Rhian's Pov:
Binaba ko ang baril sa kama ng makalabit na namin pariho ang trigger ng baril. Punong-puno ng galit ang puso ko sa ginawa nyang pag samantala sakin pero di ko maintindihan ang sarili ko at di ko sya kayang saktan.
Agad ko syang niyakap ng mahigpit ng mabitawan ko na ang baril sa kama.
"I can't." Bulong ko sa kanya.
Di ko sya na patay. Nang mag CR kasi sya kanina kinuha ko na yung baril sa drawer at tinanggalan ko na ng magazine at binalik ko uli.
Nagpanggap akong tulog uli ng lumabas sya. Balak ko lang naman sana sya takutin eh dahil sa galit ko sa kanya pero di kaya ng konsensya ko na pumatay ng tao at di ko kaya na saktan sya. Lalo ng sinabi nyang mahal na nya ako. Parang sinasaksak ang puso ko ng hinanda nya ang sarili nya sa kamatayan sa mga kamay ko. Pinili nyang mamatay dahil sa konsensya nya.
"I'm sorry..i'm really really sorry Rhi." Bulong nya sakin at panay na ang iyak parin nya.
"Ssshhh..tana..wag ka na umiyak.." pagpatahan ko sa kanya.
"God knows how sorry i am. Patawarin mo ko." Pag hingi nya uli ng tawad. Di ko na sya sinagot at hinayaan na lang na muna namin na manatili sa ganun na posisyon at humupa ang mga hinanakit namin.
____
"Masakit pa bah? Drink this.." sabi sakin ni Althea at inabot nya sakin ang isang gamot.
"Pwede bang dito ka na muna baka kasi magtaka ang parents mo sa itsura at kilos mo. Okay lang bah?" Naiilang nyang tanong sakin. Tumango lang ako sa tanong nya.
"Pwede mo tawagan ang mga kaibigan mo para dalawin ka dito. Kaw na lang bahala magpalusot sa kanila kung bakit may sugat ka sa labi at may pasa. Sorry ha? Uhm..okay ka lang dito? May kakausapin na muna akong client ko tapos balikan kita dito? May gusto ka bah?" Tanong nya sakin at inaayos nya ang buhok ko.
"Wala. Uwi ka nalang agad." Napangiti naman sya sa sinabi ko.
Hahalikan sana nya ko ng umiwas ako. Huminga nalang sya ng malalim bago tumayo.
Nag huhubad na sya ng damit nya at magbibihis na ng business attire nya. Nakatingin lang ako sa kanya. Nakita ko naman ang balikat nya na may marka na ng kagat ko at may mga kalmot sya sa leeg nya at pasa sa likud nya pero agad naman akong napatayo at nilapitan sya ng makita kong dumudugo uli ang sugat nya sa tagiliran. Ang nadaplisan ng bala kahapon sa ambush.
"You're bleeding again." Nag aalala kong sabi sa kanya.
"Damn it! Mauubos na ata dugo ko sa sugat na toh ah..ba't bah hindi toh tumitigil..kainis.." inis nyang sabi at pumasok sya sa bathroom. Nakasunod parin ako sa kanya. Kumuha sya ng towel at binasa nya ng tubig at pinahid nya ang dugo na tumutulo sa tagiliran nya.
"Magpahospital ka na kaya." Nag aalala kong sabi sa kanya at kinuha ang towel sa kamay nya at ako na ang nag punas.
"Di naman kelangan tahiin. Hayaan mo na. Mas masakit pa nga kinagat mo kesa jan." Nakangisi nyang sabi sakin. Sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Hehe..sorry..peace na tayo..uhmm..asan ang magazine ng baril ko Rhi?" Tanong nya sakin at hinahawi nya ang buhok ko.
"Nasa ilalim ng unan. Bakit may papatayin ka at kelangan mo na ng bala?" Masungit kong sabi sa kanya.
"Hindi ah. Isusuli ko lang kay paolo. Wag na masungit. Papangit ka nyan eh. Ganda-ganda mo pa naman.."
"Bolera. Oh ayan. Okay na yan. Wag ka kasi magalaw ng di na dumugo yang sugat mo. Bubutasin ko na yang tagiliran mo sa kalikutan mo eh."
BINABASA MO ANG
Twin's HEART ❤ (GxG)
FanficIt's hard to tell your mind to stop loving someone when your heart still does... (RASTRO FANFIC)