“Sino?Sinong artista Joana?”
“Pa!” Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko nang biglang bumaba silang dalawa ni mama kasama si Jac,yung bunsong kapatid ko.
“Sino?Sino ang mag-aartista?”
Isa lang ang pumasok sa isip ko nang makaharap ko na si papa. Patay ako nito.
“Pa?”
“Julie Anne,may gusto ka bang sabihin sa akin?May gusto ka bang ipaliwanag ha?”
“Pa-“
“Ano?Hindi kita pinalaking sinungaling ha.Umamin ka!”
“Pa kasi po-“ Huminga ako ng malalim “Ang totoo po niya,hindi ako yung sumali doon sa singing contest, hindi si Jae”
“Nagsnungaling ka sa akin?!”
“Pa,gusto ko lang naman kayong matulungan para makabayad na tayo dito sa renta tapos makapagpatuloy ako sa pag-aaral ko. Hindi ako nanalo doon sa contest pero may luampit sa amin na taga-GMA-7. Gusto daw po akong isubok sab ago nilang variety show kaya sana payag-“
“HINDI!Walang sasali!”
“Pero pa!”
“Julie Anne,isang salita lang.WALANG SASALI.WALANG MAG-AARTISTA.Naiintindihan mo?Dito ka lang at mag-aaral.”
“Gusto ko lang naman tumulong sa pamilya natin ah!”
“Sisirain lang ng pangarap mo yang buhay mo Julie Anne.Walang mag-aartista.Magfofocous ka lang sa pag-aaral mo at huwag yang pagkanta mo ang atupagin mo!Huwag mong ipagpilitan pa yang gusto mo.Naiintindihan mo ba?Pangarap pangarap.Nako, walang maitutulong sa atin yan.Wala din lang pupuntahan yang pagkanta mo!”
Naramdaman ko yung pagpatak ng luha ko “Bakit hindi niyo man lang ako bigyan ng tsansa?Bakit?!Bakit hindi niyo mapagbigyan yung pangarap ko?Papatunayan ko naman yung sarili ko sa inyo na kaya ko!” Pinunasan ko yung mga luha sa mata ko at saka dumiretso sa kwarto ko.
Sinara ko yung pintuan at saka naupo sa gilid ng kama ko.
I folded my two hands above my knees at saka pinatong doon yung ulo ko.
Wala din lang pupuntahan yang pagkanta mo! Ang sakit naman ng sinabi ni papa.Bakit wala siyang tiwala sa kakahayan ko?Bakit ganon na lang niya maliitin yung pangarap ko.Bakit hindi niya maintindihan na ito talaga yung gusto ko?
Bakit yung sarili ko pa na magulang…ang walang tiwala sa akin?
--
“Kumalma ka nga muna.Bakit hindi natin pag-usapan ng maayos ‘to?Nasasaktan mo yang anak mo ng walang dahilan. Oh Joana,umakyat ka muna sa taas. Samahan mo si Jac doon”
“Ah,oh sige po”
“Nag-aaral naman ng mabuti yung bata. Bakit hindi mo muna kausapin ng maayos kung iyon talaga ang gusto niya?”
“Kinukunsente mo nanaman yang anak mo”
“Hindi sa kinukunsente pero Jonathan,sana i-consider mo din yang nararamdaman ni Julie Anne.Eh kung ‘yon talaga ang gusto niya bakit hindi mo bigyan ng pagkakataon na patunayan yung sarili niya sa atin?Bigyan muna natin ng pagkakataon at kung hindi maganda ang kinakalabasan eh ‘di saka natin patigilin.Tignan natin kung kaya niya talaga.Kahit isang tsansa lang ang ibigay natin sa kanya.”
BINABASA MO ANG
Off-screen Romance: JuliElmo Love Story (COMPLETED)
FanficIdadaan ko na lang sa kanta ang mga salitang hindi ko masabi sa kanya. I'll just keep my feelings in every words that I will sing.