Chapter 49

3.8K 75 0
                                        

Rail's PoV.

3 Days na ang naka lipas mula ng umuwi kami galing sa Rest house nila Zerine sa Catanduanes.

3 days narin kaming di nag kakausap ni Lester. First time naming di mag kamustahan ng ganito. Kahit na nagalit ako sakanya dahil sa ginawa nya di parin mawala sa isip ko na isipin sya.

"Gusto mo ng cotton candy??"- tanong sakin ni Trishan.

"Tsk! Ang isip bata mo talaga."- seryoso kong sagot.

"Kj ka talaga! Di lang naman pang bata ang cotton candy no! Kung ayaw mo pwede mo namang sabihin na ayaw mo. Hindi yung ang dami mopang comment wala namang kwenta."- naka kunot noong sabi nya sabay alis.

Sinundan ko nalang ng tingin si Trishan na papunta doon sa mamang nag titinda ng cotton candy.

Naka upo lang ako sa bench dito sa park. Sarado kasi ang coffee shop ko ngayon at naisipan naming lumabas ni Trishan, at dito sa Park naisipan ni Bansot pumunta.

Sa totoo lang ngayon nalang ulit ako naka punta sa ganitong lugar. Na kakamiss din pala tumambay sa ganito. Nung kami pa kasi ni Meliza dikami nag pupunta sa mga ganitong lugar, ayaw nya kasi. Masyado raw maraming bata maingay daw at magulo.

Nitong mga nakalipas na araw na naging malinaw na ang lahat sa pagitan namin ni Trishan, mas lalo syang napalapit sakin at mas lalo ko pasyang nakilala.

"Oh. Sayo tong isa."- saad ni Trishan ng maka upo sya sa tabi ko.

"Ayoko nga nyan. Ang hilig mo sa mga pag kaing pang bata. Pati yung Marshmallow gusto mo rin."- naka ngiwi kong sabi.

"Bakit? Dimo ba alam na ang sweets na kakapag patanggal stress."- sabi nya habang kumakain ng cotton candy na hawak nya.

Mukha syang matakaw na bata. Pano dalawang cotton candy hawak nya.

"Ate.. palimos po."

Nangunot yung noo ko dahil don sa batang lumapit kay Trishan at hinawakan pa ang braso nya.

"Ah boy. Wag ka lumapit sakanya ang dumi ng kamay mo oh. Mabuti pa umuwi kana sa bahay nyo wag ka mangulit dito."- kunot noo kong saway sa bata.

Bumitaw naman yung bata kay Trishan at malungkot na tumalikod sa amin.

"Ano kaba."- inis na saad ni Trishan.

"Bakit totoo naman madumi kamay nya ah."- kunot noo kong sabi.

Inirapan lang ako ni Trishan sabay tayo at tumakbo palapit doon sa batang na mamalimos kanina.

Ano bang ginagawa nya??

Tumayo na ko at lumapit sakanila.

"Boy. Pasensya kana sa kasama ko ah. Maarte talaga yun pero mabait yon."- naka ngiting saad ni Trishan sa bata at hinawakan pa ang ulo nito.

"Hoy ano bang ginagawa mo?"-seryoso kong tanong kay Trishan.

"Boy. Ano bang pangalan mo?"- tanong ni Trishan sa Bata.

Aba ano ko hangin? Di manlang nya ko pinansin. Nag tanong kaya ko.

"Buknoy po."- naka tungong sagot ng bata.

"Buknoy halika kain tayo.."- masayang yaya ni Trishan sa bata at hinawakan nya ito sa kamay at isinama nya sa may nag titinda ng tuhog tuhog.

Seryoso?? Kakain sya ng tuhog tuhog?? Marumi yon diba tsaka pwede syang mag karoon ng Hepa sa pag kain ng ganyan.

"Manong bigyan mo po kami ng 30 pesos na kwek kwek tapos 30 pesos na fishball 20 squid ball."- saad ni Bansot sa tindero.

Agad namang nag bigay ng lagayan si Manong kay Bansot.

So I Married An Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon