TWENTY-THREE : Drive Me Crazy
---------------------------------->
See picture for this UDmax : Last Will
Parang may iba sa pagkakasabi 'nya ng ILOVEYOU. Napa-atras ako sa sinabi 'nya. Ibinigay ko sa kanya si Raine pero hindi ko pinapahalata sa kanya 'yung nararamdaman ko.
Bakit ganon? Parang may mali sa pagkakasabi 'nya ng ILOVEYOU.
Parang 'yung feeling na, iiwan 'nya ko?
Napalingon ako kay Henry na ngayon ay nilalaro si Raine sa crib. May hawak syang rattle.
Ano kayang--
"Arghhh!!!!"
Napatakbo ako papunta sa kanya.
"Brunette, anong nangyayare? May masakit ba?"
Natataranta akong nagtanong sa kanya.
Ano ba? Syempre may masakit! Nakahawak sya sa ulo 'nya ehh!!
"W-wala 'to. *COUGH. COUGH*"
"H-hindi ka o-- Brunette!! Nagdudugo ang mga gilagid mo~! Mommy!!! Mommy!!!"
Sa sobrang taranta ko sa nakikita ko ngayon, natawag ko si Mommy na nasa taas. Naglalagay na kasi sila ng gamit sa guest room.
Dito muna sila mag-stay for a weak.
"Anong nangyare? Bakit ka sumisi-- Henry!! Anak!! Anong nangyayari sayo?"
Bumaling sya kay henry na ngayon ay nakaluhod na sa sahig. Sobrang sakit siguro ng ulo 'nya. Idagdag mo pa ang biglang pagdudugo ng mga gilagid 'nya. Ano ba nangyayari sa kanya?
"Brunette. Ano ba nangyayare sa 'yo? Doctor~! Daddy!!! Dad--"
Pinutol 'nya yung pagpapanic ko.
"H-hindi na, Brunette. Wala 'to. Arghh! 'yung gamot ko, gamot Brunette. Sa drawer na 'tin, please??"
Habang sinasabi 'nya 'yun, pababa na si Daddy ng hagdan. Hindi ako pwede tumakbo. Kapapanganak ko pa lang.
"Daddy? Please?? You mind?"
Habang bumababa si Daddy ng hagdan, napabalik 'sya. Sya na kumuha ng mga gamot na sinasabi ni Henry.
Tinitigan ko lang si henry habang hawak ko sya sa mga bisig ko, tinatayo ko sya para papuntahin sa pinakamalapit na sink para makapag-mumog pero ayaw nya tumayo. Hindi nya siguro kaya.
Kaya naman kinuha ko 'yung malinis na cloth ni Raine at pinangpunas ko na lang sa gilagid nya. Ngumniti naman sya sakin. A weak smile.
"wag mo nga ako nginingitian adyan! Ano ba nangyayari sayo?!"
Hindi na nya nasagot 'yung tinatanong ko kasi dumating na si Daddy dala 'yung mga gamot 'nya.
ANG DAMI NITO AHH!!!!
Ano bang sakit niya? Bakit hindi ko ata kilala mga gamot na 'to?
Sheeez. Henry! What's happening?!
‘ * ‘ * ‘ * ‘ * ‘ * ‘ * ‘ * ‘ * ‘ * ‘ * ‘ * ‘
Nakatulugan 'nya na 'yung sakit na nararamdaman 'nya. Mabuti na lang nandito sila Mommy at Daddy. May nagbabantay kay Raine habang ako naman binabantayan si Henry dito sa kwarto namin.
Ano bang nangyari kay Henry? Bakit nagdudugo 'yung gilagid 'nya? Bakit sobrang sakit ata ng ulo 'nya?
Hinubaran ko sya para pumasan ng pawis. Sobrang pinagpawisan kasi sya sa pamimilipit sa sakit ng ulo.
Pinupunasan ko na sya ng basang maligamgam na panyo nang may mapansin ako sa katawan 'nya.
Bakit sya may sugat sa likuran? Wala naman sya nababanggit na nabangga sya or what, uhh??
Henry... ang dami mo ipapaliwanag sa 'kin! Umayos ka naman. 'wag mo kami iiwan ni Raine!! Sabi mo sa 'kin, hindi mo na kami
iiwan. Sabi mo, till dea--
HINDI!!!!! Hindi ka mamamatay!!!
T______________T
‘ * ‘ * ‘ * ‘ * ‘ * ‘ * ‘ * ‘ * ‘ * ‘ * ‘ * ‘
Pagkagising ni Henry, pinilit ko sya na magpunta ng ospital. Una, ayaw nya talaga pero hindi sya mananalo sa 'kin. Kaya ayun, pupunta na nga kami ng ospital. Mabuti na lang talaga good timming ang pagpunta nila Mommy at Daddy dito.
Naghahanda na ako papunta ng ospital.
Powder, checked!
Gamot ni Henry, checked!
Pagkain sa byahe, checked!
OK. Pwede na kami umalis. Sa bayan pa kasi na ospital kami pupunta. Medyo malayo 'yun. Itatanong ko pa 'kung anong sakit ni Henry kaya kumupit ako ng kaunting gamot. Itatanong ko sa doktor.
+++ Sa Byahe +++
"Guiella, kahit anong mangyari mahal kita uhh."
Napatigil ako sa pagbabalat ng butong pakwan sa sinabi 'nya.
"B-bakit? Wala naman masamang mangyayari 'd ba?"
Kinakabahan ako oo, pero hindi ko pinapahalata. Sinubuan ko na lang 'sya nung mga balat na na mga butong pakwan.
"I love you."
Ayan nanaman 'yung I love you 'nya. Aisht...
*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP*
Napatingin ako sa harap. Ang liwanag. Ang liwanag.
Then everything went black.
: x : x : x : x : x : x : x : x : x : x :
2ng UD na lang plus Epilogue ulit.
Aagarin ko na nga.
Magalit na kayo pero tinatamad na ako.
TTT____________TTT
Batuhin 'nyo na ako ng kamatis. XDDD
I LOVE YOU ALL!!
^ zheliLURVScookies ^
BINABASA MO ANG
Memories: Because He Loves Me [ʀәѵɪѕɪɴɢ: ϝɪɴ ♕ ɢ]
Short Story© 2012 by zheliLURVScookies. All rights reserved. It's a tragic story. Period. Cover by baekconwifey