Rail's PoV.
Nang mabasa ko yung papel na binigay ni Papa samin napakunot ang kilay ko. Alam kona kasi agad kung ano ang gusto nilang mangyari.
Bigla namang kinuha ni Trishan yung papel sa kamay ko."Para saan po itong Condo unit?"- tanong ni Trishan kay Papa.
Kahit kailan ang tanga talaga nito! Dipaba obvious na gusto na nila kami pag samahin.
"Actually naisipan kasi namin na pagsamahin na kayo sa iisang bubong. Para pag kinasal na kayo dina kayo maiilang sa isat-isa. At alam nyo na ang mga gagawin nyo."- sagot naman ni Mama.
Sinasabi kona nga ba eh.
"Ano ayos lang naman sa inyo yun diba tutal don din naman kayo mapupunta so pinaaga lang namin." - si Tita Klarene naman yan habang naka ngiti.
"Ok.."- sagot ko naman sakanila. Tapos pinilit kong ngumiti.
No choice naman na eh. Kahit na dikami pumayag ipipilit lang nila ang gusto nila tsaka, mamaya humaba lang ang usapan at magulo lang tong party.
Napansin ko namang parang nagtaka si Trishan sa sinagot ko. Tss.. wala akong pake. Diko kailangan ng permiso nya para sumangaayon. Kung gusto nya kausapin nya yung magulang nya. As if namang pakikinggan sya non. Eh sila nanga mismo ang may gusto nito.
"Ok sige na. Pwede nyo na ulit ipag patuloy ang party."- si Papa yan.
Mag lalakad na sana ko papunta sa table ng mga kaibigan ko ng hatakin ni Trishan yung Braso ko. Di naman na kami naka agaw ng atensyon kasi Party lights nalang ulit yung naka bukas.
Aba makahatak to ah! Sino basya sa akala nya.Huminto sya sa pag hatak sakin ng makarating kami sa likod ng hotel kung saan may isang maliit na maze ng mga halaman.
"Don't touch me."- inis kong sabi tapos tinabig ko yung kamay nya.
Nakita ko namang nainis sya. Sya pa ang may ganang mainis. Tirisin ko kaya to. Kala mo ang laki nyang babae para mang hatak. Pandak naman.
"Ang arte mo! Daig mo pa yung ibang bakla ! Kala mo naman may sakit akong nakakahawa! Tsaka ayaw din naman kita lapitan. Mahawa pako ng ka sungitan mo!"- Maangas na sabi nya saakin.
Tignan nyo to. Nag hahanap ata to ng gulo eh! Pasalamat ka babae ka!
"Bakit moba ko hinatak dito?! May binabalak kang masama."
"Hala ang kapal neto. Hoy! Gusto ko lang malaman kung bakit ka agad pumayag na tumira tayo sa Condo ng magkasama! Nasisiraan kanaba!"
Tss! Dahil lang don. Hintak nya pako dito.
"Dahil lang don. Wala rin naman tayong choice. Ipipilit lang nila ang gusto nila. Ayoko ng makipag talo."- Nakapamulsang sabi ko.
"Mababaliw ako ng maaga sayo! Diba ayaw moko lapitan o makasama!"
Dami naman netong sat sat! I tape ko kaya bibig neto. Letse!
"Oo. Bakit akala mo naman papakisamahan kita porque pumayag ako. Asa ka. Kaya din ako pumyag para pahirapan ka. Para fair na tayo."
Kumunot naman yung noo nya.
"Pahirapan? Para Fair?"- takang tanong nya.
"Oo. Dahil sayo napilitan akong iwan si Meliza, at dahil sayo! Nahihirapan ako ng sobra."
Napansin kong ikinuyom nya yung mga kamao nya. Tapos tinignan nya ko ng masama.
"Eh sira ulo kapala eh! Sinabi kobang iwan mo ang girlfriend mo! Tsaka hindi ako ang may gusto nito kundi ang Parents natin! At isaksak mo sa kokote mo na parang mala monggo na ata sa laki. na ikaw din naman ang nag decide nito. Meron kang choice pero pinili moto! Kaya wag mo sakin isisi lahat ng pag hihirap mo! Tangna!"- galit na sabi nya.
BINABASA MO ANG
So I Married An Probinsyana Girl
Fiksi Umum[Romantic/Comedy] SIMAPG... Ano kaya ang mangyayari kung malaman mong i papakasal ka ng parents mo sa taong di mo naman kilala? Kaya kayang iwan ni Rail si Meliza Imperial, ang babaeng mahal nya para sa kagustuhan ng parents nya? May chance kayang m...