Trishan's PoV.
Isang araw na ang nakalipas mula nung nag Family dinner kami kasama sila Rail.
At oo di parin ako maka move on sa nalaman ko..
Yung Crush/idol ko!! May girlfriend na pala... ano kayang itsura nya?
Siguro maganda sya, tapos maputi. Makinis at sexy.. Papatol ba ang isang Rail sa di maganda. Malamang na HINDI."Trishan.."- tawag sakin ni Mama Klarene habang nakatayo sa pinto ng kwarto ko. Naka open lang kasi to.
"Po?"
"Punta kadaw sa office ng Papa mo.. may sasabihin daw sya sayo."- naka ngiting saad ni Mama sakin.
"Sige po susunod napo ako.."
********
"Po?!"- gulat kong tanong kay papa.
Nasa office na nya ako ngayon.
"Hija, dikanaman na bata. Kailangan moring mag-karoon ng sarili mong pamilya."- sagot ni Papa na busy sa tinitignan nyang magazine.
"Pero pa, diba parang ang bilis naman. "- reklamo ko.
Pano kasi, pina punta pala ako dito ni Papa para sabihing. Gusto nya na daw akong mag-asawa! At mag papakasal nadaw ako ngayong taon! Ano to joke?? Boy friend nga wala ako eh, tapos asawa pa kaya! Saan ako hahanap non?
"Ano kaba, mag 25 kana ilang buwan nalang. Kailan mo gusto ikasal pag matanda kana? Yung tipong dikana makalad."- sagot muli ni papa. Na busy parin.
"Pero pa, Boyfriend nga wala ako, asawa pa kaya? Saan naman ako makakahanap ng lalaking mag papakasal agad sakin."- naka simangot kong sabi.
Ayaw kopa kasi mag pakasal no!
Gusto ko pa ma enjoy ang life ko!"Sasabihan ba kitang mag pakasal na kung wala naman akong lalaki na ipapakasal sayo."- nakatingin na sakin si Papa ng sabihin nya yan.
Malay koba. Talaga tong tatay ko! Ang weird. Tsaka ano to fix marriage? Ayaw ko nga! No kiss No touch pako tapos ipapakasal,nila ko sa lalaking ni anino diko pa nakikita.
"Eh pa, ayaw kopong mag pakasal sa lalaking diko kilala, na ni anino nya diko pa nakikita. Kung sino man sya."- angal ko.
Tumayo naman si papa at lumapit saakin. May dala syang isang brown envelope.
"Di sya kung sino lang. Kilala mo sya anak.."- saad ni papa sabay abot sakin nung brown envelope.
"Ano to?"- tanong ko.
"Envelope"- sagot naman ni papa at naupo ulit sa swivel chair nya.
Hay!! Lord bakit ba ganito tong tatay ko!! Ang Pilosopo!!
"Alam ko na envelope to, ibig kong sabihin anong gagawin ko dito?"- iritang tanong ko.
"Take a look.."- sagot,nama ni papa.
Binuksan ko ito, kinuha ko yung laman ng envelope.
 ̄︿ ̄ ganyan ang naging reaksyon ko sa laman ng envelope.
Ano to?? Alam nya bang fan ako ni Rail?
Isang malaking Picture kasi ni Rail yung nasa envelope."Oh anong masasabi mo?"- tanong ni Papa.
"Ano namang sasabihin ko?"- walang ganang tanong ko kay Papa.
Napansin ko namang kumunot yung noo ni papa. Anu ba gusto nyang sabihin ko?
"Ok.. Gwapo sya."- dag-dag ko pang sabi.
"Haist! Trishan, sya ang lalaking gusto kong pakasalan mo!"- inis na saad ni papa.
Ano daw????
Ito ang lalaking gusto ni Papa na pakasalan ko??Yha!!! Si Rail! Papakasalan ko?!
Bakit naman kasi di nya agad sinabing si Rail naman pala yung lalaking tinitukoy nya, eh!! Pa envelope envelope effect pa, dami dama! Edi sana kanina pa tapos tong usapan namin.Ako kasi may girlfriend nako eh..
Ako kasi may girlfriend nako eh..Bigla nanamang nag eco sa isip ko yung sinabi ni Rail nung isang gabi..
Oo nga pala pano kami ikakasal kung may girlfriend sya? Ano magiging sulutera pa ang role ko?"Kilala monaman na si Rail, so ano anak Papayag kana ba mag Pakasal?"- tanong ni Papa.
Papayag bako? Pero may girlfriend yung tao. Anong isasagot ko..
Rail's PoV.
"Pa, what happend? bakit nyo ako pinatawag?"
"Take a seat son."- seryosong utos ni Papa.
Nasa office nya kami ngayon dito sa bahay.. ano kayang dahilan bakit kaya ako pinatawag ni Papa. Nakaramdam kasi ako ng kaba ng makita kong seryoso ang mukha niya.
"Son, dinako mag papaligoy-ligoy pa. Gusto kong mag pakasal kana. I wan't you to get Married."-seryosong saad ni Papa.
Nabigla naman ako sa sinabi nya.
Bakit gusto nyang mag pakasal nako? Pinag-isipan ba ni Papa to ng mabuti bago nya sabihin saakin?"Pa, bakit naman biglaan? Di pako ready mag pakasal. Tsaka wala pa sa plano namin ni Meliza yan."- sagot ko naman kay papa.
Napansin kong kumunot muna ang Noo nya bago sya yumuko.
Tsaka muling nag-salita."Son...... hindi si Meliza ang tinutukoy ko, na pakakasalan mo."- seryoso paring saad ni Papa.
Bigla naman akong nakaramdam ng pag bigat sa dib-dib ko at kasabay ng pag kunot ng kilay ko. Ano to? Gusto nilang i fix marriage ako sa iba.
"Pa, it's not funny ok.. wag kang mag biro ng ganyan."
Malay natin baka mamaya ji-no- joke time lang ako ni Papa.
"Son, it's not a joke. Gusto kong mag pakasal kana. Gusto kong pakasalan mo si Trishan."- seryosong nakatingin sa mga mata ko si Papa ng sabihin nya yan.
Ano?! He wan't me to Marry that Probinsyana girl?! Yung Trishan na yon! Diko gagawin yon! Sinabi kona na mag request sila ng kahit ano wag lang ganito!! Wag lang nila ko pipilitin na ilapit sa kahit sinong babae!
"Pa, your wasting your time.. alam nyong diko gagawin yan. I Love Meliza, more than my life. Alam kong alam nyo yan."
"But son..."
"Let's stop this conversation Pa. Alam nyo naman na ang isasagot kojan una palang.. I have to go. Kailangan nako sa Coffee shop."- tumayo nako at nag lakad na papunta sa pinto para lumabas.
Ng pipihitin kona yung door knob, biglang nag salita ulit si Papa."Rail, sana pag bigayan mo ang gusto ko bago pa mahuli ang lahat.."- medyo na ngi-nginig na yung boses ni Papa ng sabihin nya yan.
Nakaramdam nanaman ako ng kaba ng dahil sa sinabi ni Papa.
May gusto basyang ipa hiwatig sa sinasabi nya??Dikona ni lingon pa si Papa at deretso nakong lumabas.
Rail, sana pag bigayan mo ang gusto ko bago pa mahuli ang lahat..
Ano ba talagang ibig sabihin ni Papa sa sinabi nyang bago pa mahuli ang lahat??Habang nag mamaneho ako yan lang ang tumatakbo sa isip ko.
Mahal ko si Meliza at hinding hindi ko sya iiwan para lang sa Probinsyanang anak ni Uncle Tristan.
TBC..
Codynamii.
BINABASA MO ANG
So I Married An Probinsyana Girl
Narrativa generale[Romantic/Comedy] SIMAPG... Ano kaya ang mangyayari kung malaman mong i papakasal ka ng parents mo sa taong di mo naman kilala? Kaya kayang iwan ni Rail si Meliza Imperial, ang babaeng mahal nya para sa kagustuhan ng parents nya? May chance kayang m...