Chapter 58.

2.6K 61 3
                                    

Meliza's PoV.

Nabalitaan ko na bumalik na si Trishan sa bahay nila ni Rail. Halos isang linggo narin ng huli kong makita si Rail.

Nasaktan ako ng sobra nung huling beses kaming nag usap.

**FLASH BACK**

Ilang araw ko nang di nakakausap si Rail. Di ako mapakali natatakot ako na baka iwan nya nako ng tuluyan at piliin nya na talaga si Trishan kesa sakin. Tinatawagan ko sya di naman nya sinasagot kahit sa mga message ko sa FB nya wala rin syang reply.

Alam kong nag away sila ni Trishan dahil sakin, at alam korin na umalis si Trishan sa bahay nila. Sus masyado syang maarte. Alam naman nyang singgit lang sya samin ni Rail.

"Hey?? What happened to you??? Bakit parang dika mapakali?? Puti na yung carpet mo sa kakalakad mo."- saad ni Luna habang naka tingin sakin ng nag tataka.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko.

"Pano yang pinsan mo! Di sya sumasagot sa mga tawag ko! Ilang araw na syang ganyan! Naiinis nako. Naapektohan basya ng sobra sa pag alis ng pesteng, Trishan nayan sa bahay nila!? Diba dapat masya sya kasi pwede na ulit kaming mag sama."

"Hey chill.. Di ganon ka dali yon. Alam mo namang boto buong family ni, Rail kay Trishan no. Ganito nalang bakit di mo sya puntahan sa coffee shop nya? Tapos tanungin mona sya kung sino ba talaga ang mahal nya. Kung ikaw ba o yung bansot nyang asawa. That's it. " - Luna.

"Papipiliin ko sya??"- may pag aalinlangan kong tanong.

"Oo bakit? Natatakot kaba sa isasagot nya?"- Luna.

"Ako matatakot? Hindi mangyayari yan no! Alam kong ako ang mahal ni Rail. Ako lang hindi si Trishan."

Pag tapos ng usapan namin ni Luna na pag pasyahan ko ng umalis at puntahan na si Rail sa coffee shop nya. Actually madalas akong pumupunta sa coffee shop nya ang kaso lagi syang wala yun yung sinasabi ng mga staff nya. Diko alam kung totoo bayon o nag tatago lang talaga sya.

Nung nasa tapat nako ng Coffee shop ni Rail pinahinto kona yung mamang driver ng taxi iniabot ko ang bayad dito at tuluyan na akong bumaba. Sakto namang nakita ko si Rail na papasok palang sa Shop nya. 5 pm na saan sya galing? Bakit mukhang ngayon palang sya papasok sa shop nya?

Bago pa sya tuluyang makapasok sa loob tinawag ko na sya.

"Rail!"

Nilingon naman agad nya ako kaya tumakbo nako palapit sakanya.

"Meliza??"- takang saad nya.

Bakit parang di sya masaya na makita ako?

"Why?? Ayaw moba ko makita? Bakit dimo sinasagot mga tawag at messages ko sayo? Alam mo bang nag aalala nak-" diko na naituloy pa ang sasabihin ko ng hatakin akong bigla ni Rail sa Braso.

"Sa ibang lugar tayo mag usap."- Rail.

Isinakay nya ko sa kotse nya at nag maneho na sya agad.

Maya-maya pa huminto na sya sa pag d-drive. Di kami bumaba ng kotse pero napansin kong nasa park kami base sa nakikita ko sa paligid.

"Meliza.. please wag mo muna kong puntahan. Wag mo muna kong tawagan o i message. Nahihirapan nako." - seryosong sabi ni Rail na hindi manlang ako tinitignan.

Napa higpit naman ako ng hawak sa laylayan ng suot kong dress. Biglang nanikip yung dib dib ko sa sinabi nya.

Ayoko ng mag paligoy ligoy pa. Nahihirapan narin ako! Ako ang una nyang minahal at alam kong mahal nya parin ako. Pero bakit parang ako pa ata ang nakikihati ngayon?

So I Married An Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon