Chapter 17

1.2K 32 0
                                    

(A/N)

Wow! Sobrang unexpected po. Happy 1k Reads sa WTPMTGC :"">

Maraming thank you po sa suporta! hihi :">

At dahil jan. may super short update ako! Thank you po ulit! <3

-------------

CHAPTER SEVENTEEN

HILLERY'S POV

First day of college week went well kahit medyo nakakastress. Maghapon lang akong nasa dance studio. Hindi ako makapagfocus kahit pinipilit ko.

Second day na ngayon ng college week so it means ngayon na magsisimula ang laban nila Monggi ng basketball at last day nadin ng practice ko para sa contest bukas. Makalast day ako eh kahapon lang naman sinabi sakin. Psh

Bago ko pumunta sa studio, dumaan muna ako sa gym ng RLU to check kung may ganap na ba, at naabutan kong nagppractice sila Klein pero napansin kong wala pa si Jerus.

Sa pagkakakilala ko kay Jerus hindi siya yung taong paVIP at nalalate lalo na sa mahahalagang event. Anong dahilan ni Jerus at wala pa siya ngaun? May problema kaya si unggoy?

"Yo Babe, miss mo na ko agad?" sino pa ba magsasalita ng ganyan? si Monggi lang naman diba? tsss "Patenten, nuod ka ng game namin mamaya ha?"

Akala ko ba wala na yang patenten na yan? kainis! di marunong tumupad sa usapan. "Hindi ako manunuod, busy ako! Tsaka di ba dapat wala na ‘yan patenten na ‘yan? Napagusapan na natin ‘yan ah" sabi ko sakanya.

"Ouch, bakit sa ibang bagay may oras ka bakit sakin wala, babe naman! :(" nagkunwaring malungkot pa si Klein, hayyy. Monggi talaga!

"Busy nga ako, kailangan ko magpractice! Tsaka isa pa makakapaglaro ka naman kahit wala ako."

"Hoy, Romer! Anong ginagawa mo dyan? Bumalik ka na dito. Start na ng practice kahit wala si Jerus! In 5 minutes pag wala ka pa dito 10 laps. Move!!!" sigaw ng coach nila. Woaaah. grabe naman yung coach nila. Ganyan ba sila kadedicated manalo sa laro? Sabagay sila nga pala defending champion.

"Usap tayo mamaya. Basta manuod ka ng game ha. Aasahan kita. Di ko gagalingan pag di kita nakita!" yan nalang nasabi ni Klein. Usap? bakit? May kailangan ba kaming pagusapan? And what? ano ko energizer para galingan niya pag nakita ko? hayyy monggi nga to.

Nanuod ako saglit ng practice nila, after 10 minutes napagisipan kong umalis na at pumuntang dance studio para makapagpractice narin.

Malapit na ko sa dance studio ng marinig ko nanamang may tumutugtog galing sa music room. Ayoko na sanang pakinggan pero sadyang nadadala ako.

Yung boses, yung kanta, yung pagpapatugtog niya sa piano. Iba talaga ung dating. Bubuksan ko na sana ung pinto sa music room para silipin kung sino ung kumakanta ng biglang mahagip ng tingin ko si Jerus.

"Jeruuuuus!" pinilit kong sumigaw para marinig niya ko, pero diredirecho lang siya sa paglalakad kaya naisip kong lapitan nalang siya.

Tatlong beses ko siyang kinalabit pero parang wala siyang nararamdaman. Luh? Nakadrugs ba to? "HUY!!" sapat na siguro ung pagsigaw ko malapit sa tenga niya para marinig ako

"Anong klaseng drugs tinira mo?" napangiti lang siya. "Uyyy, unggoy! may problema ka ba?" pero di niya ‘ko pinansin.

"Aba! Taray ng kuya mo suplado sa personal, feeling mo artista ka niyan?" pagbibiro ko sakanya at natawa naman siya. Sabi na eh, fan ko talaga to si Jerus e lalo na pag nagjojoke ako. "Anong problema mo, Jerus?"

"Wala, tag-emo lang ang peg ko ngayon! Sige Hill, una na ko. Late na ko sa practice lagot na ko kay coach." natawa ko sa pagkakasabi niya ng "peg" hahaha. very bading. pero srsly? anong problema niya?

"Andito lang a---" bastos, wala na pala kong kausap.

Pakiramdam ko may problema tong si Jerus eh, Kayo guys? Alam niyo ba problema ni Jerus? 

Sabi naman kasi eh. Wag masyadong dibdibin ang problema! May likod naman eh. Lalo na kayo girls! Wag na wag niyong didibdibin ang problema try niyong sikuhin para di kayo flat chested! he he he. Tawa kayo please? kahit tatlo lang.

Pero teka, pakiramdam ko may nakalimutan akong gawin. Sinubukan kong isipin kung ano. "Ahhhhh, ung tumutugtog sa Music Room!" medyo napasigaw ako, nagtinginan ung mga dumadaan sakin. Luh? baka kala nila baliw na ko at kinakausap ko ‘yun sarili ko.

Bumalik ako sa music room, pero wala na. Wala ng tumutugtog, wala ng tao sa loob.

Sino ba siya? Gusto ko siyang makita. Gusto ko malaman kung sino siya. Sa boses niya, sa mga tinutugtog niya at paraan niya ng pagtugtog. Di kaya siya yun? Pero imposible. Isang malaking kalokohan iniisip mo Hillery! Hindi siya mapupunta dito.

Out of frustration, ginulo ko yung buhok ko. Ahhh, nakakabaliw.

When The Player Meets The Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon