Chapter 3

4.5K 98 0
                                    

Rail's PoV

Malungkot parin ako dahil sa nalaman kong aalis na si Meliza Nextweek. Pano na ang anniversary namin? Sabay kasi ng flight nya ang 5th years Anniversary namin.

"Anak Mag-ayos kana. Dadating na ang Papa mo."- sigaw ni Mama mula sa labas ng Kwarto ko.

"Yes Ma..."

Agad akong pumasok sa CR at naligo.

**********
"Ano kayang susuotin ko....hmmp ito nalang kaya. "-Sabay tapat ko ng isang light blue na long sleeves sa katawan ko..
"Ok pwede nato. Kahit ano namang isuot ko bagay sakin eh. Gwapo kasi ako..

Pagtapos kong mag bihis. Inayos kona ang buhok ko at syempre nag perfume ako. Tapos bumaba nako.. nakita ko si Mama na naka upo sa sofa.

"Ang ganda naman talaga ng Mama ko. Mana talaga ko sayo.."- pang uuto ko kay mama.

"Sus...  Rail wag moko utuin.."- nakangiting sabi ni Mama.

"Ma, totoo ang ganda nyo kaya. Bagay nga sayo yang Gray na dress eh.. Kung di nga kita kilala aakalain kong isa kapang dalaga."- nakangiti kong sabi.

"Mukhang busy kayo ah... Ano alis na tayo.- biglang singit ni Papa.

Dinamin namalayan nandito na pala si papa. Pinapanood lang kaming mag usap ni Mama.

********
"Buti naman at naka punta kayo.."- nakangitng sabi saamin ng asawa ni Tito Tristan.

Nandito na kami ngayon sa bahay ni Tito Tristan Mendez. Kilala ko na si Tito Tristan and Tita Klarene bata palang ako. Noong bata pa kasi ako, bumibisita sila saamin.

"Syempre nakakahiya naman kung tatanggihan namin ang Inbitasyon nyo. By the way, wheres Tristan??" - tanong ni Papa kay Tita Klarene.

"May kinausap lang sandali.."- sagot naman ni Tita Klarene.

Habang nag ku-kwentuhan sila. Nag Cellphone muna ako. May nag txt..

From: Babe ♥
Babe busy kaba??

Agad naman akong nag reply.

To: Babe ♥
Ahh.. Babe, may Family Dinner kami ngayon eh..

Nag reply naman sya agad.

From: Babe ♥
Ahh.. sige, enjoy the night..

Mag re-reply pa sana ko, kaso biglang dumating na si Tito Tristan. Napatayo ako at nag Mano dito.

"Binata kana. Namana mopa ang ka kisigan ng Papa mo."- puri ni Tito Tristan sakin.

"Thankyou po Tito."- naka ngiting sagot ko.

"Di paba umuuwi si Lizy??"- tanong ni Tito kay Papa.

"Oo, busy kasi sya sa pag tulong sa Company ng Husband nya."- Sagot naman ni Papa.

Nakakatandang kapatid ko si Ate Lizy. Sa States na sya nakatira kasama ang asawa nyang si Kuya Loyd, at anak nilang si Zane.

"Oh.. By the way. Rin kaya ko kayo in-invite kase, may ipapakilala ko sainyo."- naka ngiting sabi ni Tito.

Tapos lumingon si Tito Tristan sa Likod nya.
"Trishan..."- tawag ni Tito.

Trishan's PoV.

Lord kinakanahan ako.. Kahit na laking Probinsya ako marunong ako mag tagalog no.
Nakatago ako ngayon sa isang Pader. Sabi kasi ni Papa lumabas daw ako pag tinawag na nya ako. Tapos lumapit daw ako sakanila, Ipapakilala nya daw ako sa Family ni Tito Rin bayon.. basta bestfriend nya daw yun.
Hala baka matisod ako. May pagka Clumsy panaman ako. Ang taas kasi ng takong ng suot kong sandals. Tapos naiilang pako sa suot kong dress na above the knee, kulay Black and White.

"Trishan..."

Hala ayan na tinawag na ni Papa ang pangalan ko.. Lord please Guide me. Wag sana kong mag kalat Please...

Dahan dahan akong nag lakad papalapit sakanila. Kinakabahan ako lahat sila saakin naka tingin..
Habang lalo akong lumalapit sakanila may napansin ako. Na agaw nya buong atensyon ko.

Sya.... sya yun. Di ako pwedeng mag kamali.. sabi ko sa isip ko.

"Hija!!"- sigaw nila Papa.

Eto na nga ba sinasabi ko eh! Lord naman. Sabi ko i Guide nyo,ko eh..

"Aray.."- bulong ko, habang hinihimas ang balakang ko. Pero,syempre nakangiti parin ako.

Pisti kasing yan. Sa sobrang titig ko dun sa lalaking yon. Natapilok tuloy ako. Ang bilis konga tumayo eh, para kunwari walang nangyari... Kaasar! Nakakahiya.. Pahiya dami Bukas Bawi..
Agad namang lumapit si Papa para alalayan ako.

"Are you ok?"-tanong ni Papa.

"Opo..,sorry ang clumsy ko kasi. Nakakahiya tuloy." - Bulong ko kay papa.

"I'ts ok.. But sure kabang ok kalang.."

"Opo."

Tapos Pumunta na nga kami agad don sa Table. Kaharap ko ng upuan yung lalaking tinitirigan ko kanina kaya ako pilumlakda.
Di kasi talaga ko pwedeng mag kamali. Sya to eh, sya yung crush kong Barista, sya si....

"Rail meet my daughter Trishan.
Trishan this is Rail, your uncle Rin's Son."- pag papakilala samin ni papa sa isat-isa.

Rail??



Sabi kona eh!! Sya nga yung Crush kong Barista!! Sya si Rail Vartolome!! Whoo!! Di ako maka paniwala na makikita kosyang personal at makakasama kopa sa isang Family dinner.

"Your daughter??"- nag tatakang tanong ni Tito Rin.

"Yes.. it's a long story. Anak namin sya ni Risha.."- sagot naman ni Papa.

Nakita ko ang gulat sa mga mata ng Vartolome Family.

"Anak nyo ni Risha?"- tanong ulit ni Tito Rin.

Ibig sabihin kilala ni Tito Rin, si Mama..

"Yes, nung nag pasya si Risha na hiwalayan ako, dinya alam na buntis na pala sya kay Trishan. At mas pinili nya nalang na ilihim saakin ang katotohanan. Ayaw nya daw kasing makagulo pa."- kwento naman ni Papa.

Halos lahat kami nakay papa ang atensyon.

"Pero. Pano mo nakuha ang anak mo? Pano mo nalaman ang totoo?"- tanong naman ng asawa ni Tito Rin.

At ayun ikinuwento na nga ni Papa ang nangyari..
Ng matapos ni Papa ang pag kwento.. Muli nya akong ipinakilala sa mga ito.

"Trishan, She is your Auntie Michelle and this is your Uncle Rin." - pag papakilala saakin ni Papa.

"Hello po.."- tapos nag mano ako sakanila.

Nang nakapag mano nako, umupu akong muli at kumain.

"Di naman maipag kakailang anak mo sya. Kamukhang kamukha mo sya,Tristan."- sabat, muli ni Tita Michelle.

"Hahaha oo nga eh. Kaya nga maganda sya diba."- sagot naman ni Mama Klarene.

Nahiya naman ako doon. Napatingin akong muli kay Rail na busy sa pag-kain.
Ang Gwapo nya pala lalo sa, personal.
Sikat kasi yang si Rail bilang isang gwapo at  magaling na Barista. Masasabi ko nangang isa nya kong loyal fan kasi, pag may nakita akong jaryo na nasa head-lines sya, binibili ko tapos may mga magazine nya rin ako.
Alam ko nga na mayroon syang Coffee shop dito sa Maynila na patok sa mga kababaihan lalo na sa mga teenager, dahil puro nag g-gwapuhang nilalang ang staff nya doon. Dati pangarap ko lang na makapag pa picture sakanya ano kaya makita ko lang sya ng personal. Pero higit pa doon ang nangyari. Kasi pwede konarin,syang maging kaibigan. Pwede kona syang makita araw-araw kasi Close pala ang Family nya sa Family ko.. tapos pwede nakong mag paturo sakanya kung paano maging isang Professional na Barista. Pangarap korin kasi yan tapos pag marunong nako, mag-aaral naman ako mag bake.. mahilig kasi ako sa Cake at sa ibat-ibang tinapay.

Napaiwas ako ng tingin sakanya ng makita kong napatingin sya sakin.. hmmp.. Nakakahiya na talaga ang epic naman oh!!

TBC..

Codynamii.

So I Married An Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon