Chapter 31

829 31 10
                                    

CHAPTER THIRTY ONE

HILLERY'S POV

After he called Yuri's name, I dialled Triv's number, thinking maybe he can help. Maybe he can carry Klein back where he should be. Pero halos isang oras na wala pading sumasagot.

Good God, why did you have to let me experience two miseries in just a day? First, yung breakup namin ni Rivas and now pagaalagain mo ko ng lasing? Oh my fudge lang talaga.

3:30 na ng madaling araw, still eto si Klein nakahandusay sa mat ng sala ko. Hay, bahala na. Sinubukan ko syang alalayan patayo pero sobrang bigat nya.

"Makisama ka naman, Monggi. Hindi ka magaan." frustrated na sabi ko sa kanya.

I tried to get him up again and this time nagtagumpay ako. Kailangan lang palang kausapin. Pero nung nakatayo na kami habang inaalalayan ko sya parang hinang hina sya habang bahagyang nanginginig. Saglit ko syang inupo sa sofa. I tried to check him, hinipo ko yung noo nya. Oh my fudge ulit. Nilalagnat si Klein. No. Scratch that! ANG TAAS NG LAGNAT NI KLEIN! What am I gonna do now? Natataranta ako.

Inalalayan ko ulit sya patayo, kailangan ko syang madala sa kwarto. Go Hillery, breathe in... breathe out! Kaya mo yan. Unti unti ko ulit syang naitayo at unti unti nadin kaming naglalakad papunta sa kwarto.

"Chill, Klein. Malapit na tayo." I said habang naglalakad kami, napaubo naman bigla si Klein na kinamuntik namin ibagsak dahil ang hirap magbalance lalo na kung mabigat yung dala dala mong tao.

'Hinga Hillery. Kaya mo yan' pagchecheer ko sa sarili ko. First time kong mag-alaga sa may sakit na lasing, "Ano ba kasing ginawa mo sa sarili mo Klein. Kainis naman eh." pagmamaktol ko kahit alam kong hindi nya ko naririnig.

Pagdating namin sa kwarto agad ko naman syang hiniga. Ano ba dapat gawin sa taong may sakit? Isip Hillery, isip! Pero fudge wala akong maisip masyado ng pagod yung utak ko ngayong araw. Kinuha ko yung cellphone ko at nagsearch kung paano mag-alaga sa taong may sakit.

Kailangan ko daw syang punasan gamit ang maligamgam na tubig. So I did. Nag-init ako ng tubig pero maya't maya kong chinecheck si Klein sa kwarto. After kong mag-init ng tubig agad agad akong pumunta sa kwarto with the basin and towel. Good Lord, guide me.

Sinimulan ko ng punasan yung mukha nya. Sa totoo lang, ngayon ko lang sya natitigan ng ganitong katagal. Parang sobrang peaceful ng pagtulog nya na parang ang bait bait nyang tignan. His angelic face catched my attention. His pointed nose, his long eyelashes, his perfect cheeks, his pinkish lips... and his chinky tantalizing eyes na hindi ko makita dahil nakapikit sya. Yung mga mata nyang parang kumakausap sa'yo every time he looks at you. He's perfect, para syang Greek God. Napailing na lang ako bigla. Focus Hillery, kailangan mong mapababa yung lagnat nya.

Agad ko naman syang pinunasan sa mukha at braso pero paano yung katawan nya? I tried to open his two buttons dahil naka rundown polo naman sya pero hindi sapat para mapunasan sya.

'Pupunasan mo lang sya Hillery, hindi mo sya rerapin.' sabi ng konsensya ko. 'Depende na lang kung gusto mo. Hihihi' biglang pop-out sa isip ko. Geez. 'Wag kang manyak ok? Galing ka sa break-up tapos ngayon nagaalaga ka ng lasing kaya manahimik ka.' inis na sagot ko sa konsensya ko.

Gahd Hillery, nababaliw ka na. Makipagusap ba naman sa sarili? Pero I have no choice kailangan ko talaga syang punasan. My hands were trembling while unbuttoning his polo, I was in the last button ng biglang gumalaw si Klein pero hindi sya nagising. My heart was pounding so hard. Damn Klein.

I look at his polo again and what the fudge my pandesal. Agad akong napatakip ng mukha dahil hindi ko alam kung mata o bibig ko ba ang dapat kong takpan. May abs sya... Hindi ABS na 'A Big Stomach' but it was a six pack abs. Oh my freaking fudge porn to! PORN! OMG.

When The Player Meets The Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon