Chapter 2

1.9K 39 6
                                    

CHAPTER TWO

HILLERY'S POV

Umalis ako sa McDo ng bwisit na bwisit. Monggi talaga yung lalaking 'yon. Dahil sa kanya hindi padin ako nakakakain. Hurt hurt. Ang sarap nyang pagtatagain!

Makapaggrocery na nga lang muna siguro para maging productive 'tong araw ko at magoodvibes ako, nakakainis talaga yung kutong lupa na 'yon.

*growl growl kruuuuu*

Ha? Ano yung tunog na 'yon?

*growl growl kruuuuu*

Ayan nanaman siya. Pinakinggan ko ng maiigi kung saan nanggagaling yung tunog.

*growl growl kruuuuu*

Doon ko lang narealize na yung tyan ko pala yung tumutunog! Hala naman. Gutom na talaga ko. Di lang ata gutom. Gutom na gutom na gutom na. Peste kasing mongging 'yon eh. Di tuloy ako nakakain!

At dahil sa gutom na talaga 'ko bumalik ako ng McDo! Hindi pwedeng hindi ako dito kumain, noh. Andito kaya favorite fries ko! Yummehbeybe. hihihi

Bago ako umorder tinignan ko yung paligid ko, wala na sigurong pesteng hahatak nanaman sa'kin di ba? psh.

2 piece chicken, 1 coke float, 1 large fries at 1 sundae only for meeeee! Hindi naman madami 'tong order ko 'di ba?

Sa sobrang tuwa at gutom ko halos ilang minuto ko lang kinain yung orders ko at sa wakas masaya akong nakatapos sa pagkain. Success!

*burp*

Hihihi. Excuse me po. Busog lang!

I grabbed my phone again for the nth time. Hindi ko alam kung bakit gusto gusto kong hinahawakan yung cellphone ko lalo na sa public places kapag mag-isa ako. Pakiramdam ko kasi ang awkward kapag mag-isa ka. I really hate being alone.

As I grab my phone, I tweeted again. "I'm full! Still here at BM. BV dahil sa. ugh Never mind! Grocery in a bit ;)"

I was about to keep my phone pero biglang may notification na lumabas, it was from Melea and I excitedly open it.

"@hvpristillaxx: beee wer r u? I'm also here!!!"  Mel tweeted, it's been awhile since the last time we saw each other, lately kasi sobrang naging busy siya for enrollment pero dati madalas nasa condo ko siya to check me if I'm fine, hindi niya ko iniwanan nung mga panahong kailangan ko ng kaibigan kaya naman nagreply agad ako sa kanya.

"@mnocampo3: McDo atm beee. I'll wait for you!"

"@hvpristillaxx: Omwthere. I think you owe me a story. Lalo na yung nangyari kanina! ;)" she said at napaisip naman ako sa kung anong nangyari kanina. Isip isip isip Hillery.

OMGWTFBBQ. Nandito ba siya kanina? Nakita niya ba yung nangyari? Hala, seryoso? Eh kung nakita nya 'yon, I'm doomed. Shitness overload daig pa naman niya si Kuya Boy at Kris Aquino sa pag iinterogate.

Nagdadrama pa 'ko ng mapansin ko siya sa may entrance ng McDo mabilis pa sa kidlat 'tong babaita na 'to. I raised my hand para makita niya kung nasaan ako, hindi naman siguro siya shunga para hindi ako mapansin di ba?

"Beee. I missed you so much" sabi niya sabay beso at hug sa'kin.

"I missed you too, bestfriend!" I said and hug her back.

Yes! She's my bestfriend. Meet Melea Nicole Ocampo. I call her Mel at pagnaiinis ako I call her MELEA NICOLE buong buo walang labis walang kulang. 18 years old. Independent living din katulad ko. Idol ako niyan eh! Hahaha. Kidding aside, she's shopaholic, she loves hunting boys lalo na sa malls at bars pero NBSB! She also loves partying. Studious din 'yan pero hindi lang halata. May pagka maarte na isip bata ewan ko ba kung bakit ko naging bestfriend 'yan! Total opposite ata kami. Well, I do believe now that opposite attracts, at applicable 'yun sa'min ng bestfriend ko.

When The Player Meets The Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon