Rail's PoV.
Diko inaasahang war freak din pala tong probinsyana nato.
Pumasok lang ako saglit sa kwarto ko pag labas ko inaaway nya na si Ysa. Eto namang si Ysa bakit ba kasi sya umakyat.
Sabi ko kasing hintayin lang ako eh!
Pag hatid ko kay Ysa sa pinto agad akong tumakbo paakyat sa kwarto ni Trishan. Pinahiya nya ko!
Nakita kong nakasarado na yung pinto pero nung pinihit ko yung door knob hindi naman naka lock kaya binuksan koto ng malakas.
Sakto namang nakita ko syang naka upo sa sahig. Siguro i lo-lock nya palang yung pinto.Agad akong lumapit sakanya at kinuwelyuhan ko sya.
Wala syang karapatan na ipahiya at bastusin ako sa harap ng ibang tao!"Bitawan moko!"-sigaw nya sakin.
"Bakit mo ginawa yon!"- sigaw ko sakanya. Tapos hinatak ko sya patayo.
"Sabi ng bitawan moko!"- sigaw nya ulit sabay tulak sakin ng buong lakas.
Napalayo naman ako sakanya. Tinitigan ko lang sya ng masama at ganon din ang ginawa nya.
Sya lang yung babaeng kina inisan ko ng sobra sobra. Yung tipong gusto kona sya suntukin dahil sa asar ko sakanya. Pasalamat sya babae sya!"Wala kang karapatan na bastusin at ipahiya ako sa harap ng ibang tao! "- sigaw ko sakanya.
"Wala karing karapatan na ibaba ako sa paningin ng ibang tao!"- bulyaw nya saakin.
"Manahimik ka! Kanina kapa namumuro sakin! Napipikon nako sayo! Pasalamat ka di ako nananakit ng babae!"- sigaw ko sakanya habang dinuduro duro sya.
"Edi thank you! Alam mo kung ayaw mo mabastos ng ibang tao, wag karing mang bastos! Tsaka paano kita i rerespeto? Eh kung ikaw nga mismo yung sarili mo di mo magawang i respect."
Lalo lang nag iinit yung ulo ko! Talaga bang hinahamon nya ko!
Dinya alam kung paano ko magalit!"Tss! Para sabihin ko sayo! May respect ako sa ibang tao lalo na sa sarili ko! Sayo lang ako nagiging walang modo! Dahil di mo deserve ang respect ko!"
"Really? Nag papatawa kaba? Kung may respect ka sa sarili mo dimo sisirain yang buhay mo! At kung may respeto ka sa ibang tao, bakit di mo magawang i respect ang gusto ng Papa mo?
Yan ba? Yan ba yung taong alam ang salitang respect. Wag mo nga lokohin sarili mo!"Kapal ng mukha nyang idamay ang Papa ko dito. Ni re-respeto ko si Papa! Kaya wala syang karapatan na pag salitaan ako ng ganyan. Agad akong lumapit sakanya, napaatras pasya ng kaunti. Hinawakan ko sya sa mag kabilang braso. Mukhang diko na ata kaya mag pigil ng galit.
Pag kaharap ko talaga sya parang nagiging halimaw ang ugali ko."Ano ba! Bitawan moko! Bakit na tamaan ka sa sinabi ko? Kasi alam mong totoo!"
"Manahimik kana! Wag mong ubusin ang pasensya ko! Ng dahil sayo kaya ako nagiging ganito! Bakit kaba kasi dumating sa buhay ko! Sa buhay namin! Napilitan akong hiwalayan si Meliza ng Dahil sayo! Ng dahil sa Pesteng arrange marriage nayan! Naging mesirable ang lahat sakin ng dumating ka!"- galit na galit kong sigaw sa mukha nya.
Napansin ko namang naging blanko ang ekspresyon ng mukha nya. Nakatingin lang sya sa sahig.
"Oo pahirap ako sa buhay mo..."-matamlay nyang sabi. Sabay tingin sa mga mata ko.
"Diko inaakalang magiging ganito ang lahat. Oo inaasahan kong magagalit ka sakin pero diko inaasahang ganito kalala...""Ngayon alam mona!"- sigaw ko ulit sakanya.
"Ayoko na."
Trishan's PoV.
Napansin ko na parang nag taka sya sa sinabi ko.
Eto na yung tamang oras para sabihin ko sakanyang a-atras nako sa arrange marriage namin. Sure naman akong matutuwa sya eh. Dahil magagawa nya ng balikan si Meliza, pwede nya pang sundan si Meliza sa Paris.
Dipa naman huli ang lahat."Bukas na bukas sasabihin ko kala Papa na ayoko ng mag pakasal."- matamlay kong sabi.
Naramdaman kong lalong humigpit yung hawak nya sa braso ko.
"Bitawan mona ko. Dimo na kailangang sirain ang buhay mo ng dahil sa isang pesteng tulad ko. Pwede mo nang sundan si Meliza sa Paris. Kakausapin konalang sila Tito Rin-"
"Hindi!"- putol nya sa sinasabi ko.
Ano bang problema nya? Diba pabor naman na sakanya yun. Tsaka halos isumpa nya na nga yung araw na dumating ako sa buhay nila diba. Anong hindi sinasabi nya.
Lalo lang napa kunot yung noo ko sa sinabi nya."Hindi ka a-atras! Naiintindihan mo! Dikita papayagan! Pag tapos mo guluhin ang buhay ko sasabihin mong ayaw mona? Huli na Trishan para umayaw ka! Wala na si Meliza! Wala nakong babalikan! May Boy friend nasyang iba! Kaya wala naring silbi yang naisip mo!"- galit na sigaw nya sakin.
"Ayoko! Diko pinangarap na maging mesirable ang buhay ko! Ayokong mag pakasal sa taong di ako kayang pahalagahan! Kaya a-atras nako!"- sigaw ko.
Mukhang lalo syang naglit sa sinabi ko. Tinulak nya ko sa kama ko. Tapos pumaibabaw sya sakin hinawakan nya ng mahigpit yung mag kabilang pisngi ko gamit lang ang isa nyang kamay. Nilapit nya ng sobra yung mukha nya saakin.
Hinawakan ko naman yung kamay nyang nakahawak sa mukha ko at pilit itong inaalis kaso ang higpit ng hawak nya.
Diko sya kaya malakas sya.
Tinitigan nya ko sa mata ng puno ng galit. Bigla akong nakaramdam ng kaba."Walang a-atras! Naiintindihan mo! Sa ayaw at sa gusto mo itutuloy natin ang kasal! Nakasira kana ng relation. Tapos ngayon aatras ka? Gusto mo bang atakihin si Papa pag sinabi moyan?! Dika nag iisip! Gusto mo talaga sirain ang buhay ko!"
Di ako nakapag salita dahil sa sinabi nya. Oo nga baka atakihin si Tito Rin pag ginawa koyon.
Pero pano naman ako? Tama bang tiisin ko yung ugali ng anak nya?"Diko hahayaang maging malaya ka! Gusto ko pag bayaran mo yung pag sira mo sa relation namin ni Meliza! Kung di ako naging malayang makasama yung babaeng mahal ko. Ganon din dapat ang mangyari sayo! Wala karing karapatang maging malaya para makasama yung taong mamahalin mo! Sabay tayong mag hihirap tandaan moyan!"- pag tapos nya sabihin yon umalis na sya.
Di ako makagalaw sa hinihigaan ko ngayon.
Talagang ako ang sinisisi nya sa lahat. Gusto kona talagang umatras. Pero pano si Tito Rin? Pag may nangyari sa kanyang masama Lalo lang akong kakamuhian ni Rail.
Ano bang dapat kong gawin??
Nahihirapan nako.. kung alam kolang na magiging ganito ka sakit at ganito ka hirap ang lahat, dineretsa kona silang tinanggihan sa gusto nila.Umupo ako sa kama ko, sumandal ako sa head board ng kama tapos ipinikit ko ang mga mata ko.
Lahat ng sinabi sakin ni Rail tumagos sa puso ko.
Kung nakakamatay lang yung masasakit na salita kanina pako naka bulagta. Baka na SOCO nako. Totoo ngang mas masakit ang salita kesa sa gawa. Ok lang na masaktan ako ng pisikal eh. Mas makakaya kopa.
Pakiramdam ko gusto ng sumabog ng dib-dib ko dahil sa sama ng loob na nararamdaman ko.
Kinuha ko yung unan sa may gilid ko saka ko ito niyakap isinubsob ko ang mukha ko sa unan na yakap ko tsaka ako Umiyak ng umiyak.
Baka ikamatay ko pag diko inilabas yung sakit at hirap na nararamdaman ko. Sana meron akong kaibigan na pwede kong iyakan. Yung taong handang makinig sakin kahit mag hapon o mag damag pa.Naisip ko bigla si Lester..
Sana nandito sya...
Ang kaso.. kaibigan nya pala si Rail, kaya mukhang hindi rin maganda kung sakanya ko mag lalabas ng sama ng loob.Ang hirap mag isa. Sana pwede nalang maibalik yung panahon. Pag nang yari yon.. babalik ako sa panahong buhay pa ang mama ko. Yung panahong wala akong pinag dadaanang ganitong problema. Yung masaya lang akong kasama si Mama, na kahit mahirap lang kami.. masaya parin kami. Di tulad ngayon mabibili ko nga lahat ng gusto ko, malungkot naman ako.
Gusto kong bumalik sa panahong Diko pa nakikilala si Rail..Yung panahong walang Rail Vartolome sa buhay ko...
Ng di ako nag hihirap ng ganito....
TBC..
Codynamii..
Hi Follow nyo po si Author sa wattpad. @codynamii maraming salamat po...
BINABASA MO ANG
So I Married An Probinsyana Girl
Fiction générale[Romantic/Comedy] SIMAPG... Ano kaya ang mangyayari kung malaman mong i papakasal ka ng parents mo sa taong di mo naman kilala? Kaya kayang iwan ni Rail si Meliza Imperial, ang babaeng mahal nya para sa kagustuhan ng parents nya? May chance kayang m...