Eighteenth Kiss

1.2K 48 4
                                    

Angelique's POV!

We shared laugh altogether. Hindi ko maipagkakaila na mas naging masaya ang pamilya namin dahil kay Amber at Denise.

Saglit akong napasulyap sa labas,mukhang pagabi na at kinakailangan ng umuwi ng mga dalagang to. I was able to look at my family when I notice someone standing outside of our gate.

Hindi ko ito lubusang makita kaya medyo lumapit pa ko ng konti. Nagsimula ng kumunot ang noo ko dahil parang pamilyar ang tao sa labas. Muli ko syang tiningnan at nagulat ako sa nakita ko...

No! It's impossible!

"Hon,are you okay? Ano bang tinitingnan mo dyan?" Nagtatakang tanong ni Damon.

"Ah wala,namalikmata lang ako. Akala ko kasi may tao sa labas." I answered even there's a doubt between my words.

"Haha pano naman magkakaron ng tao sa labas? Siguro pagod ka lang,mabuti pa magpahinga ka na sa taas ipapaayos ko nalang sa mga anak mo yung table para makakain na tayo." Tumango nalang ako sa kanya bago sinimulang humakbang.

I tried to look at it for the second time pero wala na sya,sana nga imahinasyon ko lang lahat... Ayokong guluhin nya pa kami,masaya na kami ng pamilya ko.

"Mama handa na po yung pagkain sa baba. Hihintayin nalang po namin kayo." Sigurado akong si Zrylle to. Kilala ko na kasi ang boses ng mga anak ko.

"Oo sige." Sagot ko habang tinitingnan sa salamin ang reflection ko.

Medyo namumutla na pala ako,hindi ko alam pero kakaibang kaba ang naramdaman ko kanina. I know that we don't have any connection pero alam ko din ang mga kaya nyang gawin.

I apply a little bit of powder at konting lipstick na din para magmukhang natural ang itsura ko. I sighed before opening the door and leave. I'm walking in the hallway ng bigla kong makasalubong si Zione.

"Mama pwede po ba tayong mag-usap?" Sabi nya habang nakapamulsa.

"Oo naman anak, ano namang pag-uusapan natin?" Hindi sya sumagot at tuloy-tuloy na naglakad papunta sa veranda. Sinundan ko naman sya at tumabi ng konti.

"I saw him,Ma. Alam kong imposible pero kitang-kita ng dalawa kong mata ang mukha nya." I was shocked. That means totoo nga na nandito siya?

"Paano ka naman nakakasiguro anak? Hindi mo pa naman sya nakikita sa personal hindi ba?" I want to keep this all by my self. Hanggat maari hindi ko hahayaang guluhin nya kami.

"Maybe your right Mama pero alam kong sya yon. His body composition,his eyes and the way he smiles...kahit sa picture ko lang yun nasilayan,siguradong-sigurado ako Ma." He stated without any hesitations.

"No! We all know that he can't leave his work above. Maybe it's just your imagination,Zione. Just forget about it." Pagkasabi ko nun ay humakbang nako paalis pero hinatak nya pabalik ang kamay ko.

His eyes are now started to glow in their red forms. Alam kong mahirap na itago pa to sa kanya lalo na kung sya na mismo ang nakakita.

"I'm not a kid now,Ma. Alam ko na ang kasinungalingan sa katotohanan. It's too blatant so don't try to keep it anymore! Maybe I haven't given a chance to saw him before,but I'm absolutely sure that the guy standing outside our house is him!" Ramdam ko ang ibig nyang sabihin...natatakot din sya para sa pamilya namin.

Lumapit ako sa kanya at dahan-dahan syang niyakap. "You don't have to worry about it,my son. He can't do anything to destroy our family. I won't let him hurt anyone of us." I said to calm him and I think it's quite effective.

"I'm just afraid Mom...I'm afraid that he will take you away from us." God! I miss my baby boy that much.

"Don't worry baby. I will never leave you,I promise." Naramdaman ko ang pagtango nya.

"Wag mo nalang muna tong sabihin sa kanila okay? Lalo na sa Papa mo. Let's go,baka makahalata na sila na matagal tayong wala sa baba." Dagdag ko pa na agad nya namang sinang-ayunan.

Agad kaming dumeretso sa kusina at nakita namin silang masayang nagtatawanan. "So what's happening here? Hindi nyo man lang kami sinasama." Zione said as he sit beside Amber.

"Ah wala lang yon. It's just a corny joke given by Daddy." Halata namang nanlaki ang mga mata ni Zione. Napatawa lang ako ng bahagya.

"Daddy?" Tinanguan lang sya ni Amber bago sinimulang ipagsandok ng pagkain si Zione.

"At kelan pa---uhm.." he wasn't able to finish his words ng bigla syang subuan ni Amber.

"Stop asking about anything... Nampyeon." Amber said that makes him blushed. Kinurot naman ni Amber yung tip ng ilong ni Zione at saka ngumiti.

Ang cute nilang tingnan. We're so lucky if ever na si Amber na nga ang papakasalan ng anak namin. "Ehem!" Sabay-sabay nilang tikhim maybe because of Amber's sweetness.

"Haist! Kayo talaga! Tara na nga kumain nalang tayo." Sabi ko at nagsimulang sumubo ng pagkain.

After eating our dinner nagprisinta na sila Amber at Denise na sila nalang daw ang maghuhugas ng pinagkainan,masyado silang mapilit kaya hinayaan na namin. Pagkatapos kong punasan ang dining table ay pumunta nako sa sink. Patuloy paring silang dalawa sa paghuhugas habang si Zione at Draze ay nakayakap lang sa likuran nila,backhug kung baga.

"Ano ba Zione? Sabi ko bitawan moko,ang hirap kayang maghugas." Rinig kong reklamo ni Amber.

"Ayaw,sabihin mo muna ulit yung sinabi mo kanina para bitawan kita." Ang anak ko talaga.

"Alin?" Sus ang mga bata nga naman.

"Yung korean."

"Ah iyon ba? Ayoko nga."

"Okay edi hindi kita bibitawan." Inis na pinaling ni Amber yung ulo nya kay Zione.

"Ang kulit mo!"

"Sabihin mo na kase!" Patuloy parin sya sa pangungulit kay Amber ng bigla itong nagsalita.

"Can you please stop?" Umiling si Zione at ngumiti naman si Amber.

"Fine...Saranghae Nampyeon." She nuttered and kiss Zione on his cheeks. Ngiting anghel na ang anak ko ngayon.

"Nado Saranghae Anae." He said and kiss her on her cheeks also.

"Asus kanina pa kayo ha." Reklamo nung dalawa sa gilid nila.

Bigla nalang tuloy akong napangiti. Mas lalo kong napagpasyahan ang dapat...I will do anything to save my family from him.

-------

So how's the update guys?
Translation:
Saranghae- i love you
Nampyeon- husband
Anae- wife.

Keep supporting me po! Thank you.
Please leave comments and votes. Kamsa!😍

An Angel's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon