Chapter 1

2.2K 52 2
                                    

CHAPTER ONE

Sabi nila pagbroken hearted daw ang isang babae lalong gumaganda, hindi ko alam kung totoo ba 'yon o hindi dahil pakiramdam ko mukha akong zombie. Basta ang alam ko depressed ako at masakit ang puso ko.

Dahil simula nung iniwan niya ko pakiramdam ko wala ng gana ang buhay ko. I feel so worthless. I feel so alone. Pakiramdam ko balewala na ang buhay ko. Ang OA ko na ba? Sorry, broken hearted lang.

Tinignan ko yung orasan, magaala una na pala ng hapon and yet kakagising ko lang. Kumakalam na yung sikmura ko, hindi parin kasi ako kumakain mula kagabi. Hindi sa nagddiet ako, wala lang talaga akong gana kumain. Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko then I checked my fridge and viola wala na akong stock ng food. Ugh. Bakit ngayon pa 'ko naubusan ng pagkain? Pwede namang bukas, sa makalawa o kaya next week nalang. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon na wala akong balak umalis? psh

Out of frustration I grabbed my phone at chineck ko kung may bago ba or may notification mula sa mga social accounts ko.

*scroll

scroll

scroll*

Due to boredom I opened my twitter and tweeted "Just woke up." Matagal tagal nadin kasi simula nung huli ko 'tong binuksan, ayokong makakita ng kung anu-anong kasweetan ng kung sinu-sino. Bitter ako! Malamang. Sino ba ang nagpaparty pagkatapos nilang maghiwalay ng boyfriend o girlfriend niya? Psh.

There were some concerned citizens asking me if I'm feeling better but I didn't reply. It's enough for them to know that I'm fine at alam nilang di pa ko nagpapakamatay dito sa condo ng dahil sa pagiging broken hearted.

Kahit ayokong lumabas at gusto kong magmukmok dito sa pad ko hindi naman pwede dahil kung hindi, mamamatay ako sa gutom at ayokong mamatay ng nakatirik ang mata. Ang pangit ko naman sa part na 'yon di ba? Kaya naisipan ko ng maligo na lang at makapaggrocery, sa mall na lang din ako siguro kakain ng brunch isama mo nadin yung dinner kagabi.

And yeah, daldal ako ng daldal dito pero hindi niyo parin ako kilala, pasensya naman nakalimutan ko nga palang magpakilala. I'm Hillery Vivien Pristilla 18 years old, mula sa bansang maraming magnanakaw, manloloko, corrupt na pulitiko pero mayaman sa magagandang tanawin, Philippines. Ha ha ha. Tatlong tawa para sa joke kong napaka corny. Pero back to the topic, as soon as I turned 18 sabi ko sa parents ko I want to live independently kaya naman they bought me a condo nung debut ko at 'yon yung birthday gift nila sakin. Living alone is a good thing for me, less hassle ang byahe from school at walang sagabal, I also have my own car. Si dad ang nagturo sakin magdrive and lastly incoming 2nd Year College na ko and I'm taking up Bachelor of Science in Biology. Single pero broken hearted kaya bawal lumandi agad agad.

'Yan na muna siguro for now ang ikikwento ko sa inyo tungkol sa'kin dahil gutom na gutom na talaga ko kaya wag niyo na muna ko pilitin magkwento. Please? *puppy eyes*

Pagkatapos kong gawin lahat ng ritwal ko sa katawan, tinignan ko yung sarili ko. Simple V-neck Shirt, Shorts, Flats, Shoulder bag and I'm ready to go. Pero pagtingin ko sa salamin yung itsura ko para parin akong zombie kaya naisipan kong maglagay ng konting lipstick, mascara and powder para naman magmukha akong presentable kahit papaano. Ayokong magpakita sa ibang tao na parang sobrang apektado ko sa pagkawala niya. Kahit sobrang apektado naman talaga ko. Hay.

"Omw to Brump Mall. Starving. Ugh" I tweeted again.

It took me almost 30 minutes para makarating dito sa BM. First thing I would do? kakain muna siguro 'ko. Di na keri ng little tummy ko!

Pumasok na ko sa McDo yeah. Love ko to ~ Eto ang favorite fast food ko dahil hindi ako fan ng expensive or fancy restaurants. For what? para magpasosyal? No, that's not me! Besides I love their coke float pero mas love ko ang fries nila tapos isasawsaw ko siya sa gravy with ketsup! Yummy. (A/n: Try niyo. Promise masarap! seryoso po 'ko dito! hahaha)

When The Player Meets The Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon