Chapter 15

1.4K 28 2
                                    

CHAPTER FIFTEEN

HILLERY'S POV

It's Monday so it means first day na ng College Week. Yes! Walang klase yet nasstress ako!

Sa 5th day pa ang performance ko for the troupe. But unexpectedly ilalaban ako ni Ms. Fajardo sa isang dance contest daw. Hindi ko naman na daw kailangan magtrain ng sobra dahil she trusts my capability as a dancer and guess what, sa Wednesday na nakaschedule ‘yun laban at ngayon lang niya sinabi sakin. Dagdag stress diba?

Monggi and I started to get along as friends. Text, chat, tweets name it. Masaya din naman pala siyang kausap. We're good. No dull moments with him, tho iniinis padin niya ko sa "Patenten" thingy niya. May game ata sila bukas, nalaman ko lang kay Jerus. Don't get me wrong di ko siya type.

Hanggang ngaun pinagiisipan ko padin yung deal namin ni Melea, tama bang gumamit ako ng ibang tao to move-on? To ease the pain?

Well speaking of sakit. Rivas and I talked last Friday when he caught me at the lobby. Yes, it was him. Siya ‘yun tawag ng tawag sa pangalan ko noon.

*Flashback*

"Vien wait!" pagpigil niya sakin sa pagpasok

sa elevator ng condo.

"What?" I  said and sounded annoyed.

"Can we talk?"

"Wala na tayong dapat pagusapan Rivas."

"Meron Vien, we need to talk about us." pagpipilit niya.

"Stop calling me Vien! Wala ng tayo. Deal with it." I said and pushed him. Ayokong ipakita sakanya na hanggang ngayon malakas parin ang epekto niya sakin.

"You've change a lot, Vien. Why?" he said after niyang makabawi sa pagtulak ko sakanya.

"People change after being hurt and you hurt me so much."

"Please, let's talk even just for awhile."

"Is 10 minutes enough?" I surrender, he's Rivas. He'll do everything to get what he wants.

"No, 30 mins. Final! Let's go somewhere else, hindi magandang magusap dito." he said. Authoritative Rivas at its finest.

"Dun tayo sa coffee shop. After 30 minutes aalis na ko. May pasok pa ko bukas."

Then we went to the coffee shop to talk. Pagpasok namin he looked for a comfy place, then left me there para magorder.

After he got our orders he went back to our seat, napangiting aso nalang ako sa inorder niya. The same orders when we're still together. Damn you, jerk.

I looked at him without being notice. He's still the same guy I loved 3 months ago scratch that because I still love him. Medyo gumwapo pa siya ngayon, epekto siguro ng states. His tantalizing eyes, his smile, his nose, his lips. I missed everything about him.

"Done checking me out?" he said leaving a grin on his lips.

Umayos ako ng upo at hindi nagpahalata but then he giggled. Galit ako, dapat galit ako ngayon.

"20 minutes remaining." I said.

"Bakit ka ba nagmamadali Vien? Hindi mo ba ko namiss?"

This twat! ang kapal ng mukha pagkatapos akong iwan gaganituhin ako? He’s unbelievable.

"You left me without a single word, then now what? Bigla kang susulpot tapos tatanungin kung namiss kita? Siraulo ka ba?" he's hopeless! nakakagago!

"I'm sorry, I didn't had the chance to talk to you. Everything was so sudden that time. Nagulat nalang ako ng sinabi ni Mom na magimpake ako dahil aalis kami papuntang states." pagpapaliwanag niya.

"May facebook Rivas, may e-mail, may iMessage, may wifi naman siguro don diba? Kung hindi pa pinagtanong ni Mel hindi namin malalaman."

"Sorry, nawala sa isip ko. Gulat at gulong gulo ako that time." he's eyes become watery. "I still love you Vien, bigyan mo ulit ako ng chance. Hindi na ko aalis ulit." he pleaded

"Sorry? Ganun lang ba kadali yun? 3 months Rivas, 3 months ang lumipas ni isang salita mula sayo wala akong natanggap! Tapos ngayon sasabihin mong mahal mo pa ko? Sa tingin mo maniniwala ako?"

"Vien, please. Give me a chance to prove it. I'll do everything just to win you back."

There's no room for lying this time. sobrang bigat ng nararamdaman ko. I wanted to hug him but I can’t and I won’t,

"I still love you but I am learning to love myself more.If you want your chance, sorry I can't give it to you this time."

"Vien..."

"Hayaan mo munang maghilom ‘yun sakit na nararamdaman ko Rivas, masyadong masakit. Gaya ng pag-alis mo, pakiramdam ko umalis din yung kalahating pagkatao ko simula nung iniwan mo ko." Paliwanag ko sakanya at hindi ko na napigilang umiyak, wala na ‘kong pakielam kung maraming tao dito.

"Pero ‘yun kasama mo kanina? Sino siya sa buhay mo? Why did he kissed you?" he asked halatang gustong gusto makahanap ng sagot.

Bigla kong naalala ung nangyari kanina, at di naiwasang mapangiti. Para kong tanga, umiiyak pero nakangiti.

"Si Klein, he's a friend of mine. We just had our friendly date, nothing more." pero mukhang hindi siya satisfied sa sagot ko. "I'm trying to bring back the old Hillery, the bubbly Hillery one. I lost her when you left me."

"I'm sorry. It's my fault. Everything was :( I hope I can still have you."

"Not now and I don't know if you can still. Rivas, I was so damn hurt. Hindi ganon kadaling bumalik sa taong nakasakit sayo ng sobra. Madali para sayo yung sitwasyon kasi hindi ikaw yung naiwan." I tried my best to compose myself "I still love you, but I guess I have to let this emotional bruise to heal first."

"If not now, when?" he asked.

"Hindi ko alam. Masakit kase ang maiwan bigla. Lalo na pag hindi mo alam ang dahilan." after telling those words I stand up. "I have to go. May pasok pa ko bukas."

I didn't bother to let him respond. I left him inside. Akala ko ok na ko kahit papaano, akala ko kaya ko na. Pero tanginangshit lang sobrang sakit padin pala.

Totoo nga siguro yung sabi nila na kapag naging masaya ka may lungkot na kapalit yun. Kanina masaya ko kasama si Klein pero biglang nabawi dahil kay Rivas.

*end of flashback*

"Hello!! Earth to Vivien!!" huh? what?

"Hala, buti nakapasok ka ng sabog? bawal yan dito patenten!" that hits me! tulala pala ko mula kanina.

"Mga siraulo, tsaka what? sabog? siraulo ka ba? sa tingin mo nagddrugs ako?" sunod sunod na tanong ko at sabay natawa ang magbabarkada, kumpleto pala sila.

"Alam mo babe, sabi kasi sayo wag mo ko masyadong iniisip mahal kita." babatukan ko na sana tong monggi na to ng biglang umepal si Jerus

"Hephep. Bawal PDA dito! dun kayo. shoo shoo!" sayang! di ko nabatukan si Monggi.

"Epal, yun na eh. Konti nalang! Teka bakit ba kayo nandito at nambbwisit? diba may game pa kayo bukas, bakit di nalang kayo magpractice?"

"Magppractice naman talaga kami, kaso nakita ka namin na parang tangang tulala dyan!" sabi ni Jerus, aba nakakahalata na ko ha. lagi nalang akong sinasabihang tanga netong monggi.2 "Vivien, may problema ka ba?" biglang nagbago yung tono ng boses niya, parang nag-aalala.

"Ha? wa-wala. O-okay lang ako." tumayo na ko, kailangan ko ng makaalis dito. "Sige, alis na ko. Kailangan ko pa magpractice. Goodluck sa laro niyo bukas ha."

Galing ko talaga magsinungaling pagdating sa nararamdaman ko. Sana nga ok lang ako.

When The Player Meets The Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon