(33) Second chance

2.6K 172 55
                                    

Glaiza's Pov:

"Goodmorning twinnie..how are you?" Bungad kong pag bati kay Althea ng makapasok ako sa room nya at kagigising lang nya. Umupo naman ako sa side nya sa bed.


"I'm fine cha..goodmorning twinnie.." inumpog na naman nya ang cheeks ko ng kisses nya ng bumangun sya kaya napangiti ako.

Though she can't barely remember everything but her sweetness still remains the same.

"Twinnie..gutom na ako.."😯 nakapout nyang sabi sakin kaya nginitian ko sya at hinawakan ko na ang kamay nya para bumaba na kami sa kitchen.

__

"Good morning.."😄 masayang bati samin ni Rhian sa kitchen at mukhang sya ata nag prepare ng breakfast.

"What so good in the morning?" Pag tataray ko sa kanya. Parang di parin kasi umi effect sa kanya kagabi ang pinagsasabi kong masasakit na salita.

Sinadya ko talaga ang saktan sya kagabi para kamuhian nya ako at mapabaling nalang ang tingin nya kay Althea. Ayoko na umasa pa sya sakin at ayoko sa nararamdaman ko para sa kanya, ginugulo nya ang pagkatao ko. Kaya habang maaga pa dapat pigilan ko na ang nararamdaman ko.

Ngayong Andito na si Althea gusto ko pasayahin ang kambal ko at alam kong si Rhian ang kasayahan nya. Gusto ko rin makabawi dahil sa ginawa kong pag traydor.


"Shut up kwago! I'm not talking to you.." pagtataray nya sakin at binaling nya ang tingin nya kay Althea na nakasiksik sa likud ko na mukhang nahihiya sa unknown fianceè nya.

What the! This Alien is just too irritating..ang lakas talaga ng loob nya para sungit-sungitan lang ako.😤


"Hon..i mean Althea..hali ka na..i prepared breakfast for you.."😊 nakangiting sabi nya kay Althea at sinulyapan nya ako para irapan.

Bwesit talaga ang alien na toh. Tinutupak na naman sya at talagang si Althea lang pinaghanda nya ng breakfast..fine..oats lang din naman kakainin ko..😬


"Cha?"😯 tawag sakin ni Althea na mukhang humihingi ng permiso ko kung lalapitan bah nya si Rhian.

Bumalik nga sya sa pagiging bata. Mas bata pa sya as usual nya. Hmf.


"Have your breakfast na so you could drink your medicine after. Okay?" Nginitian ko naman si Althea matapos ko inikot sya, nagtatago kasi sya sa likuran ko. Pinaupo ko na sya sa chair nya.

"Kain ka ng marami ha? Pumayat ka kasi.." masayang sabi ni Rhian sa kapatid ko habang nilalagyan nya ng pagkain ang plate nya.

Nagsalita ang hindi payatot..😬


"Thank you poh.." napangiti naman ako ng pinu "poh" ni Althea si Rhian. 😁

Hahaha..na ate zone ng kambal kong isip bata ang baliw na alien..😂


"Glai..wag ka nga pasimpling nang aasar jan ha? Kakasimula palang ng araw binu-bwesit mo na ako."😡 mataray na sabi sakin ni Rhian kaya sinamaan ko sya ng tingin.

Ang lakas talaga ng apog nya para basta-bastahin nalang ako.😬


"Cha, wag mo sya kaya awayin..uhm..Ms. maganda..upo ka na..kain karin.." pag aya ni Althea sa kanya at pinaghila pa sya ng upuan nito.

Naka hanap na ata ang Alien ng kakampi ah..pasalamat sya mahal ko ang kapatid ko kaya di ko sya magawang awayin..grr..


"Thank you cutie..kain ka na.." pinisil naman ni Rhian ang chin ng kambal ko kaya napachuckle si Althea sa ginawa nya. Mukhang kinilig ang isip bata kong kambal.


Twin's HEART ❤ (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon