Thirty Third Kiss

836 32 0
                                    

Amber's POV!

Tomorrow will be my birthday at hindi ko alam kung alam ba to ni Zione. Hmm ayoko namang mag-expect dahil hindi naman namin ganun kakilala ang isa't-isa.

"Zione?" I called his name while playing with his fingers.

"Yeah?" He asks.

"Gaano mo ba ako kamahal?" Tanong ko na naging dahilan para tumingin sya sa akin.

"Why are you asking that out of the blue?" Hmp! Bakit hindi nya masagot?

"Wala naman curious lang ako."

"Hmm hindi ko kasi masukat ea,kahit anong numero hindi ata sakto. Basta ang alam ko lang you are my life,I can't live without you,that I'm nothing without you,na hindi ko alam kung ano pang gagawin ko kapag nawala ka sakin at mahal kita higit pa sa buhay ko." hindi ko maiwasang hindi kiligin dahil sa sagot nya.

"Then...let's get married." I said seriously pero nagpout lang sya.

"Bukas na masyado pang maaga." He answered na parehong nagpatawa sa amin. Sabihin ko kaya sa kanya yung okasyon bukas? Hmm bahala na nga!

"Nampyeon I want to say something."

"Hmm?"

"Bukas kasi---" Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil biglang tumunog ang cellphone nya.

"Wait lang." Tinanguan ko sya kaya sinagot nya na yung tawag.

"Hello Kuya?"
-----
"Ano? Paanong wala? Hindi ba iniwan ko sya sa inyo?"
-----
"Sa kwarto nya wala rin ba?"
-----
"Okay sige. Tatawagan nalang kita kapag nakita ko sya dito."
-----
"Oo, I will also try to call her."
-----
"Sige salamat."

Ano kayang nangyari? Mukhang lahat sila nag-aaalala ah. Sino bang nawawala?

"Ano daw nangyari Zione?" Tanong ko.

"Si Khrystel daw kasi wala sa bahay,nag-aalala sila Kuya kasi baka daw may masamang nangyari sa kanya." Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kurot sa dibdib ko.

"Sila lang ba ang nag-aalala o pati ikaw?" Bulong ko,buti nalang at hindi nya narinig.

"Hmm ano ulit yon?" Tanong nya.

"Ah wala sabi ko mabuti pa hanapin mo muna si Khrystel at siguraduhing maayos sya." I said and let go of his hand.

Hinawakan nya ulit yung kamay ko bago ngumiti at nagsalita. "Mamaya na kasama pa kita ea. Minsan lang kita masolo mahal ko tapos papaalisin mo nako." Bigla akong napangiti dahil sa sinabi nya. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat nya bago pinaglaruan ang mga daliri nya.

"Zione bukas kasi ano ea.." hindi ko alam kung paano ko masasabi sa kanya lahat.

"Ano yun?" Tanong nya na halatang hindi sya nakikinig.

Umupo ako ng maayos at tiningnan sya. Tama nga ako,hindi nga siya nakikinig. Nakatingin lang sya sa cellphone nya na parang may ilang beses ng tinatawagan pero ayaw sumagot. Hindi ko nalang sya pinansin at bumalik sa posisyon ko kanina.

"Birthday ko kasi bukas. Ahm hindi naman ako nag-eexpect ng kahit na ano,ang sakin lang gusto ko lang sanang sabihin sayo para alam mo." Sabi ko pero napanganga ako sa sagot nya.

"Ano? Ano ulit yung sabi mo? Hindi ko kasi narinig ea. Pwedeng paki-ulit?" Halos hindi nako makapagsalita pagkarinig ko nun. Kinuha ko yung  cellphone nya at tiningnan yun.

"Sweetheart nasan ka ba? Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko? Nag-aalala na kami sayo,please bumalik ka na." Halos madurog ang puso ko matapos kong mabasa yung text nya kay Khrystel. Agad kong binalik sa kanya yung cellphone nya at nanahimik.

"What's the matter Amber?" Tanong nya pero nananatili akong nananahimik.

"Uy kausapin mo naman ako." Sabi nya na parang batang naglalambing.

"Malapit na magtime,bumalik na tayo sa room." Sabi ko bago sya iniwang mag-isa.

I heard him calling my name pero hindi ko pa rin sya pinansin. Naiintindihan ko naman sya at ayoko na sana syang awayin pero ang hindi ko maintindihan bakit hindi nya ko magawang sabihan? At bakit nya pa kailangang tawaging sweetheart yung babaeng yun.

Pagdating ko sa room saktong dumating na ang professor namin kaya nakinig nako sa kanya. After our class, uwian na pero hanggang ngayon hindi man lang sya nagpapaliwanag.

"Amber mauuna nako mauwi ha? Bye." Ano daw? Hindi ito ang usual nyang sinasabi sakin. Lagi nya akong inaaya sa kanila,so nagkakaganito sya dahil lang sa babaeng yon?

"Ge." Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko,kanina pa pumipintig ang tenga ko dahil sa kanya.

Nagtatakbo sya palabas ng school at ako naman nag-abang ng masasakyan. Si Denise kasi kanina ko pa hinahanap wala naman,bakit ba kasi magkaiba kami ng class schedule ngayon? Aish.

Pagdating ko sa bahay at agad akong natulog. Walang kwenta kung magmumukmok lang ako!

Zione's POV!

Bakit ba kasi kailangan nya pang umalis? At hindi man lang sya nag-paalam samin. Nag-aalala na kami pare-pareho dahil baka nga may nangyari ng masama sa kanya.

"Saan naman pupunta si Khrystel? Wala naman syang kamag-anak dito sa Pilipinas hindi ba?" Tanong ni Kuya Hyzer.

"Panigurado magsta-stay yun sa mga hotel or something." Sagot ni Kuya Zrylle.

"Pero sana nagpaalam man lang sya hindi ba?" Suhestiyon ni Kuya Kyzen.


"Akyat lang po ako." Paalam ko. Agad naman silang tumango kaya nag-lakad nako pataas.

Pagdating ko doon ay napahinto ako sa guest room kung saan nagpahinga si Khrystel,huminga muna ako ng malalim bago dahan-dahang pinihit ang doorknob. As what I've expected her room is so clean. Binuksan ko ang cabinet at wala ng kahit na isang damit ang naiwan. Hanggang sa mapansin ko ang isang papel sa side table. I started reading it...

"Salamat sa lahat Lionel Family. You always treat me as a part of your family pero kahit na ganon,kahit na masaya ako dito may sarili pa rin naman akong buhay. Tita, I'm sorry for not telling you the truth pero may boyfriend na po talaga ako. Akala ko po kasi nung una may babalikan pa ako pero, iba na po pala ang mahal nya. Don't worry Kim Ace Infante is a kind and responsible boyfriend to me. Salamat po sa lahat at sorry kung umalis ako ng walang paalam. I'll be going back to Korea at sana po maging masaya kayong lahat. Sorry and Goodbye!" Hmm minsan talaga mahirap syang intindihin.

Agad akong bumaba at pinabasa sa kanila ang sulat. "We don't need to worry anymore,mukhang nag-eenjoy naman sya diba?" Pare-pareho kaming tumango habang nakangiti kay Kuya Ryzel.

"Pero wag muna tayong pakampante, tandaan nyo we need to worry about something else,right Zione?" Napahinto ako dahil kay Zylver. Tama sya,may dapat pa nga akong alalahanin.

An Angel's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon