Twenty Second Kiss

964 34 0
                                    

Zylver's POV!

Hindi ko namalayang nakatulog na pala si Amber sa balikat ko. Siguro masyado syang napagod ngayon. Dahan-dahan kong inilapag ang ulo nya sa lap ko. Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon,ang bilis ng tibok ng puso ko. Kung naging mate ko kaya si Amber magiging masaya kaya ako?

"Akyat lang ako ha." Tumango ako kay Kuya Zrylle.

"Hoy Zylver! Kapag umuwi si Zione at nakita nya kayong dalawa ni Amber mas lalo lang gugulo ang sitwasyon." Sabi ni Kuya Kyzen.

"Pero Kuya hindi ba pwedeng kahit saglit lang? Please kahit ngayon lang? Pagbigyan nyo ako." I pleaded. Halos buong buhay ko lagi akong nagpaparaya para kay Zione. Materyal na bagay man o atensyon,lagi kong binibigay sa kanya pero ngayon naisip ko na may mga bagay pala akong hindi ko kayang ipaubaya.

"Bahala ka nga!" Sabi nito bago umalis at pumuntang kusina.

"Sana kaya ko ding lumabas Amber,sana mas una kitang nakilala kesa sa kanya,sana hindi tayo nasasaktang dalawa. Sana pala talaga ako nalang ang pinili mo,sana ako nalang ang minahal mo." I whispered while fixing her hair.

"Sana lagi nalang tayong ganito. Akala ko nung una attracted lang ako sa dugo mo pero ngayon naiintindihan ko na,mahal na ata kita." I continued. Kung pwede lang sana ako nalang,kung pwede nga lang na sakin ka na lang!

"Ang tanga mo talaga Zylver! Magmamahal ka na nga lang may mahal pang iba." Rinig kong sabi ni Kuya Hyzer habang nakapikit.

"Salamat ha Kuya nakakatulong ka!" Note the sarcasm.

"Welcome!" Tingnan nyo nga siraulo talaga.

I look at her innocent face again. She's like sleeping beauty pero sana ako yung prince nya! Isinandal ko yung ulo ko sa mattress ng sofa at ipinikit ang mga mata ko. Maya-maya pa narinig kong binuksan ni Kuya Hyzer yung electric fan at bigla ko na namang naamoy yung dugo ni Amber. F*ck*ng Sh*t! I cant even control my thirst! I just found myself kissing her badly,I can even taste her blood.

"Kuya patayin mo yung electric fan!" I'm almost shouting.

"Anong gusto mo sasaksakin ko o babarilin?" Sh*t! Seryoso ba sya?

"Bwisit dali na, I can't control my myself!" Agad nya naman akong sinunod.

"Why? What happened?" Nag-aalala nyang tanong matapos nyang idilat ang mga mata nya.

"I can smell Amber's blood and I didn't control myself!" Nakita kong puno ng dugo yung labi nya at nagsimula na din nyang idilat ang mga mata nya.

"Sh*t! What happened here?" Rinig kong sigaw ni Kuya Ryzel na kabababa lang sa hagdan. Kasabay nun ay ang pagtayo ni Amber at paghipo sa labi nya.

"I'm sorry I..I didn't mean to hurt her,I..I just can't control myself!" Halos gusto ko ng sabunutan yung sarili ko. Ang gago ko lang talaga.

"Kasi naman Zylver pinagbawalan na kita hindi ba? At ikaw Hyzer hindi ka ba nag-iisip?" Sigaw din ni Kuya Kyzen na kalalabas lang ng kusina.

"Bakit ako? Hindi ko yun alam." Sagot naman nito. Haist! Mas lalo akong naguguluhan sa kanila.

"Sorry Kuya,lalo na sayo Amber I didn't mean it." Pagkasabi ko nun ay may luhang tumulo galing sa mga mata ko. Hindi na din ako makatingin ng deretso sa mga mata nya.

"It's okay,alam ko namang hindi mo sinasadya. Okay lang talaga Zylver,wag mo na yung isipin." Lumuhod sya para pumantay sakin. He touched my cheeks and smiled.

"Hindi ko maintindihan,ang sabi ni Papa wala na tayong kakayahang maamoy ang totoong dugo ni Amber at Denise pero si Zylver paanong?" Nagtatakang tanong ni Kuya Zrylle. Kanina pa ba sya dito?

"Hindi ko rin alam." Kuya Ryzel.

"Amber maghintay ka muna dito ha? Kukunin ko lang yung first aid sa taas." Tumango lang sya kay Kuya Kyzen at saka ngumiti ulit.

Ang lakas parin ng amoy ng dugo nya. Hinahanap-hanap yun ng senses ko kaya pinipigilan ko munang huminga. Agad akong pumunta sa kusina at kinuha yung isang blood bag sa chiller, I need this to satisfy my thirst. At least alam kong kapag nakainom nako magiging ligtas na ulit sya.

"Zylver dalian mong uminom ha? Hihinga lang kami sa bibig sa ngayon. Tandaan mong hindi pa nakakakuha ng donated blood si Papa." Si Zrylle Hyung ang nagsasalita ngayon.

"Yes Hyung, this will be fast." Kumuha ako ng straw at inilagay yung blood sa baso agad ko itong ininom at saka binanlawan yung pinag-inuman ko. I think everything will be alright now.

"Okay ka lang ba talaga Amber?" Tanong sa kanya ni Kuya Kyzen

"Opo,you don't need to worry about me. Ikaw Zylver okay ka na?" Saglit nyang tinigil yung paglalagay ng gamot sa labi nya at saka tumingin sakin.

"Ye-yes. Hyungs akyat lang po ako." Tinanguan lang nila ako kaya nagsimula na kong umakyat. Abnormal talaga yung puso ko,ang bilis bilis ng tibok. Ganito ba kapag inlove?

Zione's POV!

Lunch na ngayon pero hindi ko parin sya makita. Halos hindi na ako makakain dahil sa sobrang pag-aalala. Paano kung may nangyari na palang masama sa kanya? I just can't imagine it!

Pumunta ako ng faculty at nakiusap sa adviser namin kung pwede na akong umuwi dahil masama ang pakiramdam ko,pumayag naman sya agad kaya kinuha ko na ang gamit ko at dumeretso sa bahay.

After a few minutes I finally arrived pero nagtataka ako dahil bukas ang gate namin. "I'm home." Sabi ko pagkahubad ng sapatos ko.

Agad akong dumeretso sa sala at doon ay hindi ko inaasahan na makikita ko sya. May inilalagay syang gamot sa labi nya,teka nga anong nangyari?

"Amber?" I immediately caught her attention but she just give me a stern look that she never did before.

An Angel's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon