Chapter 26

918 28 24
                                    

(a/n)

At dahil birthday ko (5/27/14) may update ako, pero uunahan ko na kayo sobrang lame po nito dahil wala na ko sa wisyo.

Guys, pinagiisipan ko din kung itutuloy ko pa ba tong story na to or idedelete ko na. I know one comment from a reader isn't enough to end my passion in writing, pero pakiramdam ko nawalan ako ng gana. I don't know why pero naapektuhan ako.

Sa mga readers, kayo po magdedesisyon kung gusto niyo pa po bang ituloy ko to or hindi. Please, magcomment kayo! Ngayon lang 'to. :(

PS: Thank you sa bagong cover @Letmehaveyou17 :">

PPS: Babaguhin ko nadin po characters ng WTPMTGC :)

PPPS: Magcomment po kayo kung itutuloy ko pa ba tong story or wag na. Salamat po!

---

CHAPTER TWENTY SIX

HILLERY'S POV

After namin mag-usap ni Triv bumalik si Klein sa gym kung saan nya kami iniwan sakto namang nagpaalam na si Triv na mauuna na syang umuwi dahil may aasikasuhin pa daw sya. Pero bago sya tuluyang umalis tinawag nya muna si Klein dahil mukhang may seryoso silang paguusapan tsaka sila lumabas ng gym.

Kaya eto ako ngayon mag-isa sa loob ng gym at pinili kong pumunta sa may gitna ng court. Pinagmasdan ko yung buong paligid. Napangiti ako ng mapait ng bigla kong maalala si Rivas. He was a basketball player before he left.

Umalis sya kanina ng hindi kami maayos pero hanggang ngayon ni isang tawag o text wala man lang galing sa kanya. Nice! He's really good in playing with my feelings. Damn that guy, that guy that I freakin' love.

Sa totoo lang minsan natatawa nalang ako sa sarili ko, alam ko namang may posibilidad na tama yung mga sinasabi nilang baka masaktan lang ulit ako ni Rivas pero anong magagawa ko? Masyado ko syang mahal.

Napaupo ako sa gitna ng court na nanlulumo. Eto nanaman ako, parang batang inagawan ng candy ng kalaro at walang ibang magawa kundi umiyak na lang. Masyado na kong nagiging sensitive netong mga nakaraang araw lalo na pagdating kay Rivas, bakit ba ganito epekto sakin ng pagmamahal ko sakanya? Am I really stupid?

"Hillery, ok ka lang?" napaangat ako ng ulo at tinignan ko kung sino yung nagsalita, si Klein pala. Pero ngiti lang ang tanging naisagot ko sa kanya sana maintindihan nya na 'yon. "May problema ka ba?" tanong nya ulit tsaka sya pumwesto sa tabi ko kaya naman parehas kaming nakaupo sa gitna ng court.

"Kaya mo bang pakawalan yung taong mahal na mahal mo dahil nasasaktan ka na?" seryosong tanong ko sa kanya kaya napakunot naman sya bigla. "Wag mo nalang sagutin." nakangiting sabi ko tsaka naman ako tumayo at pinagpag yung pwetan ko tapos nagpaalalay sya sa pagtayo tsaka ako inakbayan. Gentleman ano po? tsss

"Hindi porket mahal mo yung isang tao magpapakatanga ka na. Matuto kang pahalagahan yung sarili mo bilang babae. Ok lang na magmahal ka pero wag sobra. Dahil sa huli kapag natapos ang laro niyo, ikaw ang talo at ikaw lang iiyak." direchong sabi nya na parang malalim ang pinaghuhugutan. Ilang sigundo pagkatapos nyang magsalita doon ko lang narealize na walang connect yung sinabi nya sa tanong ko pero ang mahalaga may natutunan naman ako. "Pag nasasaktan ka na bumitaw ka na lalo na kung nahihirapan ka na. Relasyon ang meron kayo hindi boxing match para masaktan ka." dagdag nya pa.

"Mahirap kasing bumitaw eh. Nasanay akong andyan siya lagi sa tabi ko." humarap ako pagkatapos kong magsalita, para 'kong batang nagsusumbong sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit ko sinasabi 'tong mga hinanakit ko kay Klein pero pakiramdam ko tama yung ginagawa ko.

When The Player Meets The Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon