Thirty Fifth Kiss

733 30 3
                                    

This chapter is dedicated to Babymaja01. Thank you po sa support at straight votes. Sorry po kung ganito lang ang dedication ko. Pasensya na po talaga.

Amber's POV!

It's saturday morning at halos kagigising ko lang. Kasalukuyan akong nasa hapag-kainan at kasamang kumakain si Mama ng bigla syang nagsalita.

"Siguro naman anak wala kang lakad ngayon?" Tanong ni Mama na naging dahilan para tingnan ko sya.

"Ah opo Mama,wala naman po. Bakit po?" Tanong ko din dito.

"Ngayon na kasi uuwi ang Tito Nathaniel mo at gusto ka daw nyang makita." tinanguan ko nalang si Mama. Paniguradong namimiss na ako ni Tito.

Maya-maya pa ay narinig ko ng may nagdoorbell sa bahay. Sigurado akong si Tito na yun,sinalubong ko sya at nagmano.

"Ang laki-laki mo na Iha. Paniguradong kasya na sayo ang mga damit na pinamili ko." Sabi nya habang nakangiti.

"Talaga po Tito? Maraming salamat po." Tugon ko bago sya niyayang pumasok sa loob.

"Kamusta naman ang biyahe mo,Nathaniel?" tanong ni Mama sa kanya.

"Maayos naman Ate, saka excited na talaga akong makita si Amber. Ang tagal na rin simula nung makita ko sya." Tinanguan sya ni Mama naglakad.

"Maghahanda lang ako ng miryenda." Ngumiti si Tito at saka binaling ang tingin sa akin.

"Sasamahan mo ba akong mag-mall mamaya Iha?"

"Sige po Tito." simple kong sagot. Sakto naman ang pagdating ni Mama at hinainan na si Tito Nathaniel ng pagkain.

Nagkwentuhan lang silang dalawa,paniguradong marami silang pag-uusapan dahil matagal na rin silang hindi nagkita.

"Magbihis ka na Amber,aalis na din tayo maya-maya." Tumango ako bago pumunta sa kwarto. I take a quick shower at saka naghanap ng damit.

I choose a simple white blouse at jeans. Inilagay ko cellphone at wallet ko sa bag bago bumaba. I'm just fixing my things habang pababa ng hagdan at hindi ko inaasahan ang mga narinig ko...

"Hanggang kelan ba natin itatago ang katotohanan sa kanya?" Sigurado akong boses yun ni Tito.

"Hanggang kaya ko,Nathaniel. Lumaki na si Amber sa pangangalaga ng Kuya mo kaya ayoko ng mas lalong gumulo." Sagot ni Mama na mas nagpagulo ng isip ko.

"Pero ANAK KO SYA,ANAK KO SI AMBER! Ako dapat ang kinikilala nyang Ama at hindi ang ibang tao!" Napatakip ako ng bibig ko. Anong anak? Ano bang sinasabi ni Tito?

"Hindi sya ibang tao Nathaniel! Kapatid mo sya! At saka isang pagkakamali lang naman ang nangyari sa atin hindi ba?" Hindi ko na maintindihan,gusto kong linawin lahat,gusto kong itanong ang totoo..pero paano?

"Hindi ko sya kapatid! Alam mo namang inampon lang ako ng pamilya nila at saka anong sinabi mo? Isang pagkakamali? Malamang tama ka pero ang pagkakamali na iyon ay nagbunga! Mahal ko si Amber,mahal ko ang anak natin." Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.

"Hindi mo sya Anak,Nathaniel! Anak---" Agad kong pinunasan ang mga luha ko at bumaba. Dahilan para mapatigil sila.

"Oh Amber ready ka na ba?" Ngumiti ako at tumango.

"Mag-iingat ka anak." My mom said before kissing my forehead.

Alam kong magulo pero nangangailangan ako ng kasagutan. At kahit na magpanggap pa ako ay gagawin ko,I need to know the truth! Habang nagmamaneho si Tito ay napansin kong umiiba ang daan namin.

"Tito narinig ko po kayo ni Mama kanina. Ah-eh gusto---" Hindi ko naipagpatuloy ang gusto kong sabihin dahil sa nagsalita sya.

"I want you to meet someone,saglit ito anak." He said habang nakangiti. Hindi nya man direktang sinabi sa akin yun ay sigurado akong sya nga ang tunay kong Ama.

"Tito hindi ko po alam kung---"

"It's okay. Hindi kita minamadali Amber,nandito lang ako para intindihin ka. Perhaps, eventually matatanggap mo na din ako." Sumulyap Lang sya sakin at nagpatuloy sa pagdra-drive.

Kaya pala hindi kami ganoon kaclose ni Papa,kaya pala minsan kapag wala sya sa mood lagi syang naiinis sakin. Kaya siguro ganun dahil hindi nya ako tunay na anak.

Hindi ko alam na nakarating na pala kami sa...teka...sa bahay nila Zione. Bigla akong kinabahan, ano bang ginagawa namin dito?

Nakita kong lumabas si Tita sa pintuan na kausap si Tito. Tila ba nagtatalo pa silang dalawa at pinipilit ni Tito Nathaniel na pumasok sa loob,pero pinipigilan sya nito.

Hindi ko na matiis kaya bumaba  nakong kotse at naglakad papunta sa main gate ng bahay nila Zione.

"Oh Iha anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Tita Angelique.

"Hindi ko rin po alam Tita, naguguluhan din po ako. Tito Nathaniel ano po bang ginagawa natin dito?" Tanong ko kay Tito pero nginitian nya lang ako bago nagsalita...

"I said that I want you to meet someone,right?" Tinanguan ko sya at nagulat ako ng biglang lumabas si Zione kasunod ang mga kapatid nya.

"Oh perfect nandito ka na pala Zione. Amber, I want you to meet Zione...your...
.
.
.
.
.brother."

To be continued...

An Angel's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon