Rail's PoV.
One week.
One week nalang bago ako ikasal sa babaeng kinaaayawan ko.
Hinihiling ko nga na sana wag na dumating yung araw nayon eh.
Na sana huminto nalang yung oras..Bakit kopa kasi kailangan mag pakasal sa babaeng yon eh diko naman sya mahal!
Sana pag dumating na yung araw ng kasal, dumating narin si Meliza tapos pigilin nya yung kasal.Pinapangako ko na kapag nangyari yon. Tatanggapin ko parin si Meliza kahit na may boy friend nasyang bago. At papakasalan kona sya agad para wala ng makapag hiwalay saming dalawa.
Kahit na ilang babae na ang nakilala ko, di parin mapalitan si Meliza sa puso ko. Para sakin wala syang katulad nag iisa lang sya sa buhay ko. Sya ang pinaka magandang babaeng nakilala ko.
3 araw nakong di nakaka bisita sa Coffee shop ko. Tinawagan konaman na si Lance manager ng Coffee shop ko na sya muna yung bahala habang wala pako. Sinabi kong mag papahinga muna ko ng ilang araw. Pero yung totoo gabi-gabi akong nandito sa Bar ni Josh.
At ang madalas kong kasama ay si Josh at jack. Wala naman kasing inaatupag sa buhay yang dalawa nayan eh. Si Clain nakakasama ko naman sya pero di sya nag tatagal. Nagagalit daw kasi si Zerine. At si Lester naman. Napapansin kong parang iniiwasan nya kami. Ilang araw narin kasi namin syang di nakakakasama. Pero sabi ni Jack bussy lang daw."Bro, sayaw lang muna kami ah.." - paalam sakin ni Jack kasama yung chicks nya.
Tumango lang ako. Si Josh naman nasa tapat ko ayun nakikipag lampungan nanaman.
Habang ako umiinom lang mag isa. Tinatamad akong bumaba at pumuntang dance floor para mamingwit ng mga malalanding isda. Bahala silang umakyat dito kung gusto nila kong landiin."Hi.."
Oh diba kakasabi ko lang na umakyat sila kung gusto nila ko landiin eto na agad.
Nilingon ko naman yung babaeng nag salita. Di na masama maganda sya. Kahawig nya si Hyuna ng 4 minute. Pano ko nakilala si hyuna? Dahil yon kala josh. Crush nila yung koreana nayon eh. Sexy daw kasi hot tapos magaling sumayaw. Tss..
"Hi.. Miss beautiful."- mapang akit kong sabi.
Ngumiti naman sya sakin."Can I join you?" - tanong nya sakin.
"Sure.. Diko ata kayang tanggihan ang isang magandang babaeng tulad mo."-totoo namang maganda sya eh sexy pa. Pero tulad ng sinabi ko diko type yung mga babaeng tulad nila.
Naka hanging blouse sya tapos short na sobra sa iksi tapos sandals na 5 inches ata ang taas." Bolero ka.. pero gusto koyan. I love players.."- sabi nya gamit ang isang malanding tono.
"Edi maganda. You love players and i Love to Play.. " - naka ngisi kong sabi.
"Oh. Really. I can be your Playmate if you want.."- sabi nya sabay lakbay ng daliri nya sa braso ko.
"Of course you can.."-sabi ko naman. Tapos hinawakan ko yung kamay nyang nakahawak kanina pa sa braso ko.
"So. Kailan tayo mag sisimula?"-tanong nya sakin.
"Ngayon."- sagot ko sabay hatak sakanya at hinalikan ko sya.
Agad naman syang nag response sa mga halik ko. She's a good kisser. Lalo kopa syang inilapit saakin. Mukhang di pasya nasiyahan kasi umupo pa sya sa lap ko.
Inilayo ko muna yung mukha ko sakanya napa tingin naman sya sakin at parang nag tataka.
"Gusto ko muna linawin na ayoko mag karoon ng commitment. " -sabi ko. Syempre sinasabi kona. mamaya mangyari nanaman yung nangyari sa Coffee shop nung nakaraan eh.
"Don't worry. Alam ko naman na babaero ka eh. Kaya ayaw mo ng commitment. Ako rin naman no ayoko din. Kaya ayos lang. I told you, I Love Players.. At gusto korin makipag laro sakanila. Sayo.."- sagot naman nya.
Buti naman at nag kakaintindihan kami.
"Good.."- sabi ko tapos tinuloy na ulit namin yung pag lalandian namin.
Nasa parking lot nako ng Condo na tinitirahan namin ni Trishan at kasama ko si...
Teka nga, kanina kopa to kasama at ka landian pero diko pa alam pangalan nya. Tss.."By the way.. What's your name?"-tanong ko dun sa babaeng kahawig ni Hyuna.
"Im rizy.."
"Ok, Im R-"
"Rail. Rail Vartolome Right."- putol nya sa sasabihin ko.
"Kilala moko?"
"Naman. Heartthrob ka diba? Sikat ka kaya sa mga teenager. At ikaw ang owner ng Ultimate Prince Coffee Shop ang sikat na coffee shop sa mga kababaihan."
Er? Parang ang dami nya namang alam about me.
Ganon naba ko ka kilala. Grabe talaga nagagawa ng kagwapuhan. Kahit dika artista hinahangaan at nakikilala ka."Tutal kilala mo naman na pala ko. Tara na punta na tayo sa Condo unit ko."
Bumaba agad ako ng kotse pagka sabi konon. Bumaba din naman sya.
Diko na sya inalalayan. Diba nga diko naman sya girlfriend eh. Sumunod lang sya sa pag lakad ko, hanggang sa makapunta na kami sa tapat ng pinto ng condo ko.Pag bukas ko nakita ko agad yung sungot sa buhay ko.
Napalingon naman sya sakin. Pero diko sya pinansin. Pumasok na agad ako sa loob.
Napansin kong parang nagulat ata si Probinsyanang Bansot ng nakita nya si Rizy sa likod ko.
"Rail? Sino sya?"- tanong sakin ni Rizy..
"Don't mind her. Maid koyan."- sabi ko habang naka pamulsa.
Nakita ko namang kumunot yung noo ni Trishan.
Tsk! Bakit ini- expect nya ba na ipapakilala ko sya as my Fiancee? No way! Ano sya sinuswerte? Edi natuwa naman sya kung sinabi kong Fiancee ko sya. Remember ayoko nga na makita syang masaya!"Ah.. akala ko pumapatol ka sa makalumang tulad nya. MAID mo lang naman pala."
Nice sa pag tataray ah.
Napansin kopang ikinuyom ni Trishan yung kamao nya. Mukhang naiinis na sya. Edi maganda. Tama yan mainis kalang. Dahil naiinis din ako sa pag mu-mukha mo.
Umupo nalang ako sa sofa tapos ipinatong ko yung paa ko dun sa mini glass na table na naka pwesto sa gitna.
Tumabi naman sakin si Rizy.
Nakatayo parin si Trishan sa pwesto nya kanina pa.
Ano nanigas na sya dyan?"Ahm.. Excuse me? pwede ba na Iwan mona kami. Makaka istorbo kalang samin ni Rail."-masungit na sabi ni Rizy kay Trishan.
Nakatingin lang samin si Trishan na naka kunot parin ang kilay. Tinignan ko lang din sya ng walang gana. Tapos nilingon ko naman si Rizy.
"I said dont mind her. Hayaan mo sya kung gusto nya manood satin. Come here."- sabi ko sabay hila ko sakanya palapit pa lalo sakin.
Wala akong paki kung nanjan payang probinsyana nayan. Tulad ng sinabi ko gagawin ko kung anong gusto ko."Ok.." - sagot naman ni Rizy. Tapos iniikot na nya yung braso nya sa batok ko.
Then. I start to kiss her neck.Naramdaman ko namang umalis na si Trishan sa Gilid namin.
Tsss.. I dont Care.
Wag na wag lang syang mag susumbong sa parents namin baka di nya magustuhan ang gagawin ko sakanya pag nag sumbong sya..
ToBeContinued.
Codynamii.
BINABASA MO ANG
So I Married An Probinsyana Girl
General Fiction[Romantic/Comedy] SIMAPG... Ano kaya ang mangyayari kung malaman mong i papakasal ka ng parents mo sa taong di mo naman kilala? Kaya kayang iwan ni Rail si Meliza Imperial, ang babaeng mahal nya para sa kagustuhan ng parents nya? May chance kayang m...