Chapter 44

3.6K 74 0
                                    

Trishan's PoV.

Ang aga ko nagising.. 5:30 am palang. Excited kasi ako.
Na ngako kasi si Rail na ngayong araw isasama nya ko sa Ultimate Prince coffee shop.

Aba ngayon lang kaya ako niyaya ni Rail na sumama don. Kaya di nyo ko masisi kung ganito ko ka excited no.

Nasa terrace ako ngayon at umiinom ng fresh milk. Natatawa ko pag naaalala ko yung nangyari kagabi habang nasa byahe kami ni Rail pauwi dito..

Flash back..

Ng matapos nya kong halikan. Bigla nalang syang natahimik. Hinihintay ko syang mag explain pero wala kong narinig mula sa kanya, pinag buksan nya lang ako ng pinto ng kotse. Hindi nalang din ako nag salita at sumakay nalang ako.

Habang nasa byahe kami diko maiwasang mailang. Sobrang tahimik namin. Ni wala kang ibang maririnig kundi yung radio na binuksan nya.

Nag hihintay lang akong mag salita sya. Ang kaso mukhang wala naman syang balak na mag salita. Kaya naisipan ko nalang na matulog muna. Nung ipipikit kona sana yung mga mata ko bigla syang nag salita.

"Kung ayaw mo talaga layuan si Lester, kahit dumistansya ka nalang..."- saad ni Rail na nasa daan parin ang atensyon.

Diko alam kung matatawa bako sa sinabi nya. So totoo yung sinabi nya na nag seselos sya?

"Kaibigan morin naman si Lester ah.. bakit ka nag kakaganya?"- tanong ko sakanya.

"Nagseselos nga ko. Paulit- ulit."- naka kunot noo nyang sagot. Pero nasa daan parin ang atensyon nya.

Diko ma iwasang mapangiti kaya pasimple akong humarap sa bintana at don ako ngumiti ng sobrang lawak. Baka makita nya ko isipin nya pa na kinikilig ako.

"Wag ka ngumiti jan para kang timang."

Napalingon ako sakanya ng sabihin nya yon.

"D-di ako ngumingiti no!"- nauutal kong sabi. Tapos humarap ulit ako sa bintana. Shemay! Nakakahiya.. nakita nya payon?? Pano??

Bigla kong napa tingin sa side mirror kung saan nakikita ko ang sarili ko pati Narin si Rail.

Agh! Kaya pala! Dahil sa pesteng side mirror nato! Nahuli ni Rail na ngumingiti ako! Nasabihan pa tuloy ako na mukhang timang!

"Hoy Bansot. Di porque sinabi kong nag seselos ako, gusto na kita. Di Parin kita gusto no. Pero ayaw ko paring may ibang lalaki na lalapit sayo."- saad ni Rail.

Huh?? Ano daw?? Napaawang nalang yung bibig ko sa sinabi nya. Ang gulo! Di nya ko gusto pero nag seselos sya?? Baliw na nga to.

Mag sasalita na sana ko pero inunahan nya ko.

"No more but's. No more question."

Di nalang ako nag salita. Hay! Bahala nga sya jan. Basta ngayon ang mahalaga alam konang kahit papano may pakielam naman pala sya sakin na nag seselos din pala sya pag nakikitang may kasama kong iba. Akala ko kasi ako lang yung nakakaramdam ng selos saming dalawa.

End of Flashback..

Natatawa ko pag naaalala ko yung sinabi nyang yon sakin. Kahit na magulo at parang ewan. Kinikilig parin ako. Ikaw banaman halikan at sabihang nag seselos sya sa iba ng isang Rail Vartolome, di ka kaya kiligin.

Haist! Ano banaman tong lalaking to! Dahil sa ginawa nya kagabi mas lalo akong nahirapang ilayo ang loob ko sakanya.

Nagulat ako ng biglang may humawak sa balikat ko.

"Aga mo nagising ah."- si Rail na mukhang kababangon lang sa higaan.

"Wag ka nga mang gulat. Pasalamat ka at wala ng laman tong mug na hawak ko kundi baka naibuhos ko sayo."- naka simangot kong sabi.

So I Married An Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon