TWELVE.TWO : This I Promise You
---------------------------------->
See picture for this UDmax : Chriella <3
After another call form Henry, wala na naman sumunod. Buti nalang, dahil ang init na ng teka ko. Sana pinapaligo na kasi nila ako diba??
Pero paano kaya kami magkikita ni Henry? Saan? Anong oras? Hayssss... Kasi naman ang lalaking 'yon, pinangatawanan ang pagbawi nya sa 10ng taon nyang pagkawala. Dami dami nya talagang surprise. And to think na na-surprise ako kahapon sa appearance nya sa mall, eto nanaman. Eto nanaman sya't nagyayaya ng 'DATE' ehehehe... saakin lang 'yon-- wala naman kasi sya nabanggit na date nga ang pupuntahan namin. Hahahaha!
After kong dumada sa isip ko, naglakad na ulit ako sa walk-in ko para makapili na ng susuotin ko mamaya. Nakita ko ang isa ko'ng loose and off-shoulder like na shirt na pasalubong saakin nila Mommy last time na nagpunta sila ng Paris at blue ragged maong shorts. Inilapag ko ito sa kama ko at pumasok na ng CR sa loob ng room ko.
Matapos ko maligo at gawin ang mga usual na ginagawa ng mga babae sa sarili nila bago lumabas ng CR, lumabas na ako with a towel above my head. Pagkalabas na pagkalabas ko ng CR, umupo ako sa ottoman ko at isinaksak ang blower sa outlet. Papatuyuin ko muna ang buhok ko bago ako magbihis at tuluyang ayusan ang sarili ko.
Natuyo ang buhok ko't itinali ito from my left side leaving my bangs. Isinuot ko ang mga napili kong damit at umupo sa harap ng salamin. Naglagay ako ng light make-up at ready to go na sana ako nang maalala ko na hindi ko nga pala alam kung saan ako pupunta.
BINABASA MO ANG
Memories: Because He Loves Me [ʀәѵɪѕɪɴɢ: ϝɪɴ ♕ ɢ]
Short Story© 2012 by zheliLURVScookies. All rights reserved. It's a tragic story. Period. Cover by baekconwifey