yan”
“Ate,dapat nag-english ka!Panigurado,hindi ka maiintindihan nun!”
“Ano ka bang bata ka! Natutunan mo yan sa school niyo? Bat ganyan ka magsalita sa mas matatanda?”
“Sorry ate” Yumuko siya “Inaaway nya kasi kayo eh”
Medyo napangiti ako sa sinabi niya at lumipat ng upuan para matabihan sya. Kahit paano, ayokong maging masamang impluwensya sa mga kapatid ko. Lalo na kay Joana kasi sya yung sumunod sa akin. Pagdating ng araw, sya ang magdadal ng responsibilities sa family naming kaya dapat maganda ang mga maipakita ko sa kanya.
2 pala ang mga kapatid ko. Si Jac,medyo bata pa. 4 years old tapos sumunod si Joana, 13 years old tapos ako na.
“Ate, kantahan mo nga ako”
“Nanaman? Gumawa ka na lang kaya ng mga assignments mo?”
“Mamaya,promise. Isang kanta lang, please?”
“Hmmm, oh sige.”
I snapped my fingers tapos pinili yung isa sa mga paborito ko na kanta.
Fallin out, fallin in
Nothin's sure in this world, no no
Breakin out, breakin in
Never knowin what lies ahead
We can really never tell it all
Say goodbye, say hello to a lover or friend
Sometimes we never could understand
Why some things begin then just end
We can really never have it all
BINABASA MO ANG
Off-screen Romance: JuliElmo Love Story (COMPLETED)
FanfictionIdadaan ko na lang sa kanta ang mga salitang hindi ko masabi sa kanya. I'll just keep my feelings in every words that I will sing.