≈ Chaptie5.5

263 16 2
                                    

Zheli's POV [Ako ulit. Wapakels]

Nagulat si Guiella nang makita nya ang Coffee Shop sa kanya ni Henry.

"Coffee Shop mo 'to?!" tanong niya kay Henry na malaki parin ang mata't papalit-palit ng tingin sa kasama't lugar na tinutukoy nito.

"MO!!" Henry corrected.

  

"Kasi naman eehh! Hindi mo kasi sinabi agad pangalan ng Coffee Shop na sinasabi mo!" angal ni Guiella rito.

"Bakit ba? Surprise nga diba?!" nagtaas pa ito ng kamay, "Ano ka ba naman! Hindi na surprise kung sinabi ko 'd ba?" parang batang nanenermon si Henry.

"Ah ganon, galit ka? Sinisigawan mo na 'ko ngayon?" tanong ni Guiella kay Henry, "Salamat ha?!" sarkastikong sabi pa nito.

"Inilalakas ko lang ang boses ko para mapasok sa kokote mo yung gusto 'kong iparating." paliwanag nito.

"Kasi naman eh..." paulit-ulit nitong pinaghahampas sa dibdib si Henry.

'Anu kayang nangyayare sa babaeng 'to at hinahampas ako? Kinikilig? Sobrang na-surprise?' tanong ni Henry sa kanyang sarili.

Itinigil niya ang kamay ni Guiella sa paghampas nito sa dibdib.

  

"Ang galing-galing mo talaga 'no? Sobra pa sa surprise ang naramdaman ko!! Bwisit ka!!"

"Bakit ba imbis na matuwa ka, mukang galit ka pa ata?"

"Paanong hindi?! Akin kaya 'to!" pagpapatukoy niya sa coffee shop na kinatatayuan.

"O-oo nga! Ayun na nga ang kanina ko 'pang sinasabi sa 'yo, hindi ba?!"

"Hindi!" matinding pag-iling ni Guiella na kulang na lang ay ikatannggal ng ulo nito.

 (OA LANGS)

"Ha? Eh ano nga? Puro ko lang iling 'dyan, kung magsalita ka kaya ng mayos?"

"Ako kaya gumawa nito!! Eto... eto yung first project ko eh!" pinagtuturo niya ang bawat makita niya at sinabing, "Tapos ikaw LANG pala ang nagpagawa? Tapos ngayon, sinasabi mo... akin 'to?!" iritang pagdidiin nito sa salitang 'lang'. "Kaya pala hindi 'man lang ako nakatanggap ng kahit anong balita sa nagpapagawa nitong coffee shop na 'to dahil ikaw nga pala kasi 'yon!" and this time, tinalikuran niya na si Henry at mukhang galit na ito.

"S-sorry na-- uy! Fully paid na naman ako sa 'yo 'd ba? Wala naman akong utang... sa 'yo na nga 'to 'd ba?" pagsusumamo ni Henry habang yakap-yakap ang nakatalikod na Guiella.

"Hirap na hirap ako dito dahil hindi ko malaman ang gagawin dahil hindi ko alam kung lalake ba o babae yung may-ari-- binaliw mo ako alam mo ba 'yun?!" nagpapa-awang boses na sabi ni Guiella.

"Past is past. Hihi~ I love You." at hinalikan niya pa ito sa pisngi at niyakap pa lalo ng mahigpit.

"Kain na tayo? Nagluto ako at pina handa ko na duon sa may garden. :)" nangiti naman si Guiella sa narinig.

"Busugin mo 'ko, uh?"

"Ako pa?! Syempre naman!! *TSUP*" numakaw ito ng halik na ikinagulat naman ni Guiella, pero tumakbo na ito paalis. 

"Nakaw halik ka naman!" sigaw at habol niya sa tumatakbong Henry.

"Papakasalan mo naman ako dba?! >:O<" sigaw naman pabalik ni Henry. 

Naghabulan ang dalawa hanggang sa makarating sila sa nasabing garden ng Coffee Shop.

"Red Kitty's Coffee. Fully Wi-Fied ang buong shop, may garden sa likuran at kahit na gabi na, hindi mo 'yon mamamalayan dahil sobrang liwanag at mailaw sa loob. Nagustuhan mo ba?" tanong ni Henry sakanya.

"wag ka nga!! Syempre, 'no!! Ako kaya gumawa nito!! At ang yaman mo, huh? Sarili mo kamong pera?" puro tanong 'din ang isinagot ng dalaga sakanya.

"Kaya pala Red Kitty's Coffee ang pangalan nito, uh? Akala ko, coincidence lang, 'yun pala--"

"Hoy PUSA! Hindi mo naman alam na Wi-Fied zone ang Coffee Shop na 'to, 'no! Yung design lang ng pagkaka-built in nito yung alam mo. The rest is yung interior designer na ang may gawa!" angal ng binata.

"Parang ayun lang? Eh, basta! Para sa architect SLASH engineer, akin pa 'rin 'to, 'no!"

Matapos ang walang katapusang sagutan, may isang crew ng shop ang dumating na may dalang carrier na punung-puno ng pagkain. Habang kumakain sila, proud na proud namang itinataas ni Henry ang sarili dahil sa nagustuhan ni Guiella ang pagkakaluto mga pagkaing si Henry mismo ang nagluto.

Mahabang kwentuhan ang naganap at marami 'ding nalaman si Guiella, lalong-lalo na ang tunay na dahilan ng pagkakahiwalay nilang dalawa't hindi inaasahang pag-alis ni Henry ng bansa. 

Masayang masayang nakatitig lang si Guiella sa paulit-ulit na palitan ng pagsubo ni Henry ng pagkain at walang sawang kakatawa't kakakwento sa kanya.

Masaya na siya, na kahit kaunti'y nabawasan na ang problema niya't bumalik na ang kaisa-isa niyang pagmamay-ari't kaligahan, at 'yon nga ay...

si Chris Henry Ayala, ang best friend niya 10 years ago na nangako sakanya ng isang kasal at tanging ang isa't isa lamang ang mag mamay-ari ng kani-kanilang puso.

Lumipas ang oras at natapos ang kanilang kwentuhan at papalitan ng kanikanilang sweet nothings.

Nang kinagabihan, hindi inaakala ni Guiella na noong mga nakakaraang araw lang ay hindi siya pinapatulog ng mga mata niyang walang tigil sa kakaluha, ay ngayo'y mahimbing na siyang nakatutulog ng may ngiti sa labi.

Memories: Because He Loves Me [ʀәѵɪѕɪɴɢ: ϝɪɴ ♕ ɢ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon