Rail's PoV.
"Hmmm.."- ungot ko habang unti unting kong idinidilat ang mga mata ko.
Nakatulog pala ulit ako..
Wala na si Trishan sa tabi ko.
Anong oras naba?
Umupo ako at tinignan yung alarm clock na nasa side table katabi ng lamp shade.1:30 pm na pala. Ang haba ulit ng itinulog ko. Medyo ok narin yung pakiramdam ko. Tatayo na sana ko ng biglang bumukas yung pinto at iniluwa nito si Trishan na may dalang tray na may pagkain.
"Sakto pala pag pasok ko. Gising kana."- sabi nya ng di ako tinitignan. Tapos inilapag nya yung tray sa kama.
"Kainin mo nayan habang mainit pa. Tapos inumin mo rin yang gamot."-dugtong nya pa.Bakit parang di sya maka tingin sakin ng maayos. Parang naiilang sya sakin.
Naalala ko nanaman yung ginawa ko, yung bigla ko nalang syang hinalikan. Dahil kaya dun yon? Nako baka nag assume nasya na gusto ko na sya.
"Di mo na ako kailangan pang alagaan kaya ko na sarili ko."- seryoso kong sabi.
"Kaya mona sarili mo kasi ok kana ngayon. Kung dikita inasikaso kagabi malamang na nasa hospital ka ngayon dahil sa taas ng lagnat mo. Dika nalang mag pa salamat, ikaw na nga inalala ko nag susungit kapa."- kunot noo nyang sabi.
"Diko naman kasi sinabing mag alala ka sakin diba. Di mo kailangang mag bait baitan sakin para lang makuha mo ang loob ko, dahil kahit kailan di mangyayari na ma papalitan mo si Meliza sa puso ko."
Trishan's PoV
Ano nanaman bang problema nya? Kagabi lang hinalikan nya ko bigla tapos ngayon nag susungit nanaman sya.
Diko alam kung ano ang dapat kong sabihin kay Rail. Diko naman hinahangad na magustuhan nya ko, na mahalin nya ko ng tulad ng pag mamahal nya kay Meliza. Ang gusto ko lang naman na sana ituring nya kong kaibigan. Kahit ganon lang masaya nako.
Natahimik ako sandali.."Diko ginagawa to para lang mahulog ang loob mo sakin. At alam ko na si Meliza lang ang mahal mo. Dimo naman kailangan ipa mukha sakin ng paulit ulit yan. Kasalanan kobang maawain ako, na mabait ako. Na kahit ang sama sama mo sakin inaalala parin kita."-walang preno kong sabi, pero diko parin sya tinitignan. Nakatayo lang ako sa gilid ng kama.
"Ang sama sama ko sayo.. alam mo naman pala! Bakit ang bait mo parin sakin? Sure ako na may dahilan kung bakit mo nagagawang pag tiisan ang ugali ko. Kasi Gusto moko yun yon diba."- naka ngisi nyang sabi.
Nag init nanaman bigla ang ulo ko. Parang ipina mumukha nya sakin na pilit kong isinisiksik ang sarili ko sakanya, na nag papaka martir ako sakanya.Bakit mukha naba kong ganon? Hindi naman diba! Sadyang mabait lang ako! Kaya di ko magawang magalit sakanya.
Hinarap ko sya ng walang bakas ng kahit anong emosyon sa mukha ko.
"Noon yon. Dahil alam ko na di tayo bagay na kahit kailan malabong maging tayo. Alam mo kung bakit? Malaki ang pinag kaiba natin. Mabait kasi ako at ikaw hindi. May pakielam ako sa mga taong nasa paligid ko ikaw wala. At higit sa lahat, marunong akong mag pahalaga ikaw HINDI."-pag tapos kong sabihin yan. Tinalikuran ko na sya.
"Tama ka. Yung halik na ginawa ko sayo. Walang meaning yon. Dala lang yon ng pag taas ng lagnat ko."- seryoso nyang sabi.
Bigla naman sumikip yung pag hinga ko. Ano bato? Bakit parang nasaktan ako sa sinabi nya. Natural lang ba to??
"Alam ko. Wala lang din naman sakin yon eh."- matigas kong sabi. Pero lalo ata bumigat yung pakiramdam ko.
"Buti naman. Gusto ko after one or two years pag ok na si Papa, mag DIVORCE na tayo.."
BINABASA MO ANG
So I Married An Probinsyana Girl
Ficción General[Romantic/Comedy] SIMAPG... Ano kaya ang mangyayari kung malaman mong i papakasal ka ng parents mo sa taong di mo naman kilala? Kaya kayang iwan ni Rail si Meliza Imperial, ang babaeng mahal nya para sa kagustuhan ng parents nya? May chance kayang m...