Rail's PoV.
Maaga kong pinasara yung Coffee shop ko dahil sa bwisit! Di kasi ako makapag focus sa trabaho dahil nga kay Meliza at sa pesteng Jun Lee nayon!
Kanina ko panga gusto manapak ng tao eh. Kaya minabuti kong uminom nalang mag isa dito sa Condo. Kesa naman mag punta pako sa Bar ni Josh. Mamaya diko ma control sarili ko mag wala pako. Di tulad dito mag wala man ako walang makikielam sakin. Siguro naman di nako papakielaman pa ng probinsyanang yun. Subukan nya pa ulit makielam dilang yung tulak nayon mararanasan nya.
4 palang ng hapon nandito nako sa Condo. Halos naka 10 beer incan na nga ata ako eh. Napansin kolang di ata lumalabas ng kwarto nya yung babaeng asungot nayon. Maganda yan. Wag syang lalabas don dahil nandito ko. Ayaw ko makita pag mumukha nya.
7 na ng gabi.. bakit ganon parang wala namang talab yung beer na nainom ko? Ano ba! Pati banaman yung beer hindi nakikisama! Ayaw pa ko lasingin ng maitulog konalang tong galit at sakit na nararamdaman ko!
Ginawa ko Tumaya ako mula sa pag kakaupo. Tapos nag lakad ako palapit don sa Vase na naka display.. kinuha koyon.
"I hate this F*ckin life!!"- sigaw ko sabay bato ng Vase.
Sound proof naman dito sa Condo kaya ok lang yan di ako makaka bulahaw ng iba.
Di pako nasiyahan kaya kinuha konaman yung swan na babasaging display.
"Ahhh!!!"- sigaw ko ulit sabay bato nung swan.
*blink* (guys sound effect puyan ng pinto nung condo pag binubuksan. Basta imaginine nyo nalang pulubi sa sound effects yung utak ko eh.)
Napalingon ako dun sa pinto ng Condo.
Sino naman kaya tong nag lakas loob na pumasok dito sa Condo.Nung nakita ko kung sino yung pumasok. Lalong nag init yung ulo ko.
Akala koba nasa kwarto nya tong babae nato. San sya galing. Tapos mukhang masaya pa yung itsura nya. Nakangiti syang pumasok dito eh.
Naiinis ako! Naiinis akong makita sya na masaya!Nakita kong nanlaki yung mata nya ng makita nya ko. Tapos napatingin sya don sa mga nag kalat na bubog sa sahig.
Tinignan kolang sya ng masama. Halata naman sa itsura nyang di nya malaman yung gagawin nya. Kung mag sasalita ba sya o hindi. Nakahinto lang sya sa kinatatayuan nya.
Diko inaalis yung tingin ko sakanya. Napansin kong napa buntong hinga sya, tapos nag simula na syang humakabang. Siguro aakyat na sya sa kwarto nya. Kaso ang malas nya dahil bago sya makaakyat sa hagdan madadaanan nya muna ko.
Bago pasya makalagpas sakin hinila ko yung braso nya, ng sobrang higpit.
"Ah! Ano ba!"- naka kunot noo nyang sigaw.
Palaban talaga sya. Edi mas maganda tignan natin kung hanggang kailan yang tapang mo.
"San ka galing!"- gigil kong sabi.
Trishan's PoV.
Tinignan ko lang sya ng masama.
Bakit nya ba ko tinatanong. Pakielam nya ba."Bitawan moko Rail. Aakyat nako."
"Sinong may sabing pwede kanang umakyat! Sagutin mo yung tanong ko. San ka galing!"- sigaw nya sakin.
Ano ba talagang nangyayari sakanya. Diko inaakalang ganyan pala ugali nya. Grabe sya kung uminom. Nag kalat yung mga incan sa paligid. Tapos nag basag pasya ng mga gamit.
"Gusto ko na umakyat! Wala kang paki kung saan ako galing!"- sigaw ko. Sabay hatak ng braso ko sakanya.
Nasasaktan nako eh!
BINABASA MO ANG
So I Married An Probinsyana Girl
General Fiction[Romantic/Comedy] SIMAPG... Ano kaya ang mangyayari kung malaman mong i papakasal ka ng parents mo sa taong di mo naman kilala? Kaya kayang iwan ni Rail si Meliza Imperial, ang babaeng mahal nya para sa kagustuhan ng parents nya? May chance kayang m...