Chapter 33

681 22 10
                                    

CHAPTER THIRTY THREE

HILLERY'S POV

Pumunta lang kami sa park nung nakaraan ni Klein. I was with him the whole day that day. 2 days had passed and still we're going good. Hindi naman namin na napagusapan ulit yung about sa deal.

Actually, andito nga ngayon si Klein sa condo ko. Kala mo welcome na welcome sa loob. Nagulat na lang ako nung biglang may kumakatok sa pinto. Wala naman akong ineexpect ma dadating buti na lang nakaligo na ko nung dumating sya.

"Let's go." pag-aya nya. And yep, aalis daw kami. Ewan ko nga lang kung saan nanaman ako dadalhin netong monggi na to. Tsss

**

After hours of travel... No, scratch that! Hindi hahaba ang byahe namin kung hindi kami nagpaikot-ikot. Hindi ko alam kung ano bang problema nito ni Klein at kung saan saan naglulusot.

Automatic na napasingkit yung mata ko sa inis when I saw him enter Brump's Mall parking lot. Akala ko naman kung saan kami pupunta ni Klein, 'yun pala dito lang. Okay?! Bakit feeling ko disappointed ako? Psh.

"Siraulo ka talaga! Dito lang pala tayo pupunta." inis na sabi ko sa kanya sabay hampas sa braso nya.

"Chill Patenten! I did that on purpose. May sumusunod sa'tin kanina." nakangising sabi nya, medyo nagtaka naman ako. Pero may sumusunod sa'min? Sino?

"Sino?" I asked him out f curiosity but he just smiled na parang nanalo sya sa pakikipagtaguan. "Huy! Sino?" pangungulit ko sa kanya hanggang sa nakapagpark na sya ng sasakyan at bumaba kami.

"Ayaw mo magsalita, edi wag." sabi ko ulit sabay irap at nauna akong maglakad sa kanya.

I was about to enter the mall when I notice that Klein wasn't at my back. Ni hindi man lang nya ko sinundan? Nakakainis. Kanina pa ko naiinis sa kanya kaya naman iniwan ko na sya at naunang pumasok sa loob.

Tumingin ulit ako sa likod ko at nakita ko si Klein na nasa labas pa ng entrance ng mall at may kausap sa phone habang nakikipagtawanan. Almost 3 minutes na kong nakatingin sa kanya mula sa kinatatayuan ko at sa wakas napansin din ako ni Klein habang nakataas na ang isang kilay ko na para bang inip na inip at inis na inis na sa paghihintay sa kanya.

He just gave me a smile na para bang wala syang ginagawang kainis-inis tsaka nya ibinaba na yung cellphone nya then he went inside the mall habang patakbong lumapit sa'kin ng nakangiti. But its too late, waepek na sa'kin 'yang charm mo Monggi dahil inis na 'ko.

"Wag na init ulo baby." halos pakanta nyang sabi habang nagpapacute at inakbayan ako. Pero imbis na matawa ako sa kanya nainis lang ako lalo at tinanggal ang kamay nya sa braso ko. "Wala na ngang araw pero mainit pa din ulo mo." natatawang sabi nya.

"Wala ako sa mood, Klein." inis na sabi ko sa kanya.

"Sorry na ok? Anong gusto mong gawin para mawala na yang init ng ulo mo?" tanong naman nya habang nakangiti.

"Gusto ko ng umuwi." I answered and turned my back on him ko pero di pa ko nakakalayo when I felt his arm around my shoulder.

"Sorry na Patenten." he said pero hindi ko sya pinansin "Gusto mo pa ba kong lumuhod dito para patawarin mo 'ko?" napangisi naman ako sa sinabi nya dahil imposibleng magagawa nya yon. Si Klein the great player, luluhod dahil lang naiinis ako? IMPOSIBLE.

He didn't left a single word again after saying the impossible thing that he would do kaya naman itinuloy ko ang paglalakad ko. I was near the exit of the mall when I stopped walking and realized that he's not at my back and for the second time ni hindi man lang ako sinundan? I knew it. Hindi naman nya magagawa 'yon. Siguro para kay Yuri, OO.

When The Player Meets The Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon