Chapter 30

810 23 2
                                    

CHAPTER THIRTY

HILLERY'S POV

It's half past three in the afternoon. Nagising nalang ako kanina na andito na ako sa condo, sa kwarto ko to be exact. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito. All I can remember is, I was in the music room...crying.

Every time I remember everything I witnessed these past few days para kong tanga na bigla na lang maluluha. Masyado pading masakit para sa'kin yung nangyari. Pero kahit bali-baliktarin ko man ang mundo mahal ko padin si Rivas. I want to talk to him, I want to hear his side, gusto kong marinig mula sa kanya kung ano na ba kami, kung meron pa bang kami. Gusto kong marinig mula sa kanya lahat ng may kinalaman sa kanila ni Yuri. Sobrang tanga ko na ba para patawarin sya kahit hindi pa sya humihingi ng tawad? Ganito naman siguro lahat ng nagmamahal di ba? Nagiging tanga.

Kaya naman nag-ayos na 'ko para surpresahin sya sa bahay nila pero iniwan ko muna yung iba kong gamit dahil dadaan muna ako saglit sa coffee shop para bumili ng favorite nyang coffee at bread. Kahit may halong sakit at kaba ang nararamdaman ko pinipilit ko nalang maging maayos kahit papaano. Dito din naman ako magaling, sa pagpapanggap. Napailing nalang ako sa lahat ng naiisip ko. Alam ko naman yung totoo eh. Ayaw ko lang paniwalaan kase alam kong masasaktan lang ako.

Pagkabalik ko sa condo ko to get my things, I noticed an envelope sa may lapag ng pintuan ko. Agad ko naman 'tong kinuha at tinignan. Walang pangalan na nakalagay, baka mamaya hindi naman 'to para sa'kin. Ibaba ko na sana ulit pero there's a part of me na gustong tignan kung ano man yung nasa loob.

And that part won, I open the envelope. Tinignan ko kung anong laman at unti-unti sa pagtingin ko pakiramdam ko unti-unti din akong pinapatay. I regret getting this, I regret opening this. Pakiramdam ko sa pagtingin ko ng mga pictures na 'to wala ng pag-asang maging maayos pa kami. Iba't ibang pictures yung laman nito. It was Rivas with Yuri habang yakap ang isa't isa at mukhang ang saya sayang tignan, Rivas with Yuri having dinner, Rivas with Yuri kissing each other at ang huli... I was shocked, it felt like all my senses left me for a second, bigla kong nabitawan yung hawak hawak kong coffee and bread as well as the pictures pero agad ko naman itong pinulot. Para kong natangang natutula, trying to digest what I just actually see but I can't... Paano nangyari to? PAANO? PAKIPALIWANAG NAMAN SA'KIN! GUSTO KONG MALINAWAN! PAANO?

Matatanggap ko pa yung nakita ko kahapon eh, pero eto? Etong picture na 'to na si Rivas nakapatong kay Yuri habang walang suot na damit tanging kumot lang ang nakatakip, hindi. Hinding hindi ko matatanggap to! Hindi ko alam kung bakit pero walang luhang tumutulo sa mga mata ko. Sinusubukan kong ilabas yung galit ko sa pamamagitan ng pag-iyak pero tanging panginginig lang ang nangyayari sa'kin sa sobrang galit at sakit na nararamdaman ko. Nandito padin ako sa labas ng unit ko, hindi ako makapaglakad papasok. Pakiramdam ko anytime matutumba ako.

Pero ang mas ikinagulat ko kung bakit nakikitang kong papunta dito si Rivas, bakit? He was walking along the condo's hallway kaya agad ko namang inayos yung sarili ko trying to compose myself...to be normal, to act normal pero yung gulat at sakit na nararamdaman ko nandito padin. Sa totoo lang akala ko masusurprise ko sya pero hindi pala. Ako ang nasurprise. Nice!

Kumakaway kaway pa sya mula sa malayo habang nakangiti. Kung maayos lang sana kami malamang sinalubong ko na sya agad ng yakap pero hindi.

"Hi baby!" masiglang bati nya na parang walang problema, na parang lahat nasa ayos. Hindi ako nagsalita dahil pakiramdam ko maibubuhos ko sa kanya lahat ng galit ko, I know he's the reason but I can't hurt him. Damn, I was blinded by my love for him. "Bakit Vien may problema ba?" nagaalalang tanong nya sa'kin habang inaalalayan ako papasok ng unit ko pero hindi ako makasagot, I tried to open my mouth and speak pero ni isang salita wala akong masabi, para kong naputulan ng dila.

When The Player Meets The Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon