Chapter 6

1.4K 37 0
                                    

CHAPTER SIX

HILLERY'S POV

After ng confrontation namin ni monggi umuwi na rin ako pero nagpaalam muna ko kila Melea. Nauna narin daw umuwi si Yuri dahil maaga ang flight ngayon.

Almost 1 o'clock in the morning narin nung nakauwi ako. Hindi naman ako masyadong nalasing pero may tama ng konti.

Pagnaaalala ko tuloy yung nangyari kagabi natatawa nalang ako. Priceless yung mukha ni Monggi. Para bang nakakita ng multo. Sigurado namang hindi na ulit kami magkikita di ba? Sa laki ba naman ng Manila.  Hinding hindi ko na siya makikita!

Medyo effective din pala yung paglabas-labas mo kasama ang friends mo dahil kahit papaano I’m feeling better.

On the way na ‘ko papasok ng school. The usual get up. Jeans, V-neck shirt, Flats ang bag! Konting lipstick konting powder and viola effortless ang ganda ko. Charot! GGSS nanaman Hillery ano ba naman ‘yan.

It's Tuesday today,  so  it means free day ko tomorrow! I love Tuesday.

English first class ko ngayon. My favorite subject! Feeling first day dahil ngayon palang yung schedule for this subject. Alternate subjects per day kasi dito,  so twice a week lang ang meeting bawat subjects dahil 4 days lang naman ang pasok.

As I reached the car park pinark ko na lang agad ulit ung kotse ko. Di pa naman ako sobrang late pero mas ok nadin exact time pumasok. Transferee na nga ako magpapasaway pa ba? Not so me.

Naglakad ako papunta sa room and there effortless ang nilakad ko sa layo ng room ha.  Tsss. Papasok na sana ko ng nakita kong may prof na. Paktay ka Hill.

"Do you belong in this class?" medyo mataray na tanong ng prof.

"Yes miss. Sorry I'm late. New student po" pagpapaliwanag ko.

"Ok. Find a seat then introduce yourself at the front." sabi niya tapos naghanap ako ng pwedeng maupuan, sa may bandang gitna ako pumwesto since may vacant chairs pa naman tsaka ako pumunta sa harap.

"Hi my name is Hillery Vivien Pristilla, 18 years old from Fre-----" di ko natapos ‘yun sasabihin ko dahil may kumatok sa pinto.

"Sorry miss I'm late." I heard a voice coming from a guy, di ko siya pinansin dahil kinakabahan ako ni hindi ko nga tinignan kung sino yung kumatok sa lapag lang ako nakatingin at pinaglalaruan ang kamay ko.

"It's fine Mr. Romer. Find your comfy seat now. And you miss Hillery continue." Mr. Romer? His name or last name? sounds familiar.

"Hey, tuloy mo na daw yung pagpapakilala mo sabi ni Miss Marquez. Don't tell me di ka nakakaintindi ng English? Tssss" Bulong niya sakin, I face the guy, nanlaki yung mga mata ko. Halos magkalapit na magkalapit nakasi yung mukha namin konting galaw lang magkikiss na kami. Lumayo ako ng konti, pero sa paglayo ko mas lalong nanlaki yung mata ko sa nakita ko. Aykembelibit! I'm doomed. Si Monggi! Bakit siya nandito? Kakasabi ko palang na di ko na siya makikita tapos ngayon classmate ko pa siya? Seryoso ba to? Kung joke time to pakilabas na yung mga camera, please? Hindi magandang biro to.

“Huy, ituloy mo na daw.” sabi niya pa ulit sabay pisil sa ilong ko, dun lang ako nagising sa katotohanan. Totoo nga. Nandito siya, kaklase ko siya. “Sorry po ma’am kinakabahan kasi yung baby ko.” sabi niya sa prof.

Shet naman dre.  Baby? Kadiri.

Naalala ko bigla yung sinabi ni Mel last night sa bar. *Team captain ng RLU.* Shit oo nga pala, taga RLU siya bakit naawala sa isip ko ‘yon? Nakakainis, na sa sobrang inis ko napapikit nalang ako.

Lord, parusa niyo po ba to sakin? Naging mabait naman po ako ah? Lord, patawad. Pagka't ako'y makasalanan :(

"Ang ganda ni hillery noh?"

"Ang pogi talaga ni klein!"

"Kyaaaah. Magkakilala sila?"

“Malamang, baby daw eh.”

"Omg. Anong sinabi ni Klein sakanya?"

“Sila ba? Girlfriend ba siya ni Klein?”

"She's a flirt. She's flirting with Klein. Eww"

Kung ano ano naririnig ko mula sa mga classmate namin dahil sa ginawa niya. Tsss. Bwisit. Di pala nakakaintindi ng english ha? Ge monggi! Push mo yan! I composed myself "Once again I'm Hillery Vivien Pristilla, 18 years old transferee student from Frent University 2nd year irregular student major in Psychology." I said and give them a smile.

"So you're from Frent? Frent is a very nice school. Why did you transfer Hillery?" Usisa ni Miss

"I just find my life in Frent boring, I want change, I want to try new things and adventure ma'am" I answered sana pwede ding sabihin na “Ma’am lumipat po ako kasi gusto ko magmove-on.”

"Alright, you're from a great school and I heard you're a scholar I'm expecting you to do good in my class Hillery. You may sit now." She said. I just smiled at her for an answer

Pabalik na ko sa upuan ko ng mapansin kong may tao sa katabing upuan ko. Teka? Seryoso ba ‘to, hindi pa ba siya napapagod? Bakit dito  pa siya umupo? Dfish!! Eh ang daming upuan sa likod ah? Ugh. Nangiinis na ata to, eh. Pero no choice uupo nalang ako kesa magmukhang tangang nakatayo.

"Nice to see you again, Hillery" pacute na mukhang nangiinis na sabi ni monggi. Nginitian ko nalang siya ng pilit at di ko nalang pansin.

Nakinig nalang ako sa dinidiscuss ni Ms. Marques. Samantalang si Klei---errr Monggi? Ayun nakikipaglandian sa mga babae sa likod. Playboy nga talaga.

After 10 minutes nakikinig padin ako kay Ms. Marquez ng bigla akong kalabitin ni Monggi. Hindi lang isang beses. Mga lima ata. Papansin!

"Ano ba?" medyo napalakas at naiirita kong kong sabi sakanya.

"Any problem miss Pristilla?" tanong ni ma'am

"Nothing miss may masamang hangin lang po dito." Napapahiyang sagot ko.

"Hindi pa tayo tapos monggi! Tandaan mo yan!!" Sabi ko kay Klein. At saktong nagbell! Yes! Dismissed na.

Lumabas na agad ako ng room. Naaasiwa ako sa itsura ni Kle---este monggi! Oo mas bagay sakanya yung monggi! Medyo mahaba yung vacant time ko ngayon. Kaya kakain muna ko tutal gutom na ko.

Kanina lang sabi ko I love Tuesday ngaun I hate Tuesday na and will definitely hate Fridays too. At hindi ko narin favorite ang English. Laslaspusotuloangdugo.

When The Player Meets The Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon