Chapter 24

935 28 1
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR

HILLERY'S POV

Hindi mawala sa isip ko 'yun nakita ko a week ago. Yes, isang linggo na ang nakakalipas pero hindi ko parin maisip kung paano nagkakilala si Triv at Yuri. After that incident hindi ko na ulit siya nakita. That was the first time I saw him after leaving me. Gusto ko siya makausap , gusto kong malaman kung bakit siya umalis ng walang pasabi, gusto kong magtanong sakanya tungkol sa maraming bagay pero hindi ko magawa dahil wala akong lakas ng loob at kung gusto niya kong makusap matagal na dapat niyang ginawa.

Sa loob ng isang linggo halos si Rivas ang lagi kong kasama. Ang sarap pala sa feeling na kahit kayo na parang nililigawan ka parin niya. Rivas and I get along well . Almost everyday kaming magkasama yung tipong pinupunan niya yung mga panahong nawala siya. Sana hindi lang sa umpisa to. Sana.

Pero minsan nagtataka ko kung bakit may time na sobrang sweet siya sa'kin at minsan medyo nagiging off siya. Sa isang linggong kasama ko siya I felt nothing but happiness. Eto naman 'yun gusto ko di ba? Maging masaya kasama siya.

I love him so damn much that I will be so damn hurt once he left me again. Iniisip ko palang na mawawala siya pakiramdam ko aayaw na ko sa buhay ko. Sa totoo lang minsan iniisip ko kung bakit ganito ko siya kamahal.

Within that one week para akong grade schooler sa ginagawa ni Rivas dahil hatid sundo ako sa school. Palibhasa hindi siya nagaaral dahil nga umalis siya noon kaya hindi siya busy ngaun at ako ang kinukulit, kulang nalang sa condo ko siya matulog araw-araw, masyado ata siyang nawili nung pinagstay ko siya sa condo one night dahil gabi na at umuulan.

As a good girlfriend I'm after his safety kaya naisipan kong sa pad ko nalang siya patulugin. We slept on one bed but don't get me wrong we did nothing but to sleep. Wag kayong green! For God's sake. Hahaha

"Vien, are you done? Malalate ka na." sabi niya habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Like what I have said sinusundo nanaman niya ko.

"Yeah, just give me a minute." sagot ko sakanya at nagbihis na ko I just wear my usual comfy clothes, inayos saglit 'yun sarili ko tsaka ko binuksan 'yun pinto.

Akala ko makikita ko siya pagkabukas ko ng pinto ng kwarto pero wala naman siya kaya hinanap ko siya sa condo. Una kong pinuntahan yung sala pero wala siya. Tinignan ko sa kitchen pero wala din. Wala din siya sa music room ko. Pero narinig kong may nagsalita sa may bathroom malapit dito kaya naman lumapit ako.

"Oo, hahatid ko lang siya tapos pupuntahan na kita."

"Hindi hindi. Basta pupunta ako. Promise. Tapos sabay na tayo umalis."

"Ha? Ano? Ako mauuna doon? Bakit?"

"Sige na, baka nakalabas na siya ng kwarto. Bye ----"

Hindi ko na tinapos 'yun pakikinig ko dahil baka bigla siyang lumabas at makita ako. Kaya bumalik nalang ko sa may sala para maghintay, hindi ko alam kung bakit pero kinabahan nanaman ako.

Sino kaya 'yun kausap niya? Bakit kailangan niyang puntahan? Bakit kailangan pang sa CR siya makipagusap? Ang daming pumapasok na tanong sa isip ko pero hindi ko alam kung dapat kong itanong sakanya. Dahil kapag nagtanong ako malalaman niyang nakinig sa usapan nila at baka maging dahilan pa 'yun ng pagaaway namin.

"Ready baby? Tara na?" he asked medyo nagulat pa ako sa biglang pagsasalita niya nandito na pala siya kaya nagnod nalang ako.

Sabay kaming lumabas ng condo pero nauna siyang maglakad. Something's weird. Kaya naman sinubukan kong abutan s'ya.

"May problema ka ba?" tanong ko pagkalapit ko.

"Ha? Wala wala." he said. He looked so bothered while saying those words pakiramdam ko talaga may mali. "Oo nga pala, aalis ako." he added, bigla ko naman naisip 'yun narinig ko kanina.

"Saan ka pupunta?" tanong ko sakanya.

"Out of town. I'll be out for a week." sabi niya ng walang reaction ang mukha.

"So one week kang mawawala? Sino kasama mo?"

"Hmm. A friend of mine."

"Friend? Babae o lalaki?" I asked out of curiosity.

"Wag ka na ngang matanong Hillery." he shouted and I was taken aback saktong namang nakarating kami sa parking lot at dumirecho sa sasakyan niya. Akala ko pagbubuksan niya ko ng pinto pero hindi. I was a bit disappointed. He's being cold once again.

"Hindi na ko sasabay. Mauna ka nalang. May sasakyan naman ako." I said bago pa niya mabuksan 'yun pinto niya kaya naman napatigil siya. "Tutal di mo naman ako masusundo mamaya mabuti nadin na dalhin ko 'yun kotse ko." dagdag ko pa sabay lapit sakanya and gave a peck on his cheek. "Ingat ka nalang."

"Sorry." 'yan nalang ang tanging nasabi niya sabay pasok sa kotse niya at tuluyan na siyang umalis. Nice! Hindi man lang nageffort para pigilan ako.

"Maybe he's just having a bad day." sabi ko sa sarili ko pero sa totoo lang hindi ko maiwasan masaktan sa inakto niya.

Mag-isa akong pumasok sa RLU while having a tough morning. Umaga palang ganito na agad ang bungad what more hanggang mamayang hapon?

Naglalakad ako papunta sa room ng nakita kong magkasama si Melea at Riks sa may field. It's been awhile since the last time we talked dahil after niyang magdrama noon sa condo niya hindi na ulit kami nagkita. I was a bit disappointed with that thing pero iniisip ko nalang na first boyfriend niya si Riks at hindi pa niya kayang ibalance ang studies-friends-lovelife at the same time. I don't know what's going on between them right now but I saw them once in the mall eating their lunch on a fine dine resto. I didn't bother to disturb them, what's the use? Mukha namang ok na sila and she's happy with him. Sana lang talaga mali lahat ng iniisip ko diyan sa Riks na yan.

Dumirecho agad ako sa upuan ko pagdating ko sa room saktong naman na dumating din si Klein. Sa totoo lang ngayon ko lang ulit siya nakita, hindi ko alam kung malaki ba ang school o sadyang iniiwasan niya ko dahil tuwing English lang siya umaabsent ayon kila Jerus at ngayon lang ulit siya pumasok.

Nagulat ako nang bigla siyang umupo sa upuan niya, sa upuan kung saan ko siya katabi. Nagulat din ako ng bigla siyang tumingin sakin.

"Hillery, pwede ka ba makausap mamaya?" tanong niya sabay ngiti.

Shit! Totoo ba to? Si Klein kinakausap na ulit ako? Ibig sabihin hindi na siya galit sakin? Ibig sabihin ok na kami? Woooh. Thank you, Lord!

"S-si-sige." nauutal kong sagot sakanya.

"Bakit ka nabubulol patenten? Basta mamayang vacant mo punta ka sa gym. Hintayin kita." sabi niya pa at ngumiti ulit. "Anjan na si ma'am. Hihintayin kita mamaya." dagdag niya sabay ayos ng upo at nakinig kay ma'am

Samantalang ako lutang. Hindi parin ako makagetover. Kinakausap na ko ni Klein! Tinatawag na niya ulit akong patenten. OMG! Totoo ba to? Pakikurot ako please? At kung totoo man talaga to, salamat Klein.

Tinignan ko ulit si Klein sa tabi ko saktong tumingin din siya at nginitian ako, hindi ko alam pero napangiti din ako bigla.

"Makinig ka na kay ma'am. Di naman ako mawawala." sabi niya sabay pat sa ulo ko.

"Wag yung buhok ko Monggi!" kunwaring naasar na sabi ko sabay palo sa kamay niya pero deep inside natutuwa ako.

Kung badtrip ako kanina ngayon naman walang mapaglagyan 'yun ngiti ko. Hay monggi, salamat.

When The Player Meets The Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon