Trishan's PoV.
"Anong oras ba umalis si Rail??"
"Mga.. alasdos siguro."- sagot ni Lance na naka upo sa gilid ko.
"Don't worry.. baka pabalik nayon na traffic lang siguro."- sabat naman ni Delvin.
Nginitian ko nalang sya.
Jusko! 7 pm na kaya wala parin si Rail. Ang dami ko narin ngang txt sakanya ni isa wala pa syang reply. Pag tinatawagan ko nanan out of coverage. San basya nag punta?
"Wag mo isipin yon. Na traffic lang yon." - bulong sakin ni Delvin ba nasa tabi ko na pala. Masyado kasi akong busy kakaisip kay Rail diko na napapansin yung mga nasa paligid ko.
"Gusto mo laro muna tayo? Para naman di tayo ma bored habang hinihintay natin yung pinsan ko."- naka ngiting sabi Delvin.
Actually mukhang okay naman tong pinsan ni Rail. Approachable naman syang tao. Pala ngiti di snobber, sya panga yung kausap ng kausap sakin kahit na tipid lang mga sagot ko sakanya eh. Napapaisip tuloy ako kung totoo bang pinsan to ni Rail at mas lalong napapaisip ako kung talaga bang kapatid nya si Luna. Nung nag pakilala kasi sya sakin kanina sinabai nyang bunsong kapatid nya si Luna. Tsaka kakauwi lang daw nya kahapon galing korea. Almost 2 years narin daw syang di nakauwi dito.
"Anong laro??"- tanong ko naman.
"Alam mo yung XOX??"- Delvin.
"Oo naman nilalaro ko yan nung grades school palang ako eh."- ako.
"Good. Favorite game ko kasi to. Ano game ka?"
"Game."
"Ganito. Pag nanalo ka tatanungin moko ng truth or dare. Tapos ganon din gagawin ko pag ako naman nanalo."
"Truth or dare?"- tanong ko.
"Oo. Pag truth kailangan mong sagutin yung tanong ko ng totoo. Pag dare susubdin mo o gagawin mo yung iuutos ko sayo."
"Alam ko. Ang ibig kong sabihin bakit kailangang may ganyan pa???"
"Syempre para may thrill. Para naman ramdam na ramdam yung laro."- naka ngiti nyang sagot.
"Okay... ah Lance, sali ka?"- tanong ko kay Lance na nakaupo parin sa tabi ko. Busy sya sa cellphone nya nag lalaro ata sya.
"Okay lang ako. Kayo nalang hihintayin ko nalang si Sir, Rail sa dining area."- sagot ni Lance sabay tayo." Labas na muna ko."
Tumango nalang ako. Nasa Office kasi kami ni Rail ngayon pano kaming tatlo nalang kasi naiwan dito kakaantay kay Rail. Yung mga karpintero hanggang 5 lang naman sila.
"Ano ready kana? Matagal narin akong di nakapag laro nito."- Delvin.
"Tara simulan na natin."
First round: I win.
whoo! Hirap din kalaban ni Delvin ah. May tinatago pala tong talino maliban sa gwapong mukha nya.
"Magaling ka pala. Okay truth ako.."- Delvin na nag kakamot ng batok.
"Hmmm.. May GF kana ba??"- tanong ko.
"Yon na yon?"- Delvin.
"Oo. Pano kasi.. di panaman tayo talagang mag kakilala diba. Kaya tatanungin nalang kita ng mga bagay na gusto kong malaman tungkol sayo. Sabihin nalang natin na ito yung way ko para kilalanin ka."- naka ngiti kong sagot.
"You're so interesting..."- seryoso nyang sabi.
"Huh??"- kunot noo kong tanong.
"I'm just kidding. Hahahaha.. sasagutin kona tanong mong sobrang hirap. Wala akong GIRL FRIEND. Pero meron akong natitipuhan ngayon.. kaya ngalang kailangan kopa ng maraming araw o panahon para mapalapit yung loob nya sakin. Tsaka inoobserbahan kopa sya."- Delvin.
BINABASA MO ANG
So I Married An Probinsyana Girl
Ficción General[Romantic/Comedy] SIMAPG... Ano kaya ang mangyayari kung malaman mong i papakasal ka ng parents mo sa taong di mo naman kilala? Kaya kayang iwan ni Rail si Meliza Imperial, ang babaeng mahal nya para sa kagustuhan ng parents nya? May chance kayang m...