Chapter 51

3.2K 67 0
                                    

Trishan's PoV.

Binalot ng katahimikan ang buong tambayan.

Tila ba lahat kami ay nakatuon lang ang atensyon kay Rail at Meliza at nag aabang kung ano ang susunod na mangyayari sa muling pag haharap nila.

Hindi ko na imagine kahit isang beses na mag kakaharap kami ni Meliza ng ganito..  Ngayon kolang sya nakita at totoo nga na wala akong panama sa ganda at dating nya.

Nakaramdam ako ng kaba ng biglang tumayo si Rail mula sa pag kaka upo sa tabi ko.
At ito namang kamay ko parang may sariling buhay na kumapit nalang bigla sa laylayan ng damit ni Rail ng mag simula itong humakbang.

"Rail.."- nang hihina kong sabi, habang naka kapit parin ako sa laylayan ng damit nya. Napahinto naman sya.

Di ko gusto yung nararamdaman ko. Gusto kong tumayo at hilahin nalang palabas si Rail sa tambayan nato at ilayo sya kay Meliza. Kaso... di ako maka kuha ng lakas ng loob.

Muling humakbang si Rail pa abante kaya napa higpit din ang kapit ko sa damit nya.

Gusto ko syang pigilan sa pag hakbang. Pero diko masabi yon sakanya. Letse! Nasan naba yung tapang ko! Bakit diko maramdaman yon kung kailan kailangan ko ng lakas ng loob??

"R-Rail..."- bulong kong muli.

Bakit ganon parang di nya ko naririnig. Di nya manlang ako tinatapunan ng tingin. Kay Meliza lang sya nakatingin.

"Babe.."- mahinang saad ni Rail. Pero sapat lang para marinig naming lahat dahil sa katahimikan.

Sa pag kakataong to napayuko nalang ako at dahan dahan ng lumuwag ang pag kakakapit ko sa damit nya.

Parang may biglang tumusok na kung ano sa dib dib ko..

Akala ko sagad na yung sakit na nararamdaman ko ng marinig kong tinawag ni Rail si Meliza ng Babe.

Hindi pa pala..

Dahil ngayon mas tumindi ang sakit na nararamdaman ko..

Dahil sa ginawa ni Rail..

Hinila nya si Meliza at ikinulong sa bisig nya. Kitang kita ng dalawang mata ko na sobrang na miss nya si Meliza, dahil sa higpit  ng pag kakayakap nya.

Gusto kong pumagitna sakanila.

Gusto kong sigawan si Meliza.

Gusto ko awayin si Rail dahil sinasaktan nya nanaman ako.

Pero lahat ng yan diko magawa...

Nararamdaman kona ang pag iinit ng mga mata ko. Nangingilid na yung mga luha ko.

Nanlalabo na ang paningin ko at alam kong diko na mapipigilan ang pag agos nitong luha ko..

Ngunit bago pa tuluyang tumulo ang mga luha ko sa pisngi ko. Bigla nalang may humila sakin.

"Lester.."- saad ko..

Hindi nya ko nilingon at hinila nya lang ako palabas ng tambayan.

Hindi naman nako nag abala pang mag tanong kung san nyako dadalhin at nag pahila nalang din ako sakanya.

Gusto ko narin namang umalis don dahil nahihirapan nako sa nakikita ko, sadyang dilang ako makagalaw sa inuupuan ko kanina. Para kasi akong binuhusan ng isang baldeng puno ng yelo bukod sa pag sikip ng dib dib ko.

Buti nalang at nandito si Lester, laking pasasalamat ko sa pag hila nya sakin. Kahit papano nakahinga nako ng maayos.

Lord salamat at binigyan moko ng kaibigan na tulad nya..

So I Married An Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon