Chapter 23

946 24 4
                                    

CHAPTER TWENTY THREE

HILLERY'S POV

Ang ganda talaga ng panahon ngayong gabi na 'to. Ang sarap tumambay dito sa balcony ng condo ni Mel. Kitang kita mo 'yun langit. Kitang kita mo 'yun buwan at mga bituin na kumikinang.

Danadamdam ko ung simoy ng hangin ng biglang may nagdoorbell, even though I don't want to leave in this place I have to because I need to open the door. Umalis kasi si Mel, she went to the nearest convenient store para bumili ng snacks namin. S'ya na siguro 'to.

Pero pagkabukas ko laking gulat ko nang iniluwa ng pinto ay si Klein.

"Hillery, sorry." sabi niya sabay yakap sakin.

"Ha? bakit ka nagsosorry? wala ka namang ginawa, ah." nagtatakang tanong ko sakanya

siya naman humarap sa'kin at hinawakan ako sa dalawang braso ko.

"Sorry, kasi mahal na kita. Hillery iwan mo na ung boyfriend mo. Niloloko ka lang niya." bigla akong nanlambot sa mga sinabi niya. Bakit niya sinasabi 'tong mga to? Anong gusto niyang palabasin?

"Hindi. Hindi ako lolokohin ni Rivas. Hindi totoo yan Klein. Mahal ako ni Rivas." pagpapaliwanag ko sakanya pinipilit kong hindi ipakita na nasasaktan ako sa mga sinasabi niya. Alam kong hindi magagawa sa'kin ni Rivas ang mga sinasabi niya. Mahal ako ni Rivas hindi niya 'ko lolokohin.

"Totoo ang sinasabi ko, niloloko ka lang niya. Hillery, ako nalang. Mamahalin kita, hindi kita lolokohin." naiiyak niyang sabi sabay yakap sakin.

"Hindi totoo yan!" sigaw ko sakanya habang umiiyak at pinagpapapalo ung dibdib niya.

"Hillery, maniwala ka. Sinasabi ko sa'yo 'to dahil ayokong masaktan ka dahil mahal kita." tinignan ko siya, mata sa mata.

Unti unting lumalapit ung mukha niya sa mukha ko. Eto na ba 'yun pangatlong pagkakataon na hahalikan niya ko? Pumikit ako. Hinihintay kong dumampi 'yun mga labi niya sa mga labi ko.

"HOOOOOOY HILLERY!" narinig kong sigaw ng isang babae. Hindi ko siya pinansin at hinihintay ko padin 'yun pagdampi ng mga labi ni Klein sa mga labi ko.

"HILLERY, tumayo ka na diyan oh. Please lang." sigaw nanaman nung babae habang inaalog ako, istorbo naman 'to! Pero hindi padin niya tinatantanan 'yun pagaalog sa'kin kaya napadilat ako. Biglang tumambad sa'kin ung mukha ni Melea na mukhang bubuhusan na ako ng tubig.

"Sa wakas nagising ka din." nagising? ha? ibig sabihin panaganip lang ung kanina? ibig sabihin hindi talaga ko niloloko ni Rivas? ibig sabihin hindi ako mahal ni .....

"Thank you! Thank you!" sabi ko kay Mel sabay yakap sakanya pilit naman siyang humihiwalay.

"Ha? Siraulo ka ba? Kailan ka pa nagthank you dahil sa panggigising sa'yo?" tanong niya sabay palo sa noo ko.

"Wala wala. May masamang panaginip kasi ako. Buti panaginip lang. Salamat Beee."

"Nakakaloka ka talaga! Buti nalang nagising ka na bago pa kita buhusan ng tubig kundi mababasa pa 'yun kama ko! Maligo ka na, sabi mo aalis tayo ngayon." sabi niya sabay tulak sakin papasok ng banyo.

"Towel please." sabi ko, inabot naman niya agad 'yun towel ko na nakalagay sa cabinet niya at tinulak ulit ako papasok sa cr.

Oo nga pala sinabi ko sakanya na magshoshopping kami ngayon. Para mawala naman 'yun lungkot netong gagita na to. Hindi ako sanay na nagddrama s'ya.

Napagusapan din namin ni Mel kagabi 'yun tungkol sa deal namin dati sa coffee shop na gamitin ko si Klein para magmove-on. Eventually, wala ng saysay 'yun deal na 'yon dahil kami na ulit ni Rivas.

When The Player Meets The Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon