Chapter 17(Part2)

1.2K 29 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN (PART 2)

HILLERY'S POV

After ng nakakabaliw kong peg kanina, pumunta nalang ako sa studio para magpractice. Bukas na yung laban ko, kakayanin ko kaya? Matagal narin kasi simula nung huli akong sumayaw sa harap ng madaming tao.

Asan na nga ba ako ngayon? Ahhh, nasa canteen. Anong ginagawa ko dito? Tumatumbling -___- he he he. Joke yan. Tawa kayo please?

Sa pagkakaalam ko kanina pa nagsisimula yung laban nila Klein. Gaya nga ng sabi ko, hindi ako pupunta. Busy ako! Busy sa pagkain *^_^* hihihi

Tsaka isa pa kayang kaya naman ng RLU BV yan! Kahit nakaka-BV sila naniniwala ako sa kayabangan nila este sa kakayahan nila sa basketball.

"Grabe noh? Ang laki ng lamang ng Frent." narinig kong sabi nung isang babaeng kakapasok lang ng cafeteria.

"Oo nga friend, bakit kaya ang tamlay ni Fafa Klein? Imposibleng may sakit, kasi mukha naman siyang ok."

"Di kaya may inaasahan siyang manunuod? Grabe, may special someone na pala si Fafa Klein. Paano na ko?" medyo nagulat ako sa sinabi niya.

*di kaya may inaasahan siyang manunuod?*

"Ahhh. Miss? Anong quarter na ‘yun game ng basketball?" tanong ko sakanila, di ko na napigilang makichismis.

"Malapit na matapos 3rd quarter. Tambak na nga RLU eh. Si Klein kasi ang tamlay maglaro." sagot nung babae.

"Ah, sige salamat ha?" umalis na ko ng cafeteria pagtapos kong magpasalamat.

Naalala ko yung sinabi ni Klein kanina...

"Usap tayo mamaya. Basta manuod ka ng game. Aasahan kita. Di ko gagalingan kapag di kita nakita."

*Aasahan kita. Di ko gagalingan kapag di kita nakita.*

*Di ko gagalingan kapag di kita nakita*

Hayyyy nako Klein Jervis Romer. Hindi sa feeler ako o ano pero Monggi ka talaga!! Monggi monggi monggi!

Dahil don agad akong pumunta sa gym at OMGWTFBBQ sobrang daming tao as in!!! Pero ung mga mukha nila nanlulumo. Wala na bang pag-asa? Tinignan ko ung score board. 79-100 in favor of Frent. 2 minutes para matapos ang 3rd quarter.

Pumwesto ako sa malapit sa gate pero hindi ako masyadong kita. Pinanuod ko ‘yun laro nila. Saktong na kay Klein ang bola, saglit siyang napatingin sa mga nanunuod tila may hinahanap at sapat na oras na un para maagaw sakanya ung bola.

Hayyy, Klein! Siraulo ka talaga. Isa't kalahating Monggi ka. Ang luwag na ng turnilyo mo sa utak.

*bzzzzt bzzzzt*

From: Melea Bubuyog

Beee, grabe si Fafa Klein mo! Patalo ng laro. Nanunuod ka ba?

Nagreply naman ako agad kay Mel. Aba! di ko kayang mag-isa lang dito noh. OP? OP?

To: Melea Bubuyog

Yep, I'm here near the gate. Puntahan mo ko dito.

*message sent*

Hindi na ko nakareceive ng reply from Mel saktong nakita ko siya na malapit na kaya tinaas ko yung kamay ko, sapat na para makita niya ko.

"Beee, I missed you!" sabi ni Mel pagkalapit niya sakin. "Alam mo ba ung Fafa Klein mo patalo? Kanina pa mukhang may hinahanap.... Teka! Kakadating mo lang ba?"

"Oo." nanlaki yung mata ni Mel at napailing nalang siya.

"Ahh. Gets ko na kung bakit. Lakas ng tama sayo ni KJ ha?" sabay bungo sa braso ko. "Cheer mo na si Klein, mukhang kanina ka pa hinahanap eh."

"WTF? KJ? hahahahahaha. Parang Kill Joy lang. lol. Tsaka duh? Girlfriend ba ko para icheer siya?" natawa talaga ko ng very hard sa KJ na yon.

*prrrrrrrt prrrrrrr*

Hudyat na ‘yun pito para magsimula na ang 4th quarter. Score? 79-102 in favor of Frent. Sapat pa ba ung sampung minuto para makahabol?

"Beee! Icheer mo na si Klein, mukhang hinahanap padin energizer niya oh!! Sige na, kahit para sa RLU nalang." pagmamakawa sakin ni beee.

*kahit para sa RLU nalang*

*kahit para sa RLU nalang*

*kahit para sa RLU nalang*

Ano ba naman kasing kaartehan meron ka Klein? Daig mo pa babae! Huminga ako ng malalim. Para sa RLU!!

"HOY KLEIN JERVIS ROMER! AYUSIN MO NAMAN YANG LARO MO! HINDI TAYO PWEDENG MATALO, MONGGI!!!!!!" sobrang lakas ata ng pagsigaw ko dahil pinagtitinginan ako ng mga nanunuod. ahhhh!! makakahiya ka Hillery.

Tinignan ko si Klein saktong nakatingin din siya sakin habang nakangiti, ngiting aso! So, I therefore conclude that he's not worth the embarassment afterall. kaya inirapan ko lang siya. Pero siya naman nakangiti sabay hampas sa dibdib at bigla akong tinuro. Ewww.

When The Player Meets The Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon