Chapter 9

1.3K 33 1
                                    

CHAPTER NINE

HILLERY’S POV

After nung nagalit sakin si Klein halos dalawang linggo na niya kong hindi pinapansin. Kapag lalapit ako sakanya bigla bigla na lang siyang aalis.

Hindi ko naman gustong masabihan siya ng ganon, eh. Siya naman kasi may kasalanan. Madalas nakikita ko siyang may kasamang babae.

Ang chismis tuloy dito sa room, break na kami. Alam kong dapat akong matuwa doon pero hindi ko alam kung bakit sa tuwing pinaguusapan nila si Klein na may ibang babae, nanlulumo ako.

Nakokonsensya lang ako. Tama tama. Konsensya lang to.

Break time na ngayon kaya naman naisipan kong pumunta sa cafeteria para bumili ng lunch at kumain, naghahanap ako ng pwedeng mapwestuhan ng makita ako ng team mates ni Klein. Yes, medyo close ako sakanila dahil narin siguro na sobrang close kami ni Jerus at idagdag niyo pa si Klein na team captain nila.

“Hillery.” Tawag sa’kin ni Poul, napatingin naman lahat ng tao sa cafeteria sa’kin. Eto nanaman, ayoko nga sinabi sa attension di ba? Napailing nalang ako at lumapit sakanila.

Ang sasama nanaman ng tingin sa’kin ng mga babae. Inggit lang siguro sila.

"Lalim ata ng iniisip mo dude? may problema?" biglang tanong ni Riks kay Klein

"Problema? uso ba ‘yon sa'kin? ako si Klein. Pogi ,macho,mayaman,ma-----" rinig kong sabi niya.

"Matalino, captain ng Basketball. lalalala. wala ka na bang sawa sa tag line mo na yan, Monggi?" sabat ko.

"Kabuti ka ba?" sabi niya wow, first time niya ulit akong kausapin. Hindi rin niya siguro napansin na nandito ako dahil mukhang kasing lalim ng balon ang iniisip niya.

"Bakit?"

"Para ka kasing loro eh." omayg. Mukhang dito nahawa si Jerus ng kakornihan.

"Wow, may connect nga. nice. eto tatlong tawa para sa banat mo, ha-ha-ha. Ok na ba yan?" pangiinis ko sakanya.

"Alam mo Vivien kung andito ko lang para mang-asar pwede umalis ka nalang? nakakasira ka ng araw eh."

"Don't call me Vivien, hindi tayo close. At isa pa hindi ikaw pinunta ko dito. Yuck lang ha. Tinawag lang ako ni Poul at saktong hinahanap ko si Jerus." pagpapaliwanag ko.

"Kayo na ba ni Jerus?" sabay sabay na tanong naman nila.

"Isa pang yuck guys ha. pwede ba? nahahawa na ata kayo sa pogi pwe, macho isa pang pwe, mayaman ok mayaman ka naman talaga pwede na, matalino pwede nadin, at captain niyo sa basketball sa kakitiran ng utak. Babawiin ko na pala ung comment ko sa matalino kanina narealize kong hindi ka pala matalino." sabi ko at tinignan naman ako ni Klein na parang gusto kong kainin hindi ako nagpatalo at sinamaan ko din siya ng tingin.  

"Hep hep hep! Tama na yan. Baka kayo pa magkatuluyan, teka bakit mo hinahanap si Jerus? may date kayo?" singit na tanong ni Poul

"Guys, please. Yuck lang talaga. May kailangan lang akong itanong sakanya, malapit na college week dba? tatanong ko lang yung tungkol sa contest proper."

5 days nalang kasi simula na ng college week. Tapos etong si Jerus nawawala nanaman. Nanchichix nanaman siguro. pucha manang mana sa bestfriend.

Sa pagkakaalam ko 2nd day hanggang 4th day ang laban ng basket ball team tapos awarding at college concert sa 5th day. Ang hindi ko alam kung kalian ako magpeperform. Oh di ba? Mas alam ko pa schedule nila kesa sa’kin.

"Hindi naman kami lost and found para hanapin mo samin ang nawawala." inis na sabi ni Klein "At isa pa, hindi ka naman chix para pagaksayahan ko ng oras para kausapin."

"De hindi, bye baby monggi ;)" paalam ko sakanya at umalis na.

“Bye patenten! Patpaten na tingteng.” sigaw naman ni Klein at nagtawanan sila na kinainis ko naman. Psh

Pagkaalis ko sa cafeteria naglakad lakad nalang ako hanggang sa naisipan kong pumunta sa dance studio.

"Hi-lle-ryyyy! Hi-llerryyyy." speaking of the malandi, eto na pala.

"Oh? bakit parang hingal na hingal ka? anyare?" tanong ko sakanya

"Ehh kasi ano, nakita ko yung crush ko na chix ‘yun maganda. Mahal ko na ata siya Vivs." sabi ni Jerus nawith matching hawak pa sa puso.

"Nagandahan ka lang, mahal mo na..Siraulo ka talaga! Hindi pedeng puro ganda lang dapat may utak din." pagsesermon ko saknya.

"Kung hindi ko siya mahal ano tong nararamdaman ko?"

"Lust siguro, ganern!" pangaasar ko.

"Hindi naman ako ma-L ha? fuck bat ba kita kinakausap ng ganito, awkward!"

"Sakin ka pa nahiya? eh sa buong isang buwan na lagi tayong magkasama pati ata pag-utot mo sinasabi mo pa sa’kin."

Totoo ‘yun! dinaig pa ata niya reporter sa pagrereport sakin ng mga ginagawa niya araw-araw.

"Eh alam mo namang kasing ikaw lang bestfriend kong babae eh, tsaka alam mo na. May kasalanan din ako sa’yo." muntangang sabi niya.

"Ano nanaman ‘yun? May kinama ka nanaman kagabi?" yeah, against ako pagiging malandi niya tulad ng BEASTfriend niyang si Klein. May pagasa pa kasing magtino ‘to di tulad ni Klein mukhang wala na.

"Hindi Hill, eh ano kasi. Ano... si ano. shit! ano ba to."

"Ano nga? Ano ka ng ano, nakakaano ka na ha! anuhin kaya kita jan?" naiiritang sabi ko sakanya

"Eh ano kasi, sorry hindi ko agad nasabi sayo."

"Putcha Jervis ano nga???"

"Uuwi sila Rivas at Triv sa Friday." direchong sabi ni Jervis pero hindi nakatingin sakin.

"Ha?"’ 'yan nalang ang nasabi ko.

I was shocked, ayaw mag sink-in sakin nung sinabi niya. Si Triv ang bestfriend ko at Rivas na ex ko uuwi na galing states. OMGWTFBBQ. And yes, you read that right, bakit niya alam?

Simple lang dahil pinsan niya ang dalawa. At ‘yon din ang dahilan kung bakit kami naging close masyado.

Triv at Rivas ang dalawang taong importante sa buhay ko pero iniwan ako. At ngayonn, babalik na sila. Ano ng mangyayari sa'kin? Hayyy.

Imbis na dumirecho ako sa dance studio pumunta ako sa car park at pumunta sa Riks.

Sabi ko noon sa sarili ko na kalimutan  na ang dapat kalimutan at iwanan na ang dapat iwanan. Pero mukhang hanggang dito sinusundan padin ako.

Ano ba’ng ginawa kong masama? Nag mahal lang naman ako, ah. Ano bang masama sa pagmamahal?

Hinayaan ko yung sarili kong malasing sa pagkakataong ‘to, kahit ngayon lang. Gusto kong makalimutan ang lahat. Akala ko kasi nung una ayos na ko, pero marinig ko lang yung pangalan niya bumabalik nanaman lahat ng sakit.

When The Player Meets The Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon