The Senorita

60.5K 1.6K 291
                                    

The Señorita, o La Señorita.

Isa itong painting or larawan ng isang dalaga na naka baro't saya. Mukhang luma na ang nasabing larawan, dahil halos pakupas na ang mga kulay at nababakbak na rin ang gintong frames nito.

Sa titulo pa lang, iisipin mo na ang Señorita ay isang magandang dilag na ginawang obra maestra at naging imortal sa pamamagitan ng isang natatanging larawan.

Pero may halong misteryo ang painting na ito.

Nakatalikod ang La Señorita imbis na nakaharap. Marami nang haka-haka kung bakit patalikod siyang ginuhit. Sabi ng iba, di naman talaga magandang dilag ang Señorita, kaya ayaw niyang ipakita ang mukha niya. Sabi naman sa ibang kwento, anak ng isang prayle ang Señorita at ayaw makilala ng angkan niya na may katakot-takot silang lihim. Halatang galing siya sa may-kayang pamilya noong panahon ng Kastila, at kapag nalaman noon na ang isang babae ay hija de bastarda ay malaking kahihiyan ang aabutin nito. Lalo na kapag anak ito ng isang prayle.

Walang nakakaalam sa kasaysayan ng nasabing larawan, lalo na kung sino ang nakatalikod na modelo at kung sino ang nagpinta nito.

Paborito itong urban legend ng mga bumibisita sa isang museo sa Maynila. Marami nang mga historians ang nagsulat tungkol sa nasabing painting, ngunit walang sa kanila ang nakahanap ng katibayan tungkol sa kasaysayan ni La Señorita. Sinasabi pa nga na jinxed o may dalang kamalasan ang painting sa kung sino man ang magmamay-ari nito, kaya nilagak muna sa museo bilang historical artifact.

Sino kaya ang dilag na ito at totoo kaya ang mga kwento tungkol dito?

At totoong malas kaya ang painting?

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Contains mature themes and scenes not suitable for younger audience. Discretion is advised.

By the way, I have 3 rules for people reading this story:

1. Please show some respect by not mentioning the names and lines of other characters from other stories. And don't mention my stories and characters in other stories too.

2. Respect other readers and the writer of this story by not commenting rude words. Pwede naman maging respectful at hindi magsimula ng away sa iba. Kung may ayaw kayo or may nagawa akong mali, pakisabi sa maayos na paraan.

3. People who don't follow Rules number 1 and 2 will be muted.

My Socials:

FB Page: Pinayblonde Stories
FB account: Raiselle Villa
Instagram/Twitter (X): raisellevilla


The SenoritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon