(22) Impostors

3K 190 18
                                    

Althea's Pov:

"Madam.."😨😨 tawag sakin ni Paulo at Angel ng makarating ako sa DCGC. Naisip ko kasi na mapanggap bilang si Cha para makita ang ibang tinutukoy ni Cha na traydor samin. Huminga naman ako ng malalim at tiningnan ko sila ng masuyo.

Mukhang may mali ah.. ba't ba magkasama ang mga toh at bakit andito si Paulo? Diba dapat nasa bahay sya or dapat ginagawa nya ang trabaho nya para hanapin kami ni Cha.

"Can you give me all the annual reports before lunch?" Utos ko kay Angel at sinusubukan ko na maging mataray para maging si Cha talaga.

"Yes madam. I will poh.." natatarantang sagot ni Angel at agad sya pumunta sa Presidents office kung nasaan ang opisina nya. Sinulyapan ko naman si Paulo at sinubukan ko na maging kalmado para makausap sya ng maayus kahit alam ko na ang ginagawang ka trayduran nya.

"Paulo.." tawag ko kay Paulo ng nakayuko lang sya sa harapan ko.

"Yes madam?" Kinakabahan nyang sabi sakin. Sa lahat pa naman ng emosyon na alam ko ang takot at kaba ng tao ang naamoy ko sa klasi ng trabaho ko nuon. Sinanay kasi ako ni daddy na dapat pakawalan ang mga daga sa dibdib pagkaharap mo na ang kalaban para maging malakas ang senses mo sa ibang bagay.

"Come with me in my office now.." utos ko kay Paulo kaya sumunod sya na hindi maipinta ang mukha nya.

"Paulo, how long have you've been working with me and with my twin?" Tanong ko kay Paulo ng makapasok kami sa opisina ni Cha.

"Since i was still teen poh Madam." Sagot nya at sinulyapan nya ako nang sinasara ko ang mga kurtina sa opisina ni Cha.

"And how old are you now?" Tanong ko sa kanya ng nilapitan ko sya at  kinuha ko ang baril sa nakasaksak sa tagiliran nya.

"30 na poh madam.." kinakabahan nyang sagot sakin at di nya ako makuhang tingnan ng daritso.

"So in that case kilalang-kilala mo na pala kami magkapatid." Masuyo kong tanong sa kanya at nanlaki ang mata nya ng tinaas ko ang chin nya sa pamamagitan ng baril na hawak ko.

"Donna Althea.."😨 tawag nya sakin kaya nilagay ko ang hintuturo ko sa labi ko para di sya gumawa ng ingay.

"Tama nga ako.. kilang-kilala mo kami ng kambal ko.." nakasmirked kong sabi sa kanya habang nasa leeg parin nya ang baril.

"D-donna Althea, B-bakit poh---"

"Ssshhhh.. Paulo.. hinaan mo boses mo baka makalabit ko tong baril mo ng wala sa oras." Sarcastic kong sabi sa kanya bago ko sya tinulak kaya napaupo sya sa mahabang sofa.

Hay.. nakakamiss din talaga maging goons eh.. pero ngayon lang talaga toh.. kelangan ko malaman utak ng traydor na umaahas samin ni Cha at si Paulo ang isang alas ko.

"Donna Althea h-hinanap poh namin kayo ni Madam. Buti naman poh at nakaligtas poh kayo dah---"

"Sssshhhh.. Paulo, hindi kita binigyan ng permiso para mag salita diba? Sinabi ko na sayo na ayoko makarinig ng ingay dahil magulatin ako. Baka makalabit ko tong baril mo oh.." pang takot ko sa kanya at tinutok ko ang baril sa kanya. Napalunok naman sya sa ginawa ko. Tumahimik naman sya kaya huminga ako ng malalim para makapag isip ng maayos at makapagtanong sa mga bagay na gusto kong masagutan nya.

"Ngayon Pau, sabihin mo sakin bakit nagawa mo kaming traydurin. Sa kabila bah ng magandang pinakita namin ni Glaiza sayo nakukuha mo pa kaming ahasin?" Seryusong tanong ko kay Paulo habang kumukuha ako ng upuan para harapin sya.

Nahihilo parin kasi ako eh..😥

"D-donna Althea.. W-wala poh akong alam sa sinasabi nyo.." kinakabahan nyang sabi sakin at amoy na amoy ko ang takot nya.

Twin's HEART ❤ (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon