Chapter 24.

3.5K 66 2
                                    

Trishan's PoV.

Kanina pa wala si Rail ah.. Simula nung mag pa picture kami kasama sila Lestly bigla nalang nawala si kumag.

"Hija, where's Rail? Kanina panamin sya di nakikita."- si Tita Michelle yan.

"Baka po nag CR Lang.."

"Grabe naman yung tagal nya sa CR. Hinahanap sya ng Ibang business partners namin. Gusto nila kayo i Congratulate."

"Sige po tita, hahanapin ko muna sya. Tapos pupunta nalang kami sa table nyo."

Tumango naman si Tita Michelle tapos nag paalam na sya.

Nasan nga kaya yung kumag nayon. Para kasing tanga alam ng maraming bisita layas ng layas!

Lumabas ako ng reception tapos hinanap ko sya. Sakto namang habang nag lalakad ako may narinig akong sigaw. Wala namang masyadong tao na nag lalakad dito sa hallway ng hotel. Nag dahan dahan lang akong lumakad. Syempre baka mamaya mag asawa pala yung nag sisigawan masabihan pakong chismosa.

"May asawa na nga ako! Kanina lang ako kinasal!" -narinig ko ulit na sigaw ng isang lalaki. Medyo malapit na yung boses. Meaning malapit nako sakanila.

Siguro mag ex to. Tapos pilit binabalikan ng babae yung lalaki kaso kinasal na sya kanina. Kawawa naman yung ate kung ganon.

Naririnig kopa yung boses ng babae pero di malinaw yung pan dinig ko sa mga sinasabi nya.medyo mahina kasi eh di gaya dun sa boses nung lalaki. Ang lakas maka sigaw. Akala mo wala sa hotel.

Maya maya nakita kona yung dalawang taong nag tatalo. Napa tago panga ako eh kasi baka mamaya pati ako masigawan. Kaya dahan dahan lang akong sumilip. Nakita kong pilit tinatanggal nung lalaki yung kamay nung babae sa braso nya.
Diko makita yung mukha ni kuya kasi naka talikod. Pero bakit parang may kapareho sya ng suot??

Halos lumuwa yung mata ko ng makita ko yung mukha ng lalaki.
Akala ko pareho lang sila ng suot ni Rail yun pala sya kasi si Rail.
Bigla akong napaisip.
Sino yung babae? Bakit sila nag tatalo? Sya kaya si Meliza???
Ibig sabihin.....









Pumapatol pala si Rail sa Urangutan??

Napa iling ako sa naisip ko..
Malabo yun no! Sira katalaga Trishan! Malamang na maganda yun! Di papatol si Rail sa Ganyan. Mukha nga syang nandidiri dun sa babae eh. . Tss. Ang bad kona. Ewan! Sure ako maganda si Meliza. Naging modelo nga sa paris eh. Diko parin kasi nakikita si Meliza kahit sa picture lang.
Oo may mga nalalaman ako about her. Pero konti lang. Di din naman ako nag tatanong sakanila ng about kay Meliza kung anong ugali meron sya kung ilang taon ba naging sila ni Rail..

Ayoko kasi na isipin nilang ang chismosa ko. Tsaka mamaya isipin din nilang interested ako sa buhay ni Meliza dahil ex sya ni Rail... ayoko nga na mag open ng ganyang topic sakanila. Kay Lestly ko nga lang nalaman yung iba kong alam about kay Meliza. Kusa nya yung in-open sakin di ako nag tanong. Pag na pupunta nga kay Meliza yung kinukwento ni Lestly sakin iniiba ko yung topic eh. Wala lang di lang ako interesado sa buhay niya.

Di rin ako interesado makita kahit picture nya.
Alam ko naman kasing mas maganda sya sakin at wala akong panama.

Dinako naka tiis lumapit nako kala Rail. Tsaka hinihintay narin,kami ng Mama nya no.

Pag lapit ko sakanila. Napatingin silang pareho sakin. Kumunot panga yung noo nung babae eh..

"Rail??" - yan lang yung nasabi ko nag tataka parin kasi ako. Napansin kong naka tingin lang sakin yung babae. Sino bato? Maka tingin. Tsinelasin koto.

"Bitaw na! Ayan na yung asawa ko!"- sigaw ni Rail dun sa babae tapos inalis nya yung kamay nug babae sa braso nya.
Kumunot lang lalo yung noo ko.

So I Married An Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon