Rail's PoV.
Mag se-seven na at nandito narin sina, Jack,josh,Clain,Zerine at Lester. At tulad ng dati may kasama namang chikas yung dalawang kumag na si Jack at Josh.
"Nasan asawa mo?"- tanong sakin ni Clain. Ng makalapit sya sakin.
"Diko pinapunta."- poker face kong sabi. Bakit ko naman pa pupuntahin dito yon. Pang gulo lang yun dito.
Kling! Kling! (Sound effects yan ah..)
Napatingin kaming lahat sa pinto ng shop ng tumunog ang bell nito.
"We're here!"- sigaw ni Lestly.
Kahit kailan talaga ang ingay.
Napansin kong may kasama pasya. Napakunot naman yung noo ko ng makita ko si Ate Lizy.
Bakit sya nandito? Sino nag babantay kay Zane?
Akala ko tapos na, pero may kasama pa pala sila..Dahan dahan itong nag lakad papasok dito sa Shop. Tinitigan ko sya ng mabuti. Hanggang sa makita ko ng malinaw yung buong mukha nya..
"Akala koba dimo sya pina punta?"- tanong ulit sakin ni Clain na naka ngisi sa tabi ko.
Anong ginagawa ni Bansot dito? Diko naman sya ininvite ah! Nakangiti itong tumabi kay Ate at Lestly.
"Mukhang di panaman kayo nag sisimula diba?"- tanong ni Ate Lizy.
Kahit kailan ang taray talaga ng mukha nito."Ate, bakit nandito ka? Sinong bantay ni Zane?"- tanong ko.
"Bakit? Dibako pwedeng maki party? Tss! Don't worry, hinatid kolang sila." Tukoy nya kay Bansot at Lestly" Uuwi narin ako"
Nag lakad si Ate Lizy palapit sakin. Tapos inilapit nya yung bibig nya sa tenga ko.
"Be nice to Trishan. Utos koyan."-bulong ni ate na ikina kunot ng noo ko.
Lumayo sya sakin sabay hawak sa balikat ko. Napa ngiwi naman ako ng naramdaman kong pinisil nya ito ng sobrang higpit. Nginisian nya pa ko.
"I have to go."- sabi ni Ate, tapos umalis na agad sya.
Napaka talaga non! Ang sakit nung ginawa nya ah! Tapos dimanlang nag paalam ng maayos samin.
"Pano! Start na tayo?"- naka ngitng tanong ni Lestly.
Nag si tanguan naman lahat.
"Let's start the-
Di naituloy ni Lestly yung sasabihin nya ng bumukas nanaman yung pinto ng shop. Ano bang problema nito ni ate!
Pero ng tignan ko kung sino yung pumasok nagulat ako."Hi everyone!"- naka ngiting bati nito.
"Luna??"- yan lang yung nasabi ko.
Bakit nandito sya? Akala koba nasa korea sya?
"Yes! It's me oppa."
Lumapit sya saakin sabay beso.
Trishan's PoV.
Kumunot bigla yung kilay ko ng lumapit kay Rail yung Luna bayon, yun yung tinawag sakanya ni Rail eh.
Tapos hinalikan nya to sa pisngi."What are you doing here?"- tanong ni Rail kay Luna.
"I remember kasi na today is the 2nd anniversary of your coffee shop. That's why i came here."- maarteng sagot nito.
"Kailan kapa dumating?"- tanong naman ni Clain.
"Actually Kanina lang. Hours lang naman ang bibilangin From Korea to Philippines. Kaya nandito na agad ako."- naka ngiti nanamang sagot ni Luna.
Nakita ko namang lumapit si Zerine kay Clain sabay kapit sa braso nito.

BINABASA MO ANG
So I Married An Probinsyana Girl
General Fiction[Romantic/Comedy] SIMAPG... Ano kaya ang mangyayari kung malaman mong i papakasal ka ng parents mo sa taong di mo naman kilala? Kaya kayang iwan ni Rail si Meliza Imperial, ang babaeng mahal nya para sa kagustuhan ng parents nya? May chance kayang m...