Chapter 20

1.1K 26 12
                                    

CHAPTER TWENTY

HILLERY'S POV

Yesterday was one of the best day I ever had. Parang bawing bawi yung dalawang araw ko na walang tulog kumbaga I feel so alive again. After ng mala RomCom scene namin kahapon we did the usual date that couples do. Nanuod ng sine, kumain, naglaro ng arcade, kumain ulit at nagharutan all day. I won't ever regret giving him another chance. Sana lang wag niyang sayangin yun. Knowing him, he won't unless may mangyayari nanamang hindi inaasahan.

It's Sunday today, we decided to spend the day at my pad after going to church. We have a lot of things to catch up. Sabi ko sakanya magsimba kami sa church na hindi pa namin napupuntahan 'coz I believe in church wishes. Sabi kasi nila pag nagsimba ka daw sa simbahan na hindi mo pa napupuntahan magwish ka daw at magkakatotoo. After all hindi naman ako sa wishes umaasa, ang gusto ko si God ang maging center ng relationship namin.

Nung kami pa ni Rivas dati every Sunday kaming nagsisimba, walang patlang. That's why I believed na sobrang strong ng relationship namin noon at macoconquer namin lahat ng problema and we did! Everything was perfect between us halos hindi kami nagaaway but not until he left. Bigla naman akong nalungkot doon. Ang lakas din talaga ng epekto sakin ng paghihiwalay namin.

Bigla naman siyang nagsnap sa tapat ng mukha ko.

"Baby, you're idling. Di mo naman ata ako pinapakinggan eh." he said while looking at me pero saglit lang 'coz he's driving.

"Ah? Huh? May sinasabi ka ba? Sorry, may iniisip lang." pagpapaliwanag ko sakanya kahit medyo lutang pa ko dahil sa mga iniisip ko. "Saang church tayo pupunta?"

"Secret for now baby, you'll see later. Siguradong magugustuhan mo yung church na yon." after he said those words I turn the cd player on and realize what song is playing. I looked at him.

"I love you Rivas, I really love you so damn much. Don't leave me again." I said out of nowhere. Hindi ko rin magets yung sarili ko kung bakit ko nasabi sakanya yun. Siguro takot ako na mawala siya ulit.

He said nothing in return and as if on cue he hold my hand and tighten its grip. Hindi ko alam kung ano ba dapat maramdaman ko sa ginawa niya. All I want is to be with him. Him hugging me, holding my hands, kissing me. Just him. I love him so damn much that I can't afford to lose him again.

Pwedeng bang simula ngayon kaligayahan ko naman ang isipin ko? Eto na siya oh, kasama ko na siya ulit. Hindi pwedeng puro happy moments nalang at wala ng sa moments? Deserve ko naman maging masaya after all those stupid heartbreaks di ba?

"We're here." he said and guided me as I go out of his car

"Alam ko may mata ako." I said jokingly. Lumapit sakin si Rivas at hinawakan yung kamay ko. We're holding each others hand now. I felt volts ranging into my whole body. Iba talaga ang epekto sakin ni Rivas. I smiled at him.

"Uyyy, may kinikilig." pangaasar niya pa.

"Siraulo ka talaga." sabay hampas ko sa braso niya pero siya tinawananan lang ako "Asan ba tayo? Anong simbahan to?" I asked, nilibot ng mga mata ko yung simbahang nakikita ko ngayon. Sa labas palang sobrang ganda na what more sa loob?

"Tagaytay Vien and the church in front of you is San Antonio de Padua Church."

Seriously? ganun ba ko kaspaced out kanina habang nasa byahe kaya hindi ko man lang napansin na papunta kaming Tagaytay? Oh please Hillery, go back to your senses!

"Ang ganda. Let's go inside baka di natin maabutan yung mass" I said to remove the awkwardness.

We went inside the church, still holding each others hand. As we reach the door of the church my eyes were amazed as well as my whole body. Sobrang ganda niya. No words can explain how overwhelmed I am to what am I seeing right now.

When The Player Meets The Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon