Amber's POV!
The next day nagising ako ng wala na si Zio,siguro nga panaginip lang lahat ng yon. Tatayo na sana ako ng mapansin kong wala akong suot na damit at tanging kumot lang ang nagsisilbing takip ng katawan ko. Ipinalupot ko yon sa katawan ko bago tuluyang tumayo.
I'm still thinking that it was just a dream but upon seeing the black feather on the table beside my bed and the bloodstain on the bedsheet,I was totally wrong. Totoo nga lahat ng nangyari kagabi,hindi na nga talaga ako virgin.
It is exactly 6:54 am kaya pumunta na agad ako ng banyo at naligo. After doing my morning rituals bumaba na ako para kumain,inabutan ko naman si Mama na nagpreprepare ng pagkain ko para sa lunch.
"Good morning Mama." Bati ko sa kanya at saka umupo sa dining table para kumain.
"Oh Anak mukhang tinanghali ka ng gising ah. Kumain ka na para makapasok ka na din." Tumango ako kay Mama at sinimulang sumandok ng pagkain ko.
"Nga pala Ma,nasaan po si Papa?" Humarap muna sakin si Mama bago ako sinagot.
"Alam mo namang nagbyabyahe pa ang Papa mo. Nag-iipon na kasi kami para sa bayaran ng kuryente at tubig at saka ng mga bayarin mo sa school. Oo nga anak libre ang tuition mo sa Kleitton University pero katakot-takot naman ang bayarin sa project." Tama si Mama,sa totoo lang kaya lang naman ako nakapasok doon dahil sa scholarship na napasa ko.
"Opo Ma naiintindihan ko po. Konting tiis nalang naman po ea,next year gra-graduate na po ako. Maghahanap po agad ako ng trabaho para matulungan kayo ni Papa." Ngumiti muna sya sakin bago pinagpatuloy ang ginagawa nya.
Konting tiis nalang magiging maayos narin ang pamumuhay namin. Matatapos ko na din ang course kong Architecture at sana makakuha na ako agad ng trabaho. Kahit taxi driver lang si Papa sobrang pinagmamalaki ko sya dahil napag-aral nya ko...
"Maraming salamat anak,swerte talaga kami ni Papa mo sayo. Alam na alam mo ang mga responsibilidad mo,nga pala nandito na yung baon mo ha." Inilapag ni Mama yung 100 sa lamesa at pumunta sa sala.
After kong kumain ay agad nakong nag-ayos at pumasok na sa school.
"Good morning Bes!" Energetic na bati sakin ni Denise.
BINABASA MO ANG
An Angel's Kiss
Fanfiction[COMPLETED] Highest Ranking: #64 in Fanfiction. This story is rated SPG! I'm warning you. If you're under age don't read this but, it's still up to you and please do not report. Enjoy!